-ANGEL POV-
Lumipas ang mga araw. Habang tumatagal ay nanlalamig na ako kay Josh. Naging busy sya sa kung saan saang bagay. Hindi na sya yung katulad ng dati na lagging nakakagawa ng paraan kahit na sobrang busy nya. At hindi rin tumagal ay nakipag-break na ako sa kanya.
Sa school, lagi kaming nagkakasama ni Kevin pero wala na nga yata akong nararamdaman para sa kanya.
Minsan, nagtataka ako kung bakit lagi nyang kinakanta yung “Dahan” kaya naman tinignan ko yung lyrics at pinakinggan ito.
Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan
Di na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko
At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan
Di na papayag na ako'y iyong saktan na muli
At malimutan ang ating nakaraan
Di mo ba naririnig pintig ng aking dibdib?
Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko
At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan...Para kanino... Yun lang ang tanong ko... Sa akin? Imposible.
-KEVIN POV-
“Pre, break na kami.” Sabi sa akin ni Josh.
“Bakit?”
“Ayoko na... susuko na ako... Pre, mahal mo ba sya?”
“Ha? Bakit mo natanong?”
“Alam ko naman na mahal mo sya...”
“Pero pare, kayo ang para sa isa’t isa kaya kailanman ay hindi ko sinabi...”
“Pre, tanggap ko na... masakit. Hindi ako yung hinahanap ni Angel... pinapalaya ko na sya.”
“Pero Josh...”
“Ikaw na bahala sa kanya ha. Sige uwi na ako.”
Yun lang ang huling sinabi sa akin ni Josh at iniwan nya na ako sa court. Lumipas ang ilang buwan at lagi ko lang pinagmamasdan si Angel.
Wala na sana akong pakialam sa sinasabi ng utak ko.. Hindi ko na pipigilan yung nararamdaman ko.. Pero mukhang malungkot sya sa break-up nila ni Josh..
Pinabayaan ko muna sya dahil baka kailangan nya ng space. Hanggang isang araw ay sinundan ko sya... Iba kasi yung kinikilos nya. Pumunta sya sa backstage at doon ay nakita ko syang umiiyak...
“Angel...” iniabot ko sa kanya yung panyo ko.
“Kevin? Bakit ka nandito?”
“Hindi ko rin alam.. mahal mo parin si Josh..”
“Hindi na..”
“Bakit ka umiiyak?”
“Nagseselos kasi ako..”
“Ha? Kanino naman?”
“Basta!”
“Sige iiyak mo na lang yan para kahit paano ay mawala..”
“Di na muling luluha Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin----“ hindi ko na naituloy ang pagkanta ko dahil mas lalong lumakas yung iyak nya.
BINABASA MO ANG
Long Time Crush
Novela Juvenil"Ang tunay na nararamdaman hindi dapat pinipigilan dahil minsan mas lalo itong lumalala." This story is about two people who love each other but always using their minds and never listen to their hearts. Will they use their mind until the end or lis...