CHAPTER 19: The Lichangcos

51 5 1
                                    

Isang paumanhin ang aking pinapaabot kung bakit natatagalan po akong mag-update. Busy din po ako sa iba kong kwento at raket lalo sa aking mga manuscript plus the fact na wala akong sariling laptop o computer kaya every ud ko need ko magrent sa shop.

Kaya nga po sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga comment and vote dahil kait paano may nakaka-appreciate sa online novel kong ito. Sana patuloy pa in kayo sa pag-vote at sana post din kayo ng comment. Pwede n'yo din po akong i-follow.

Thanks and God bless.

_Ekkos Heart

KRIZIA's POV

"Ayan, sabi sa'yo Sis eh bagay sa'yo ang pa-rosy cheek eh di mukha ka ng sosyalera," puri ni Leslie sa akin matapos niya akong applyan ng blush-on sa magkabila kong pisngi.

"Wala na talaga akong masabi sa'yo sisterette, ikaw na talaga," sabi naman ni Andrea na tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama. Lumapit ito kay Leslie at nakisipat din sa aking mukha.

"Ang mabuti pa, isuot mo na ang gown mo Krizia," si Leslie na kinuha ang may kalakihang kahong puti na nakapatong sa ibabaw ng kama kung saan nakalagay ang damit na aking isusuot.

Pinadala iyon ni Nikko sa isa mga tauhan niya kaninang after lunch at hindi ko pa nga nakikita ang itsura ng gownj na iyon. Isa sa mga ugali minsan ni Nikko ang pagiging impulsive.

Akalain mo ba naman na naghihilik pa ako kaninang umaga nang bigla siyang tumawag sa akin. Weekend kasi ngayon at dahil wala namang pasok kaya okay lang na matulog ng wagas hanggang tanghali.

He called me para sabihing may dadaluhan kaming party mamayang gabi sa isang sikat na hotel sa Maynila. Nabanggit din niya na may ipapadala siyang gown sa akin na iyon ang aking isusuot para sa event na aming dadaluhan. May importante daw siyang inaasikaso kaya ipinadala na lamang niya.

Worried din ako ng ilang oras dahil wala naman akongv hawak na pera para magpaayos sa parlor. Kaya ang nangyari sina Leslie at Andrea ang aking tinawagan pero alas singko na ng hapon nang dumating sila dito sa bahay, heto nagmamadali kami sa pag-aayos. Susunduin kasi ako ni Nikko ng ala siete ng gabi.

Walang idea ang dalawa kong kaibigan sa status naming dalawa ni Nikko. Basta ang alam lang nila na super close lang kami ng binatang Sandejas.

"Is'nt amazing?" panggagaya ni Andrea sa tono ng pananalita ni Kim Chiu sa isa nitong pelikula matapos nila akong tulungang isuot ang gown.

"Amazing!" palatak ni Leslie na ala Pilita Corales naman ang dating ng pananalita.

Tiningnan ko ang sarili kong reflection sa salamin, maging ako'y hindi makapaniwala sa aking itsura ng mga sandaling iyon. I'm wearing a haltered-blue gown na tamang tama lamang ang lapat sa aking katawan.

"Look to the left, look to the right," utos ni Leslie sa akin na akala mo ay isang modelo ako na pinaikot-ikot.

"You're perfect to be Nikko's girl tonight sis," humahangang sabi ni Andrea sa akin na umapir pa kay Leslie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon