-KEVIN POV-
Nalaman ko sa barkada na huminto na si Josh sa panliligaw kay Angel. Hindi ko na kasi kinakausap si Angel baka mas lalo nanaman akong mahulog sa kanya. Itatanong ko sana kay Josh kung bakit sya huminto pero..
*FLASHBACK*
“Hindi ako huminto sa panliligaw sa kanya.” Sabi ni Josh.
“Kasasabi lang ni Michael na—“ naputol yung sasabihin ni Jay
“Pinahinto nya ako..”
“Kaya pala.. anong sinabi mo?” tanong ni Ryan
“Basta.. sa akin na lang yun! Ahahhah tara basketball na tayo.”
“Sige tara na nga!”
Tumayo kami sa kinauupuan namin para maglaro.. nauna sila sa paglalakad papunta sa court at nahuli kami ni Josh.
“Oo nga pala Kevin.” Tawag nya bigla sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad at hinintay sya ng kaunti.
“Bakit pre?”
“May gusto ka bas a bestfriend mo?” nagulat ako sa tanong nya..
“Ha? Bakit bigla mo naman yang natanong?”
“Ahaha wala naman.. meron ba?”
“Ahahha best friend ko yun.. wala..”
“Ahahah ganun ba! Wag mo syang liligawan ha!” sabay akbay sa balikat ko.
“Hoy! Bilisan nyo ng dalawa! Ready na kami ang bagal nyo!!” sigaw ni Jay.
“Oo!!” tumakbo si Josh at sinundan ko papunta sa court.
*END OF FLASHBACK*
Wag ligawan si Angel.. yun ang gusto ni Josh. Oo, meron nga kong nararamdaman para kay Angel pero ayoko ‘tong ituloy dahil alam kong masasaktan si Josh. Ayokong maging karibal ang kaibigan ko. Mas mabuti nga sigurong ituloy ko yung pag-iwas ko kay Angel at itago na lang yung nararamdaman ko para sa kanya..
-ANGEL POV-
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap namin ni Josh tungkol sa panliligaw nya ay nagbakasyon na. At sa paglipas ng mga araw ay kasabay nasayang ang hindi ko pagsasabi kay Kevin ang tungkol sa tunay kong nararamdaman.
Dumating ang araw ng pasukan. Ang bilis ng mga pangyayari, naging 4th year na kami. Hindi ko rin alam kung paano, kailan at bakit nangyari ang mga bagay bagay.
*FLASHBACK*
“Ang tagal naman ng dismissed nyo!” salubong na sabi sa akin ni Andrea. Hinintay nya kasi ako para sabay na kami mag recess. Nagbago yung time slot ng section namin. Sabay sabay ang oras ng mga section namin kaya nagkikita kita kami bago magsimula ang klase, tuwing break time at uwian.
“Over time si maam eh ahahah tara kain na tayo!” pagkatapos naming bumili ni Andrea ng makakain ay umupo kami sa isa sa mga bench sa tapat ng building namin at doon nagkwentuhan.. Nakita ko si Kevin at Nicole na magkasama, medyo nakaramdam ako ng selos..
“Oo nga pala Angel!”
“Ha? Bakit ano yun?” nagulat kasi ako ng biglang napasigaw ng kaunti si Andrea.
“Alam mo nab a yung balita tungkol kay Kevin?”
“Anong tungkol sa kanya? Hindi ko na kasi sya nakakausap..”
“Ano bayan.. mag bestfriend ba kayo?! Ahaha pero Angel, alam mo bang nanliligaw si Kevin kay Nicole?”
“Angel? Nakikinig ka bas a akin?” Hindi kasi ako nakapagsalita sa sinabing balita ni Andrea.
BINABASA MO ANG
Long Time Crush
Teen Fiction"Ang tunay na nararamdaman hindi dapat pinipigilan dahil minsan mas lalo itong lumalala." This story is about two people who love each other but always using their minds and never listen to their hearts. Will they use their mind until the end or lis...