Part 11-Bring Her (MY) Home

2.4K 65 5
                                    


Blaze is watching Jax from a distance. Nakasandal siya sa bumper ng kotse nito. The top is now removed—para siguro lumabas at hindi makulob ang amoy. Nang masukahan niya ito kanina ay narinig niya ang pinakamalutong na mura na narinig niya sa dalawampu't isang taon na nasa mundo siya. Napangiwi siya ng maalala na naman ang kahihiyang nangyari sa kanya—though it wasn't intentional at wala naman may gustong ganoon mangyari—she couldn't help but feel sorry.

Sira ulo at pasaway lang siya pero marunong naman siyang makaramdam ng kahihiyan. Huminto sila sa likod ng isang gasolinahan kung saan may pampublikong cr. Nakita niya kung paanong halos hindi ito huminga para huwag lang maamoy ang likidong nilabas niya habang nagmamaneho ito papuntang gasolinahan.

"Grabe naman to—hindi naman ganoon kabaho!"

Masakit pa din ang ulo niya at medyo magiway pa din ang paningin niya sa kalsada pero nang mailabas niya ang dapat mailabas guminhawa ang pakiramdam niya. Ang problema nga lang sa maling lugar niya nailabas.

"Pero kasalanan naman niya eh.."

Ilang beses niyang sinabi na buksan nito ang bintana—sa halip ay naglecture pa ito ng kung ano-ano tungkol sa kanya samantalang wala naman itong alam sa kwento ng buhay niya. This should served a lesson.

Napangiwi siya ng marinig niyang sumigaw muli ang lalaki. Nakatalikod ito sa kanya at nakatingala sa kalangitan. His hands on his waist. Ang coat na nadisgrasya niya ay nahubad na nito at kasalukuyang nakabalumbon sa tabi nito. Kahit nakatalikod ito ay mahahalata ang frustration nito—pangatlong sigaw na iyon narinig niya muli dito. Ang big deal ba ng masukahan? 

Well—oo.

Gusto niya itong lapitan at awatin dahil pinagtitinginan na ito ng mga tao sa ginagawa nitong pagsigaw pero baka mas lalo itong mainis. Pinulot nito ang coat nito at bumaling papunta sa kotse nito. Mabilis naman siyang tumalungko at nagkunwaring may tinitingnan sa ilalim ng kotse nito. Nasilip niya ang sapatos nito sa compartment ng kotse. Naglakad muli ito sa kanang bahagi—mukhang pupuntahan na siya nito. Patalungko siyang naglakad sa kaliwang panig—para siyang tanga, pero bahala na. Wala pa siyang mukhang ihaharap—sa dinadami-dami ba naman ng tao—sa napakaselan pa siyang tao inabutan.

Siguro naman hindi na nito gusto pa siyang ihatid sa bahay nila.

Malamang din na hindi na nito mapapansin ang pagkawala niya.

Madadala na siguro ito na isabay siya at magpangaral.

Kung aalis siya—malamang ay hahayaan na lamang siya nito.

Nakarating na siya sa gawi ng compartment at nangangawit na siya.

Asan na kaya ito? Hindi niya masilip ang sapatos nito sa bandang harapan ng sasakyan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kumapit siya sa gilid ng sasakyan upang kumuha ng lakas doon at bumaling sa likuran.

"Letse!"

Isang pares ng paa at binti ang agad na nakita niya. Napapalatak siya at tumingala dito. He was just standing, looking down at her—with an emotionless face. Isang malalim na paghinga ang ginawa nito bago hinila ang pantalon. He bends one knee on the ground and stared at her.

"Just let me leave.." she stated—avoiding his eyes. "Hindi na ako pupunta ulit sa bar mo—sorry sa pag—tangna!"

Masamang tingin ang pinukol niya sa lalaki habang sapo-sapo ang noo kung saan malakas na pitik ang tinanggap niya sa binata. Napasaldak siya sa semento dahil doon.

"Letse—ang hapdi!" He has big and strong hands, natural lamang na masakit itong pumitik. Mukhang hindi lang nito magawang saktan siya ng pisikal kaya namitik na lamang ito. 

The CEO's ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon