CHAPTER 4: His Bestfriend

85 6 0
                                    

AUTHOR’S NOTE: This chapter dedicated to Ivanne Rodriguez, thank you for making the new book cover of my story here in wattpad J

Greeting Corner: Hi to Emberly Sane Rivas, Marikyutie of Malaybalay Bukidnon and Japoy Perez of Davao City; Jeshni Ann Lleno Cunado of University of Cebu, Em Em Wattpad of Cauayan Isabela, Fanilyn Balsabas of Pasig City, Maria Flordeluna Custudio Dosdos of Cebu Roosevelt Memorial Colleges.

Also to Jianne Camille of Camille of Cagayan de Oro City, Norkisa Macod and Alexa Zeyl Abrea; Angelica Valenzuela, Khuletz Jenny, Maria Fernanda Espenilla and Moireen Grace Enriquez of La Consolacion School of Balagtas Bulacan.

Thank you for supporting OLT.

‘yung mga other friend ko sa next chapter ko na kayo batiin. Hehe. J

_EkkosHeart

#####################################################################################

Hingal kabayo na ako nang makarating sa MRT North Ave. Station. Nagmamadali na kasi akong makaakyat sa mataas na hagdan dahil sa paghahabol ko sa oras, namawis ang aking mukha na agad kong pinunasan ng panyo habang nakapila ako sa bilihan ng tiket. Buti na lang hindi ako masyadong naglagay ng make-up sa aking mukha kaya konting retouch na lang ang gagawin ko mamaya.

Luigis’s called me on my phone kanina lang. pinapapunta niya ako ngayon sa office ng kaibigan nitong HR Manager sa isang Kompanya sa Eastwood para maka-exam at ma-interview na ko for ojt program. He’s also waiting for me there, kailangan na ngayon na ako makapunta dahil magli-leave ang friend niya on the following day.

Kaya heto ako ngayon, super suot ang aking business attire. I’m wearing a white top na pinatungan ko ng black blaxer paired with a corporate cut skirt na hanggang tuhod ang haba. Kipkip ng kamay ko ang isang plastic envelope kung saan nakalagay ang mga requirement ko.

Halos ma-suffocate ako sa dami ng tao na kasabayan kong nag-aabang ng train sa platform. Kahit ganitong katanghalian ang daming pasahero at sana hindi ako mangarag nito.

Grabe naman kasi si Luigi, minadali ako.

Yeah, naging close friend kami ni Luigi simula ng pormal kaming magkakilala sa hospital. Lagi niya akong tinitext at tinatawagan at minsan pumupunta pa siya sa bahay at naging crush pa ito ni Leslie. Marami kaming napag-uusapan lalo sa aming personal life.

He treated me his gal betfriend dahil mayroon na daw itong bestfriend na guy. Makulit na malambing itong kaibigan. Parehong magaan ang loob namin sa isa’t isa, minsan isinasama pa niya ko sa marangyang bahay nito sa White Plain.

Iyon siguro ang magandang kapalit sa ginawa kong pagtulong sa kapwa. Nagkaroon ako ng bago at dagdag na totoong kaibigan.

May pumarada ng train at sa pagbukas ng pinto’y nagmadali ang mga pasahero sa pagsakay. Isa ako sa nakipaggitgitan sa dami ng tao.

Pero parang may nakita akong pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki. Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata.

No, he can’t be.

Humawak na lamang ako sa handler nang umandar ng train dahil nakatayo lamang ako. Mabilis kasing na-okupa ang upuan sa train sa dami ng commuter. Okay lang dahil hanggang Cubao Station lang naman ako.

Nang may isang lalaking nagpumilit sumiksik sa karamihan ng mga taong malapit sa pinto ay bigla ding napaurong ang katawan ko at namalayan ko na lamang na napadikit ang likod ko sa isang matigas at malapad na katawan.

Bigla kong nalanghap ang isang pamilyar na amoy ng isang male perfume, which also remind me of him. Ipinilig ko ang ulo ko sa kung anu-anong pumapasok sa aking isip.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon