PROLOGUE

429 14 4
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright 2014 by Ekkos Heart

All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions thereof in any form whatsoever.

Copyright © 2014 Ekkos Heart.

train·ing noun 1. the action of teaching a person or animal a particular skill or type of behavior.

Pero paano kung ikaw ang mag-undergo sa kakaibang training na sangkot ang damdamin natin. Kumbaga puso ang magiging taya na natin, tuturuan mo ang isang tao na magmahal daw ng tama para mahalin siya ng taong mahal niya pero paano kung pati ikaw mismo nahulog sa taong tinuturuan mo? Are you willing to take all the risk sa battle na ginawa ng love sa buhay mo?

Sa isang sikat na restaurant sa Eastwood may dalawang nilalang na maganang kumakain ng lunch. Isang lalaki at babae na hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Having a good company with each other at masasabing walang dull moment sa pagitan nilang dalawa.

"Ilang weeks na pala tayong nag-oojt noh, for sure ang dami mo na sigurong natutunang trabaho dito."

Napatingin ako sa may-ari ng tinig na iyon. the one and only Nikko Sandejas, isang gwapong nilalang nasa unang tingin ay aakalain mong suplado at may taglay na kayabangan. Ngunit 'pag nakagaanan mo ng loob ay lumalabas ang kakulitan nito sa katawan.

"Asus, talagang ako lang huh? F.Y.I po Mr. Sandejas, trainee ka din po dito kung kaya hindi lang ako ang dapat mong tanungin ng ganyan kung may natutunan ba ako o wala," kunwa'y hinaluan ko ng sarkasmo ang sarili kong tinig.

Yeah, trainee din siya tulad ko sa isang malaking kompanya dito sa Eastwood. Kapwa kami nag-a-undergo sa on-the-job-training sa Infinity Investment Corporation for two hundred fifty hours as required on our subject na Marketing Practicum. Masasabing naging close kami ni Nikko in just few days, although pa-mysterious effect pa ang mokong na ito.

Ang malaking difference naming dalawa, sa isang sikat na catholic university siya nag-aaral basta kulay asul ata ang official color nila at ako naman sa isang state university nag-aaral, in short isa po akong Iskolar ng Bayan.

"Hay, life talaga oh," napabuntong hininga siya at tila napunta sa malalim na pag-iisip. "Sana pati ang puso nati-train muna bago magmahal para hindi masaktan sa bandang huli."

Bigla ko siyang pinalo ng marahan sa balikat dahil waring natulala ito at nagsasalita pa sa hangin. Amused naman ako sa narinig kong sinabi niya. "Wow, tsong! laki ng ipinaglalaban mo ah, kailangan na ba nating tumawag kay Papa Jack?"

Mataman kong pinagmasdan si Nikko. He's got all the look. Gwapo saka masasabing may sinabi ito sa buhay base sa itsura nito and the way he act mari-reflect ang uri ng pamilyang kinalakihan nito. And this adorable creature in my front, hindi ko akalain na may problemang puso din pala. Akalain mo'yun.

"Krizia, pwede bang i-train mo ang puso ko. I want my dream girl to fall in-love with me pagdating niya dito sa Pilipinas. She's my childhood sweetheart and I love her eversince elementary at kailangan alam ko na ang lahat ng gagawin ko para mahalin din niya ako and I badly need your help."

"Are you kidding? Saka bakit ako pa?" nanlalaki ang mata ko na tanong ko sa kanya.

He gave me a serious look at wala akong mabanaag na kakulitan sa kanyang mukha. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "I'm serious, I need your help talaga. You're my friend at saka babae ka at alam mo kung ano gusto n'yong gawin naming lalaki para ma-fall kayo sa amin. Saka isipin mo 'yung sinabi mo dati na darating ang time ikaw naman ang tutulong sa akin."

Bagsak ang panga ko sa kanyang sinabi. How come na ang isang gwapong lalaki na kasama ko ngayon ay nagpapaturo magmahal sa isang tipikal girl na tulad ko. Ironic.

"Remember, I've save your life before, so this time save my heart..." sabi pa ni Nikko.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon