CHAPTER 5: The Sentiment (part 1)

72 6 0
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatingin ng diretso kay Nikko. Oo, si Nikko Sandejas nga ang guy bestfriend ni Luigi at hindi ko malaman kung nanadya ba ang pagkakataon sa aming dalawa.

O kay liit ng mundo… bigla ko na lang nakanta sa isip ko ang naturang nursery  song na iyon.

Masyado kang ipokrita, for sure tuwang tuwa ka ka na muling nagtagpo ang landas ninyo ni Nikko, giit ng isang bahagi ng puso ko.

Matapos kasi namin manggaling sa office ng Infinity Corporation ay biglang nag-aya si Luigi sa isang bar dito sa Libis. Bonding daw muna kaming tatlo total weekend naman kinabukasan at walang pasok, syempre sa Lunes pa start ng ojt ko.

Of course kasama  ko ang dalawang gwapong nilalang na tila mga Diyos na bumaba sa bundok ng Olympus. Maraming napapatinging kababaihan kina Luigi at Nikko pero deadma lamang iyon sa dalawa  dahil waring sanay na ang mga ito sa ganoong atensyon na ibinibigay sa kanila. Pero ‘pag sa akin naman tumitingin ang mga babaeng ‘yon ay tinataasan ako ng kilay.

Well, inggit lang sila. Haba kasi hair ko eh. Hehe

Um-order muna si Luigi pagkain naming para sa dinner. Sizzling sisig with rice saka marami pang iba na di ko na kilala ang tawag basta ang mahalaga’y masarap sila sa paningin ko hindi ‘yung dalawang papable na kasama ko ah, I mean ‘yung food.

“Hey Krizia ‘wag kang mahihiya ah, kain ka lang ng kain d’yan,” paaalala sa akin ni Luigi.

Tumango lamang ako. Kanina pa kasi ako alumpihit sa aking kinauupuan dahil sa presence ni Nikko. Tatahi tahimik lamang ito sa pagkain pero ramdam ko ang mga simpleng sulyap niya sa akin.

Hay buhay parang life talaga.

sa opisina, mabuti na lamang napa-pormal lamang nitong umakto pero ngayon parang nagbabadya ang paglabas ng totoong Nikko. Sana naman ‘wag na ito magkwento pa kay Luigi tungkol sa “nangyari” sa amin noong birthday ni Patricia. Ano na lang ang iisipin ni Luigi sa akin ‘pag nalaman niya na ako ang dahilan ng break-up nina Nikko at Patricia.

Kaya nga iyon pa ang isang malaking dahilan kaya doble ang hiyang nararamdaman ko this time.

Nang minsang magtama ang paningin naming bigla na naman siyang nag-smirked sa akin. Naiilang na ibinaba ko na lang ang tingin ko sa aking plato at muling kumutsara ng pagkain. Parang mapapaso ako sa mga mata ni Nikko.

After dinner, nag-order naman si Luigi ng isang bucket ng San Mig. Shit, alak na  naman oh! Baka magtransform na naman ako nito.

“Dahil kasama ko ang dalawang bestfriend ko ngayon,” si Luigi na nagbukas ng tatlong bote ng San Mig at yong dalawa ay ibinigay sa amin ni Nikko. “I have a reason to celebrate tonight.”

Ayun, nagbungguan ng marahan sa ere ang mga bote na aming hawak at sabay sabay kaming lumagok ng lamang likido ng San mig.

“Kaw talaga budz, noong sabihin mo sa akin na may isa ka pang bestfriend bukod sa akin, muntikan akong magselos, akala ko kasi lalaki din at mas gwapo pa sa akin,” pabirong sabi ni Nikko matapos lumagok ng alak. “Pero pasalamat ka at babae pala, right Krizia?”

Napaigtad ako ng balingan ako ni Nikko. Nanunudyo pa ang mga tingin na ipinukol niya sa akin despite nan aka-poker face pa ang mokong.

Narinig ko ang malakas na pagtawa niya bgo pa ako nakapagsalita.

“Naku, ikaw talaga budz, umaandar na naman ang pagiging siraulo mo,” react ni Luigi sa sinabi ng kaibigan.

“Sa’yo lang naman ako nagmana ng pagiging siraulo budz, hinawahan mo lang ako,” natatawang sabi naman ni Nikko.

Nailing na natatawa na lang si Luigi. “Talagang ako pa ang idinamay mo Mr. Sandejas.”

Natatawa  at naaliw ako habang pinagmamasadan ang dalawang lalaki na kasama ko. Kung pagbabasehan mo kasi ang mga itsura nina Luigi at Nikko, hindi mo aakalaing may taglay ang mga ito na kakulitan, kapraningan at kapilyuhan. Masyado silang pormal kumilos lalo na si Nikko na may pagka-suplado pa ang dating.

Siguro, maswerte nang maituturing na nakita ko ang other side nila. Parang ako na akala mo may dual personality.

Nagpatuloy ang inuman namin. Muling um-order si Luigi ng another bucket at nagsimula na akong tamaan ng alak.

“I don’t know what may life is, kung hindi ko kayo nakilala,” maya maya’y pagsenti ni Luigi. Namumula na ang mukha nito dahil tinatamaan na rin ng alcohol. “Thankful ako dahil nagkaroon ako ng dalawang bestfriend sa katauhan ninyo.”

“Bakit, wala ka bang kapatid?” singit na tanong ko.

Nikko looked at me na ikinaigtad ko na naman ng aking katawan. “Accidentally ang pagiging unico hijo ng bestfriend natin Krizia, supposedly may kapatid sana siya na hindi nalalayo ang edad sa ating tatlo.”

Nineteen year old ako while Luigi and Nikko both twenty. Masasabing ako ang pinakabunso sa aming tatlo.

Iniwas ko ang tingin ko kay Nikko at binalingan ko si Luigi. He smiled bitterly. “Tama si Budz, dapat talaga may kapatid ako and I’m not the only one.”

Another page of Luigi’s life revealed.

“Pure chinese kasi ang Dad ko while my Mom is half chinese, they love each other so much, kaya ayun wala pa akong isang taon nasundan agad ako and that was a baby girl. After a year kinailangan ng bumalik ni Dad ng China para pamahalaan ang family business doon, so kailangan na doon na kami titira but they have the law na One Child Policy, walang choice ang parent ko kundi iwan sa Pilipinas ang kapatid ko kasi magbabayad ng malaking fine sila Dad ‘pag isinama din naming siya san China.”

“So anong nangyari?” tanong ko ulit. Mataman kaming nakikinig lang ni Nikko.

“Iniwan muna ni Mom ‘yung kapatid ko sa bestfriend niya, dalawang taon pa lang ang sister ko noon, nagkasundo sila ni Dad on that decision at susuportahan habang nasa Pilipinas at dadalawin lang naming every two month but,” saglit na natigilan si Luigi at waring may naaalala. After a while may lungkot na bumalot sa mukha nito kasabay ang pagbuntong hininga. “Nasunog ‘yung bahay ng bestfriend ni Mom at kasamang nasunog doon ‘yung kaibigan niya at also my little sister.”

Katahimikan. Nakadama ako ng  awa at simpatya para kay Luigi.

“Alam mo budz, parang may nakakamukha si Krizia,” basag ni Nikko sa katahimikan na kanina pa pala ako pinagmamasdan na ikinailang ko naman.

“Sino naman ‘yan?” clueless na ganting tanong ni Luigi.

Nagulat ako sa kanyang sagot. Pangalawang beses ko ng narinig iyon.

####

Did you enjoy this chapter? I hope you did.

Support the author by clicking the "star" sign above on the right side.

thanks and God Bless.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon