CHAPTER 12: New Trainee

42 4 0
                                    

Before and anything else, marami pong salamat sa pagbabasa ng OLT despite na sobrang busy ko sa trabaho.

Happy 600 reads po. Nakaka-flattered naman po. Ty.

To God be the Glory.

Lunes na naman as in Monday. Last weekend ang daming nangyari sa hiram kong buhay na ‘di ko inaasahan. I’m still in a good fate dahil hindi pa din ako  napahamak  kahit may mga kontrabidang pilit na umieksena sa buhay ko.

Ahm, speaking of the devils, ang tatlong kontrabidang bruha ay animo’y maaamonng mga tupa habang nakapwesto sa kanilang mga table. Ni hindi nga sila makatingin ng diretso sa akon.

Spell G-U-I-L-T-Y, sila na nga ‘yun wala ng iba pa.

And spell H-E-R-O

Si Nikko ‘yun s’yempre. Kahit parang praning at sira-ulo, I love the way he are.

Ano daw?

Hehe. Landi.

Gwapo naman talaga siya, siguro lahat kaming mga kalahi ni Eba at nakikilahi sa amin ay nagkakagusto sa kanya. Pero gusto ko siya inside and out.

Napaka-misteryoso nga lang ng mokong na iyon. Ugali na yata ang magpa-miss kasi para siyang kabute na biglang mawawala at lilitaw. Paano ba naman matapos niya akong ihatid sa bahay ayun bigla na lang umalis as in sabay sibad.

Hindi ko nga alam kung magkikita kaming muli, unless kung mapapahamak muli ako. Diyos ko ‘wag naman po sana mangyari pa iyon.

Biglang dumating si Ma’am Anna sa office namin at may kasama ito na kilalang kilala ko, ang taong laman ng aking malanding isip. Hehe. Kumindat pa siya sa akin.

“Girls, I have an announcement lang,” bungad ng maganda kahit may edad ng HRD Manager ng Infinity. “magkakaroon kayo ng bagong co-trainee dito sa Marketing Department, si Mr. Nikko Sandejas. Late lang siya ng one week sa inyo pero ngayon na ang official first day niya.”

Gwapo talaga niya habang nakapamulsa ang isang kamay sa suot na slack na pinaresan ng mint green na point panel long sleeved. Kinikilig na nahintakutan ang tatlong bruha nang makita si Nikko. Kitang kita ko pa nga si Verna na pinagpawisan ang mukha kahit malakas ang aircon sa office.

“Verna, Vivian  and Carol,” tawag ni Ma’am Anna sa tatlong bruha. “Temporarily, ililipat ko muna kayo sa sa Maintenance Department dahil masyado na kayong madami dito sa Marketing Department.”

“Pero ma’am bakit po? Dito naman po talaga kami naka-assign eh simula ng mag-apply kami for ojt,” angal na tanong Vivian samantalang ‘yung dalawa nakatingin lamang kay Ma’am. Wa masabi siguro pero shocked ang kanilang mga mukha.

Parang walang narinig si Ma’am Anna at bumaling kay Nikko. “Mr. Sandejas dito sa Marketing Department and you’ll be joining Miss Domingo here,” muli itong tumingin sa gawi nila Vivian. “At kayong tatlo sumunod kayo sa akin.”

Walang nagawa ang mga bruha kundi ang mapasunod na lamang sa HRD Manager pagkatalikod nito saka  umalis na ng office.

Kaming dalawa ni Nikko ang naiwan.

Ubod lakas na binuhat nito ang isang table at inipwesto iyon sa tabi ko. Kaagad na naupo din sa swivel chair na binuhat din nito.

“It’s nice to be with you again Miss Domingo.” He said na bahagya pang humihingal dahil sa pagod.

“Andito naman po ang pinaka-sira ulo kong hero,” ani ko na hindiko man lang siya tinatapunan ng tingin.

“Yung sira ulong gwapo na ilang beses mo ng pinagsamantalahan..”

Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa kanya. I saw him grinning at me.

“Anong sinabi mo?”

“Remember that night Miss Domingo na naging wild and naughty ka dahil sa gamot na ipinainom sa’yo at sa akin mo gusto mong iraos ang …”

Parang mapupugto ang aking hininga sa pambibitin pa niiya sa sasabihin niya. Grabeng verbal torture ang ginagwa niya sa akin.

Napapitlag ako ng maramdaman ko ang pagdikit ng kanyang labi sa aking pisngi.

“I love the way you blushed,” pinihit pa nito patalikod ang sariling upuan. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

All of the male  species, bakit ito pa ang lalaking sumasanga sa aking landas. Dami niyang alas laban sa akin.

The rich and handsome, Nikko Sandejas na ngayo’y unti-unti ko ng nakikilala ng wagas.

Lumapit sa amin ang isa sa Marketing staff at may dalai tong ilang bungkos ng mga papel. Maputi ito at sexy kahit naka-business attire na may pagka-daring ang style.

“Good morning Miss Domingo and Mr. Sandejas, paki-encode at paki-file ang mga record na ito,” sinadya pa nitong iimbay ang malaking balakang kay Nikko. Ni hindi man lang ako tiningnan ng babae.

“Okay copy miss-“ sabi pa ni Nikko na nagpa-cute pa talaga.

“You can call me Julia, Nikko,” kusang pakilala pa ng babae sa binata. Isa siyang malaking flirt.

Nagkamay pa ang dalawa na parang hindi ako nag-i-exist ng mga sandaling iyon. Sarap nilang batukan pareho. Hindi ko namamalayan ang pagtalim ng aking titig sa kanila.

“You’re jealous Kriz,” narinig kong sabi ni Nikko pagkaalis ni Julia. Agad ko naming hinamig ang aking sarili.

“Huh? Hindi ah, bakit naman ako magseselos,” nagkakandautal na tanggi ko.

“Your nose getting red,” inginuso pa nito ang aking ilong kasabay ang nanunudyong mga tingin.

Gano’n ba ‘yon? Por que namumula ang ilong nagseselos na agad. Ewan ba at parang ganoon nga ang nararamdaman ko kanina.

Iniisod pa niya ang upuan palapit sa akin.hindi na ako nakahuma ng bigla niyang ipinalibot ang kanyang mga braso payakap sa akin buhat sa aking likuran. Kaya napasandig naman ako sa katawan niya. “One of the quality , I am looking for, ang pagiging selosa, kaya you’re in.”

Puzzled na naman ako ako sa kanyang sinabi. Wala akong makitang hint through his words. Ginugulo talaga niya ang utak ko.

“Puro ka kalokohan Mr. Sandejas, magtrabaho na nga lang tayo,” nagpilit akong magpumiglas sa pagkakayakap niya sa akin.

Subalit sadyang malakas ang mokong na ito at ayaw akong pakawalan na nanadya na talaga.

“Ang ginaw kasi, so please pa-hug naman please,” aba nag-puppy eyes pa talaga siya sa akin.

Ayokong padala sa mga tingin niyang iyon dahil baka kung ano na naman ang tumakbo sa isip nito. Inipon ko ang buong lakas ko at buong pwersa na nagkumawala sa kanya.

Blag!

Bumagsak kami sa sahig at ang matindi pa nakapatong pa ako sa kanyang katawan. Ngingisi pa si Nikko sa pwesto naming iyon.

*hope you click the STAR button above. Ty.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon