Part 14- The CEO's Project

3.1K 88 16
                                    




Jax had been distracted for the past two days. Nakakapagtrabaho siya ng maayos ngunit alam niya sa sarili niya na kapag nagpadala siya sa kanyang naiisip ay papalya siya.


His reason?


His father.


He gave him an offer last week. Buy his shares and the company will be him if not, Tiongson will have it.


Ang akala niyang pagbibigay ng konsiderasyon ng kanyang ama ay isa palang malaking bitag. It crossed his mind but he never gave it much of a thought since he couldn't see any reason why his father would do that. Or so he thought.


He gave him five days.


The first three days were spent of thinking where can he get the funds. He has his own money but it can't be enough. Hindi niya gustong bilhin iyon sa mababang halaga kahit na alam niyang pwede siyang humingi ng konsiderasyon dito. Pinalaki siyang pagpaguran ang mga bagay na gustong makuha kahit na may kaya silang pamilya. Noon pumasok sa kanyang isipan na galawin ang trust fund niya. The amount alone will satisfy the amount of his father's shares. Sa kanya naman iyon sa legal na paraan at wala siyang nakikitang mali kung gagalawin niya iyon. Lalo na at para naman sa kompanya. He immediately made arrangement with their attorney and their accountant but was informed that his trustfund is currently freeze.


Damn!


Only his parents can have the power to do that. Surely, his mother would not do such act. That only left her father to blame. The same person who advised and suggested to him to use the fund. Kaagad siyang bumisita sa bahay ng kanyang mga magulang upang kausapin ang kayang ama ngunit hindi niya ito inabutan dahil may pinuntahan daw ayon sa kanyang ina. It only added to his suspicion that his dear father is planning something. Dapat niya iyong ikabahala dahil nakakasiguro siya na malaki ang kinalaman niya doon. He even suggested to his mother to wait but he was told just to wait for him in the office the next day. It was also the first time that her mother did not invite him to sleep over. It's obvious as to which side his mother is on.


At ngayon ay heto siya, nag-aabang sa maluwag na schedule ng kanyang ama na hanggang ngayon ay may kausap pa. Sa pagkakaalam niya ay kanina pa iyong umaga. Napatingin siya sa kuwadradong orasan na nasa kanyang lamesa.


Pasado alas y dos.



Sino ang kausap ng kanyang ama ng ganoon katagal?


Tinapos niya na ng maaga ang lahat ng pipirmahan niyang papeles upang hindi siya magmadali kapag nakausap na niya ito.


Kung ano man ang binabalak ng kanyang ama ay nasisigurado siyang gusto nitong makasigurado na hindi siya makakatanggi. He even used the company as a bait!


Ang malakas na tunog ng intercom ang nakaputol sa iniisip niya. Kaagad niyang inabot iyon at sinagot. Naiirita siya sa tunog na ginagawa niyon. Boses ng kanyang assistant ang bumungad.

The CEO's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon