Part 2-Her Badass Ways

2.3K 75 2
                                    

A/N: Let's welcome our badass girl: BLAZE!

Blaze's arms were up in the air as her eyes were half-opened because of the patrol lights. There were other twenty persons that was included in the pot session she joined a while ago, before the damn cops intruded.

Nayaya lamang siya ni Sidney na magpunta doon upang maranasan niya ng makatikim ng bato. Yes, she is the typical problematic child. Kinulang sa atensyon dahil sa negosyo. She had a grand debut on her 18th birthday but was ruined when her parents needed to leave in the middle of the celebration because of an important business matter. The whole evening passed by with only one thing in her head. "No one cares for her"

That evening was her last straw. Maraming bagay sa buhay niya na wala ang mga magulang niya: meetings, recitals, Christmas party and they were even late at her highschool graduation. After that night, she transformed. Blessie Gayle Bendivel was buried alive – Blaze was born.

Blessie was the patient girl who was deprived from love. Blaze is the rebellious girl who doesn't give a f*ck anymore. Blaze is the red-haired girl who smokes, drinks, do clubbing and drag racing.

"Miss, sakay na!" walang pag-iingat na itinulak siya ng pulis sa loob ng patrol car. Kasama niya si Sidney na nakasakay. Matino din itong katulad niya dahil hindi naman sila nakaamoy talaga dahil biglang dumating ang mga pulis.

"Sydney, palpak ka." Mahina niyang kastigo sa kaibigan. Matagal na niyan itong kaibigan at kasama sa kabulastugan.

"Blaze, hindi ko alam na may kasabwat sa mga kasama natin." Napapalatak ito. "Patay ako sa mga magulang ko.."

She just smiled bitterly and close her eyes. Wala na siyang pakialam kung anong magiging reaksyon ng mga magulang niya.

"Miss, sabihin mo na ang pangalan mo ng matawagan na natin ang mga magulang mo." Pangatlong pulis na iyo nagtatanong sa kanya pero hindi siya sumasagot.

"Hindi na ko menor-de-edad para sunduin ng magulang" Pinalobo niya ang chewing gum na iniwang sa kanya ni Sidney noong umalis ito.

Sinundo ito ng mga magulang nito kasabay ng iba pang kabataan doon. Siya na lamang ang natitira roon.

Napakamot sa ulo ang pulis na nasa harapan niya. Nararamdaman niyang pinipilit na lamang siyang gamitan ng demokrasya ng matabang pulis na ito. Hindi niya ito masisisi. Pasado alas tres na ng madaling araw sa malaking orasan na nakasabit sa ulunan ng painting ng kasalukuyang presidente.

"Hindi kami nakakasigurado na hindi ka menor-de-edad dahil wala kang I.d. na maipakita kaya mabuti pa, tawagan na natin ang mga magulang mo."

Napatingin siya sa paligid ng presinto. May isang maliit na selda doon na kasalukuyang wala naman nakadetine. Ang dinig niya kanina ay hindi siya masasampahan ng kaso sapagkat nag negative naman siya sa drug test. She's thinking of sleeping inside that cell.

"May kape ba kayo? Pampawala lang ng antok".

Inis na napailing na lang ang pulis at padabog tumayo. "Martinez!" tawag nito sa isang payat na pulis na pumupuslit ng idlip sa gilid.

"Sir!"

"Ihanda mo na yang selda!"

Muli siya nitong tiningnan, may be checking if she'll fear being detained. She just raised one eyebrow.  Siya na ang kusang tumayo at lumakad papunta sa selda.

"Miss, tawagan na lang nating ang mga magulang mo --- ",

"Wala akong magulang." Inis na sabi niya at nagkusa ng pumasok sa seldang naroon.

Darn. The cell is smelly. It was a mixture of sweat and body odor. Pero hindi na magbabago ang isip niya.

Sinuot niya ang jacket na iniwan kanina ni Sidney. She leans her head on the wall and close her eyes.

Sinundo si Sidney ng Tatay nito at sinubukan siya nitong ilabas, but the police requested for her parents. She bet that Sidney's father already told what happened to her parents and it has been three and a half hours. It took less than thirty minutes for Sidney's dad to get his daughter out of this filthy place the soonest time it was reported.

How come her parents couldn't? Not telling the police her parents information will at least comfort her that they didn't know. May dahilan ang mga ito kung bakit hindi siya nasundo. Mas masasaktan pa siya na sinabi niya and in the end hindi ito makakapunta at driver lang nila ang susundo sa kanya.

Marahas niyang pinahid ang mga luhang pumapatak sa mata niya..

Blaze open her eyes as she welcomes her fifth day in prison. Iyon ang pinakamahabang araw niya sa kulungan. Nakulong na din siya noon sa kasong hindi na niya matandaan kung ano, ngunit inabot lamang iyon ng dalawang araw. Araw-araw siyang binibisita ng kasambahay at ng driver nila upang magdala ng damit at pagkain.

Her parents knew what happened to her and she was informed by the maid that not bailing her out is somekind of punishment. Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon. She ate the food and gladly accepts the clothings. Kailangan niya ng lakas para sa susunod niyang gagawin, she's thinking of selling a coccaine or used it -- magkakapera pa siya.

Nakatingin sa kanya ang pulis na nag-interview sa kanya noong mahuli siya. Kahit papaano ay naging kaibigan na din niya ang mga pulis na naroon. Lumapit ito sa selda niya at binuksan iyon gamit ang susing nagmula sa bulsa nito.

"Malaya ka na. Napiyansahan ka na ng mga magulang mo." napakamot ulo ito. "Hindi mo naman sinabi na mayaman ka pala."

Napangiti siya at sinundan ito habang naglalakad papunta sa lamesa nito."Sila lang yun, hindi ako."

Pinirmahan niya ang mga dokumentong inabot nito sa kanya. Matapos bigyan ito ng saludo ay nakangiti siyang lumbas ng presinto na agad ding nawala ng makita ang kulay itim na limousine na nakaparada sa labas.

Saglit siyang napahinto. Her parents. Umandar ang nakaparadang sasakyan para lumapit sa kanya. Bumukas ang pinto ng kotse. Ilang segundo ang nakalipas bago niya nagawang pumasok sa loob. The she saw them. Her mother Beatriz Bendivel, who is dignified and still beautiful despite the age of 45. Dito niya namana ang pagiging mestisa niya dahil sa lolo niyang may bahid mg dugong espanyol. She looked at her like she missed him, like she lost her daughter and she found her again..

Her father Gabriel Bendivel who's tall and lean man, still formidable looking but she'd swear that he looked teary for a moment.

She avoided their stares. Ganoon naman palagi, sinasabi ng mga ito na hindi nila gustong mapahamak siya. Na mahal siya ng mga ito. Pero ni kapirasong oras ay hindi siya mapaglaanan nito. They even let her stay for five f*cking days inside the prison.

Her mother combed her red hair using her fingers. And it felt good.

"Did you have a hard time, sweetheart?" her mother asked in a soft voice.

She closed her eyes and avoided her mom's fingers. Lumayo siya ng bahagya at isinandal ang ulo sa bintana. She heard their deep breaths. Hindi siya dapat maapektuhan. Ang mga ito ang unang lumayo at nakalimot sa kanya.

"We're trying to reach out, honey" Her father said. "But, you need to help us.."

If she has her headset, she can cover her ears but she doesn't know anymore where it is.

Reaching out?

They did.

But when she's already believing that they can be a family again like they used to, their business would meddle and she was alone.

Again.

She heard her mother sob.

"This will be the last time you'll be doing that." it was her father again.

"And forgive us for doing this."

The last words were hazy. Her excuse to sleep became real. Letting her mind to have peace even just for a short period of time...



Please like our page and keep supporting us. You may also hit LIKE, COMMENT (sasagutin po namin kayo) and Vote.

For more stories, you can check our individual accounts, iamQVEEN, MissFranzAlexa, MissJacee, jdred24.

Till next update.

The CEO's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon