Maingat na hinubad ni Blaze ang sapatos niya upang hindi iyon gumawa ng ingay. Sa tantiya niya ay alas dos pasado na. Napatingin siya sa may hindi kataasang gate sa kanyang harapan, walang ingay na hinubad niya ang heels na suot niya, nilagay sa kanyang bag at isinabit iyon sa kanyang leeg. Buong liksi siyang tumalon at kumapit sa itaas ng gate, slowly she managed to climb and get in. Nakita niyang may dumaang ilaw na nagmumula sa isang flashlight, iyon ang nagpapatrol tuwing gabi sa kanilang subdibisyon upang masiguradong maayos ang kapaligiran kahit na sa gabi. Mabilis siyang tumalungko habang nakangiti. Nang masiguradong lumagpas ang mga nagpapatrol ay patakbo siyang naglakad sa bahay nila. Sa halip na dumaan sa main door ay pinili niyang magpunta sa kanang bahagi kung saan natatanaw ang kwarto niya na nasa ikalawang palapag.
Nagpalinga-linga siya para hanapin ang hagdan ng kanilang hardinero, napangiti siya ng makitang maayos pa din iyong nakasandal sa isang malaking puno na parte na kanilang hardin. Without making any noise, she lifted the ladder slowly (dahil mabigat din iyon) until it was placed on her room's window. Stretching her arms a little, she climbed the ladder, pinipigilan niyang lumingon sa ibaba dahil baka maduwal siya, madami din siyang nainom at kaya niya ito ginagawa ay para matanggal ang lasing niya, aside that it gives her a thrill na para bang sa mga pelikula na iniiwasan niyang magpahuli. It's good that she has a sliding window on her room. Matapos maingat na buksan iyon ay pahiga siyang bumagsak sa sofa na sinadyang idinikit sa bintana para sa mga ganitong pagkakataon.
She was doing this routine for a week now. Sa umaga ay tulog siya or she's pretending to sleep. The maids are just bringing food to her as instructed by her parents—na wala na naman. Hindi niya alam kung out of town o out of the country. They just left her a note na hindi naman niya binasa, then she learned from the maids that they left. Hanggang sa isang beses na umalis siya ng umaga ay may kasunod siyang mga bodyguards which totally pissed her off. Natatakasan naman niya ang mga ito pero nakakainis lang na hindi siya nag-eenjoy sa mga pinupuntahan niya, Sidney even laughed at her. Kaya naman naisip niyang sa gabi na lamang lumabas—she's smart, right?
Eyes half opened, she removed her sling bag on her neck and just throw it in the bed. While thinking what will she do tomorrow, her eyes closes and drifted to sleep.
**
"What the f*ck?!" hindi niya maiwasang mapamura ng sa pagbukas niya ng pinto ng condo niya ay isa-isang pumasok ang mga kaibigan niya.
"Good morning, Bro.." Lance gave him a salute then sits at the couch comfortably.
"Fuck you, bro.." That's Bjorne. Imbes na sa sofa ay dumiretso ito sa ref at binuksan iyon.
"Did you just curse me, Mondejar?"
"That's Bjorne's version of 'Good morning'.."
"Warren?"
"Hindi ba halata?" then his cousin chuckled and sit at the single seater.
Today is a weekend kaya naman hindi siya pumasok ng opisina. He wants to rest, relax, inisip niya na kahapon ang mga gagawin niya—na mukhang hindi na niya magagawa dahil nandito ang mga ito.
"Seriously, Madrigal.."
They all turned to Bjorne who's still searching his ref.
"Ang baduy ng ref mo—puro tubig ang laman.."
"Not this Madrigal.." Warren said defensively.
That's not true at all. May prutas, gulay at energy drink doon. Hindi lang nito trip ang mga ganoong bagay.
"Why are you surprised?" Lance said, yawning. "Condom nga yata wala yan sa wallet..sinasabi ko sayo, makakabuntis yan.."
"What's the use of condom if you don't have anyone to use it with?" said Bjorne while making his way to the sofa, empty handed.
BINABASA MO ANG
The CEO's Project
RomantikJax likes everything to be organized, perfect. Every thing. Hindi niya gusto ng magulong opisina at bahay. He seldom wears a white polo shirt worrying that it might be stained. His friends called him OC, perfectionist and nerd, except that he never...