CHAPTER 18: Shadow of Her Dream

28 5 3
                                    

Sorry po sa matagal na updates kasi nagkasakit ako last week, babawi na po ako :)

thanks po dahil 1000 plus reads na ang OLT, maraming salamat sa mga nagtityagang magbasa. Abangan n'yo din po ang second story ko dito sa wattpad. on process pa din.

Favor naman po, vote and comment please. ty.

God Bless.

_Ekkos Heart.

______________________________________________________________________________

KRIZIA’S POV

“Palagay mo, malapit na ako na maging ideal boyfriend and papasa ako kay Clarisse?”

Narinig kong tanong ni Nikko sa akin na katabi ko lamang na nakaupo sa isang steel-bench. Naroon kami sa isang park nang hapong iyon.

Nilingon ko siya. “Alam mo kasi Mr. Sandejas ‘wag kang mag-based sa nababasa o ginagawa mo, mas mahalaga pa rin ang laman n’yan,” itinuro ko pa ang tapat ng kanyang dibdib.

“Huh? Ito? Alam ko naman na maganda ang nilalaman nito,” hinawakan pa niya ang unang dalawang butones sa sout niyang polo na akala mo ay maghuhubad. “Ikaw huh, gusto mo na naman yatang Makita anng ka-machohan ko,”

He grinned kasabay ang nanunundyong mga tingin, binatukan ko s’ya ng may kahinaan sa kanyang ulo. “Hindi po iyon ang ibig kong sabihin, masyado kang pa-hot eh saka mahiya-hiya ka nga nasa pubic place ka po.”

Tumawa naman siya ng malakas sa aking sinabi. Umiiral naman talaga ang pagka-naughty ng mokong na ito. Nailing na inalis ko ang tingin ko sa kanya at pinanood na lamang ang mga taong namamasyal din sa park.

I love the way he laughed…. Bakit gano’n sa tawa pa lang niya parang sumasaya na ako and then….

Dug.

Dug.

Dug.

Pinilit kong payapain ang aking dibdib nang maalala ko ang ONE RULE na kanyang sinabi kamakailan lamang. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo.

Nagulat ako nang yumakap siya sa akin. Ramdam ko na naman ang matigas at matipuno niyang mga bisig na nakadantay sa aking katawan. Iyon pa ang nagpatindi ng nararamdaman kong rigodon sa aking dibdib.

“Wag kang mapipikon sa akin huh kung lagi kitang kinukulit at inaasar d’yan, ‘pag nakikita ko kasi na parang napipikon o naiinis ka na iyon ang nagpapa-kumpleto sa araw ko na kasama kita,” bulong niya sa akin.

Parang tumalon naman ang puso ko sa mga katagang iyon na binitiwan niya sa aking tainga. Naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya sa akin.

“Wait lang, may bibilhin lang ako,” paalam niya sa akin saka tumayo. Pinanood ko na lamang ang papalayong bulto niya, hindi ko alam kung saan siya papunta at kung ano ang balak niyang bilhin.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko malaman kung masasabi kong kabaliwan o kababawan ang sitwasyon naming dalawa ni Nikko ngayon. Talagang  pinanininidigan niya ang pag-akto bilang boyfriend at minsan nga naiilang na ako sa pagiging sweet niya.

Pinangarap ko tuloy n asana ang lahat ng ginagawa niya ay para sa akin at hindi para kanyang kababata. Ito ang mahirap minsan sa akin, ang mag-assume sa isang bagay na hindi naman talaga para sa akin.

Kung pagbabasehan ang kanyang performance, masasabing unti-unti na siyang pumapasa bilang ideal boyfriend kahit na marami pang kakulangan sa kanyang ginagawa.

“For you,” humiihingal na sabi niya, medyo pawisan ang mukha niya. Hindi ko namalayan ang muli niyang pagbalik sa aming pwesto.

Napatingin ako sa bagay na inaabot niya sa akin. Three red roses.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa naturang bulaklak at sa kanyang mukha bago koi yon tinanggap.

“Salamat, nag-effort ka pa talaga,” pero lihim naman akong kinikilig na sinamyo-samyo ng aking ilong ang halimuyak ng mga rose na aking hawak.

Muli siyang naupo sa dating pwesto niya kanina, sa aking tabi. “Alam mo, I have a weird dream last night. Napaginipan ko kasi si Grandma na binibigyan daw ako ang red roses at may sinabi pa siya sa akin na ibigay ko daw ang mga flower na iyon sa isang babae na malapit sa akin, naaalala ko bigla ang dream na ‘yan nang may nakita akong mama na nagtitinda ng roses kaya hinabol ko para makabili.”

Kaya naman pala humihingal siya at pawisan ang kanyang mukha. Ramdam ko naman ang matinding kabog ng puso ko.

Dug.

Dug.

Dug.

“P-pero bakit mo sa akin ibinigay itong mga rose?” tila nauutal kong tanong sa kanya.

“Eh ikaw lang naman ang malapit na babae sa life ko ngayon kaya sa’yo ko ibinigay, naging magkaibigan na tayo sa mga time na lagi kitang kasama and sa’yo ko lang naipapakita ang nararamdaman ko.”

Flattered naman ako sa kanyang sinabi.

May mga munting tinig na naglaro sa aking pandinig.

‘Magiging masaya ka na ulit, hindi man ako ang taong iyon, pero s’ya ang magpapatuloy ng pagmamahal ko sa’yo’

Si Enzo.

Naalala ko na binigyan niya rin ako ng red rose sa aking panaginip ng minsang makatulog ako sa shed ng cemetery at nang magising ako naroon din si Nikko.

Kinilabutan naman ako bigla sa isiping iyon. Hindi ko tuloy namalayan na may mga luhang nagsimulang bumalong sa aking mga mata.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon