CHAPTER 15: Viral Picture

41 4 0
                                    

Hi po sa lahat ng aking mga readers, salamat po sa pagsuporta sa kwentong ito.

HAPPY 800 reads and still counting!

More thanks.

To God be the Glory.

-EkkosHeart

____________________________________________________________________________

Lalong mas gwumapo si Nikko sa paningin ko. Heto kami naglalakad na sa labasan kung saan naka-park ang kanyang kotse, pauwi na kasi ang mokong na ito tutal patapos naman na  ang celebration sa bahay.

Namumula na ang mukha niya dahil sa epekto ng pag-inom ng alak. Hindi naman siya sobrang lasing, tama lang kumbaga dahil alam kong magda-drive pa siya pauwi.

Ayoko naman siyang patulugin sa aming bahay kasi baka ma-rape ko lang siya.

hahaha.

Mabuti na lamang Sabado bukas at walang kaming pasok sa office.

Hanggang ngayon isa pa ring malaking palaisipan sa akin ang kanyang binulong sa akin.

After that kasi bigla na niya akong hinila pabalik sa salas. Ayoko magtanong na sa mokong na  ito sigurado kasi panay kantiyaw na naman ang aabutin ko sa kanya.

"Sana every birthday ko, ganito lagi kasaya," narinig kong sabi niya. Nag-enjoy siyang kabonding ang family and friends ko although naiilang si Andrea sa kanya.

One of the good thing about him is his humility.

Despite sa magandang estado niya sa buhay at nakakariwasang pamumuhay kahit kailsn hindi niya ipinagyabang iyon, isa ako sa buhay na saksi.

"Happiness is a choice Nikko, nasa iyo kung pipiliin mo maging masaya or malungkot," ayan na naman ako sa aking mga words of wisdom.

Nasa tapat na kami ng kanyang kotse nang muli siyang tumingin muli sa akin na namumugay pa ang mga mata. Again, nagtapat ang aming mukha.

Tumaas-baba ang kanyang adam's apple na sinabayan ng bahagyang pagkibot ng kanyang may kapulahang mga labi.

Napalunok ana naman ako sa partikular nabahagi na iyon ng ksnyang katawan.

Namalayan ko na lamang na dahan-dahang naglalapit ang aming mga mukha. Wala akong lakas para pigilan ang nakatakdang mangyari.

naramdaman ko ang pangangatog ng aking mgs tuhod.

Until our lips met again. yisang halik na naman ang hindi namin sinasadyang mangyari.

Waring napunan ang pagkabitin ko kanina na nasa terrace kami. Ito kasing mokong na ito akala ko hahalikan na ako kanina.

At least natuloy na di ba?

Maraming ng pagkakataon na nahalikan ko siya o mahalikan nia ako ng hindi sinasadya. Pero parang may kakaiba sa halik naming ito.

Iaangat ko na sana 'yung isa kong paa tulad ng napapanood ko na ginagawa ng bidang babae 'pag kahalikan ang leading msn niya sa isang romantic movie nsng may...

click ng camera.

At iyon ang nagpahiwalay sa aming magkasugpong na labi. Kumalas agad kami sa isa't isa.

"Got it!" narinig ko pang tinig ng taong nagkuha sa amin ng picture na anino na lamang nito ang aming nakita na mabilis na naglaho sa di kalayuan.

Akmang hahabulin sana iyon ni Nikko pero pinigilan ko siya dahil baka mapahamak lamang siya. Inignora ko na lamang ang kaba kong naramdaman kahit alam ko na kinukutuban ako ng di maganda.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon