Part 9-Missing Brat

2K 61 6
                                    


Blaze looked up in the sky. It was already dark. Funny, parang nakikiisa ang langit sa kanya. Ganoon din ang pakiramdam niya. She released a deep breath and continued walking. Hila-hila niya pa din ang trolley bag niya. Magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at nagsisimula na siyang makaramdam ng pangangawit. Ang balak niyang pagtuloy sa kaibigan niyang si Sidney ay hindi na niya nagawa. Iniwan na din siya nito. Inis na umupo siya sa isang waiting shed na nadanan niya at nagsimulang tumulo ang luha niya habang inaalala ang naging usapan nila ng kaibigan.

She excitedly awaits outside the huge gate that covers the Montenegro Mansion. Katulad niya ay nag-iisang anak lang din si Sidney. But unlike her na ang dahilan sa pagrerebelde ay atensyon sa magulang-ito naman ay ang mataas na expectation dito ng mga magulang nito. Her parents own one of the most prestigious radio stations on the country-Montenegro Radio Station. Sadyang rebelde talaga ito. Nakilala niya ito during her fourth year highschool-she leads the section and is a known bully. Hindi na niya matandaan kung paano sila naging magkaibigan pero ito ang nagturo sa kanya ng mabisang paraan upang hindi niya na maramdaman na hindi siya mahal ng kanyang mga magulang. She introduced her to the nightlife-casino, clubbing, drinking, smoking. She would have tried drugs and marijuana, ang kaso lang ay natakot na itong makulong muli. Lately ay madalas na siya nitong tinatanggihan sa pag-aaya niya dito, kaya naman madalas na lang na mag-isa siya. She missed her as well, alam niyang hindi ito tatanggi na patirahin siya sa mansyon nito.

The guard told her to wait dahil tatawagin daw nito si Sidney. Nagugutom na din siya. Her cellphone vibrated inside her sling bag. Isinandal niya ang trolley bag sa gate at mabilis na kinuha iyon. The caller is Sidney. Bakit hindi na lang siya nito nilabas? She just shrugged her shoulders and answered the call.

"Hey, Sid. What's up?" she said excitedly.

"Why are you here?"

She didn't expect the question. She said it as if they are not close friends, mahina din ang tinig nito na tila hindi gustong ipaalam sa lahat na may kausap ito-na kausap siya nito. She sensed that there might be something wrong.

"Sid, I have a favor to ask you.." she said. Deciding to push her luck despite of knowing that there might be a catch.

"Ano yun?" tanong nito sa tinig na nagmamadali.

"I need a place to a stay-can I stay here for a while?"

"What?" mas lumakas ang boses nito kumpara sa kanina noong nagsimula silang mag-usap.

They're good friends, right? What the hell is going on?

"I need a place to stay-narinig mo ko, diba? Can I stay there? I promise not to cause any trouble-magtatrabaho din ako-"

"Hell, no!" pasigaw nitong sagot. "Wait for me-lalabas ako."

She stared at her phone even Sidney already drop the call for two minutes now. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at lumabas angkaibigan mula doon. She was about to say 'Hi' but the weary look on her face stopped her. Lumingon-lingon muna ito sa paligid at inabot ang trolley bag niya, hinila din siya nito papunta sa isang malaking puno di kalayuan sa gate ng bahay nito.

"Now, explain.."

Kunot-noong napatitig siya dito. But decided to ignore it as she really doesn't have a place to go. At hindi siya babalik sa kanila.

"I need a play to stay, Sid-kanina ko pa iyon sinasabi."

Humalukipkip ito. "Kasi?"

Ilang sandali siyang natigilan. Thinking if she will open up what happened. "Nag-away kami ng tatay ko-naglayas ako." Hindi niya gustong ikwento dito ang nangyari lalo pa at halata namang hindi ito sincere sa pagtatanong, idagdag pa na wala naman itong maitutulong. Sidney was never good in advising, she's good being a drinking buddy.

The CEO's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon