CHAPTER 6: The Sentiment (part 2)

61 5 0
  • Dedicated kay Gemma Suguitan San Jose
                                    

“Ahm…err.. si Ma’am Sylvia Lichangco, para kasing may resemblance kayo,” nabubulunang sagot ni Nikko at sinuklay ng sariling mga kamay ang buhok.

Bukod kay Nona, si Nikko ang pangalawang beses na nagsabi na kamukha ko ang mayamang businesswoman na  iyon. Hindi ko malaman kung swerte ako dahil may akong kamukha rich.

“Hoy budz, ingat ka sa sinasabi mo baka mamaya may makarinig d’yan sa tabi tabi at makidnap itong si Krizia, baka isipin nila heredera siya ng mga Lichango,” kunwa’y saway si Luigi sa kaibigan saka tumawa. “Ayaw ko mabawasan ang bestfriend ko.”

Hala takot naman ako, wala akong pantubos sa sarili ko,” pakikisakay ko sa birong iyon and we laughed together na parang walang bukas.

Masasabing masayang kasama ang dalawang mokong na ito, no dull moment ika nga. Makukutusan ako nito nina Andrea at lalo na si Leslie ‘pag nalaman na dalawang gwapo ang kasama ko ngayong gabi.

Ilang minuto pa ang lumipas ay saglit kaming iniwan ni Luigi para sagutin ang Mommy nito na tumatawag sa cellphone.

Dahil siguro sa epekto ng alak, nagagawa ko na ang tumingin ng diretso kay Nikko nang hindi naiilang sa kanya. Muli nitongf dinamapot ang bote ng San Mig at marahang nilagok ang lamang likidp n’on.

“Ahm, Krizia,” banggit ni Nikko sa pangalan ko matapos ilapag sa table ang ininumang bote. Nakatingin siya sa akin na parang may gustong sabihin.

“B-bakit?” nanginginig na tanong ko. Ganito ba talaga ang epekto niya sa akin?

“Maraming salamat huh?” at sinabayan niya iyon ng isang pamatay na ngiti na gustong ikalusaw ng puso ko.

Nangunot ang noo ko habang pinipilit kong labanan ang nagririgodon kong puso. “Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Saka ‘di ba dapat nga ay humingi ako ng sorry sa’yo dahil sa ginawa ko noong—“

“Basta maraming salamat, ‘wag ka masyadong madaldal d’yan,” saka ko namalayan na nakaharang sa aking labi ang kanyang forefinger at nakatingkayad pa ang katawan niya sa gawi ko.

“O-Okay,” tanging nasabi ko na lamang, maski ako tila nahiya na din sa kaalamang iisa lang ang iniisip namin ni Nikko.

He smiled again. “Good girl.”

Muli itong bumalik sa dating ayos ng pagkakaupo. I saw his long arm nang mag-inat ito. Siya na ba talaga ang man of perfection.

Narinig ko pagtunog ng kanyang cellphone at may binasang text message doon. Ngayon pa lang parang nag-ienjoy akong panoorin ang bawat kilos ng kanyang katawan.

“One of my friend Rei, texted me dahil naka-confine siya ngayon sa hospital because of sudden fever. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanya dahil his girlfriend ang nag-aalaga sa kanya,” sabi ni Nikko at umiling-iling ang ulo n’ya. “Naalala ko tuloy ang ang kababata kong si Clarisse, siya ang madalas kong kasama at kalaro ko noon dahil laging busy ang parent ko sa business nila, ‘pag may sakit ako noon siya ang nag-aalaga sa akin at ayaw ko na ang gagawa n’on ay aking yaya.”

Sadness filled on his handsome face kasabay ang paglamlam ng mga mata niya. Speechless naman ako.

He continues…

“Then nangako ako sa sarili ko na ‘pag binata na ako, I will court her and kailangan maging girlfriend ko siya pero grade four pa lang kami when they left the country at sa Canada na nanirahan. Lumaki ako ng hindi ko madalas nakakasama ang parents ko at dahil hinanap ko mga katangian ni Clarisse sa ibang babae ay marami ako naging girlfriend hanggang sa mabansangang playboy.”

Ito ba talaga ang role ko ngayong gabi ang makinig ng sentiyemto ng dalawang gwapong lalaki na kasama ko ngayon. Kanina sim Luigi ngayon naman si Nikko.

Ano ba ‘yan?

“Yung mga taong umaalis sa buhay natin ay nagbibigay daan para sa pagdating ng taong tunay na magpapasaya at magmamahal sa atin,” kusa iyon lumabas sa aking bibig ang nasabing mga kataga.

Sa wakas nagagamit ko din ang mga napupulot kong aral sa kapapakinig sa mga broken hearted sa radio tuwing gabi,

“Nice one Krizia, cheer!” sabi ni Nikko na hawak muli ang bote ng San Mig at itinaas iyon sa ere.

Kinuha ko din ang aking bote at ibinuggo iyon sa bote ni Nikko. “Cheers!”

Sabay kaming uminom muli ni Nikko.

“Pareng Nikko, is that you?” may biglang tumapik sa balikat niya na isang lalaking may kahabaan ang buhok at may nakasakbit pang gitara sa likod nito. Halatang kadarating lang ng mga ito sa bar at may tatlong  ding lalaki na kasama.

Nilingon ito ni Nikko at napatayo na lamang nang makilala ang lalaki. “Edward pare, ikaw pala ‘yan, akala ko kung sino eh.”

“Ui Nikk, long time no see ah,” sabay sabay na niyakap pa ng apat ang binata. Halatang na-miss ang isa’t isa.

“Krizia, ipakilala ko sa’yo sina Edward, Rio, Lance at Zian, mga dating ka-bandmate ko sila at mga pare siya naman ang new friend ko,” pagpapakilala ni Nikko after ng yakapan moment nila.

New friend… wow na-touched naman ako do’n.

The four guys waved at me. Mukhang mga rakista ang dating nila. Natural, mga banda eh.

“Krizia hiramin lang muna namin ang friend mo ah, na-miss lang namin ang aming dating vocalist tutal may gig kami ngayon dito sa bar, muli namin siyang pakakantahin,” sabi ni Edward.

“Okay, go ahead,” pag-sang ayon ko. Dati palang vocalist si Nikko at excited akong makita siyang kumanta.

“Akala ko manonood lang ako sa inyong mag-performed eh, ‘yun pala mapapakanta na naman ako,” napapakamot sa ulong sabi ni Nikko.

“Minsan lang ‘to pare,” singit ni Rio.

Wala nang nagawa si Nikko nang hilahin na siya ng grupo ni Edward patungo sa stage sa bar na iyon. Mga ilang minutong nag-set ng gamit ang banda while Nikko selecting the sing from the song list na kakantahin niya.

Ilang sandali pa ready na ang lima. Si Rio ang pianist, si Lance ang drummer, si Edward ang guitarist at si Zian ang vocalist habang si Nikko ang guest vocalist ng banda.

Tumikhim muna si Nikko bago nagsalita habang hawak ang wireless microphone. “Good evening po sa inyong lahat, hayaan n’yo po akong kumanta ngayon gabi as requested by my former band na The Cramming, para po sa inyo ito.”

Nakisabay ako sa pagpalakpak ng mga taong naroon din sa bar samantalang ang lakas ng tilian ng mag babae  na marahil nagwapuhan kay Nikko. Nagsimula siyang kumanta.

DITO KA LANG SA PUSO KO By Wynn Andrada

(please click the link on the right side, para marinig n’yo yung kanta)

Naaliw ako sa panonood kay Nikko habang kumakanta ito. May talent nga ito sa pagkanta at maganda pa ang boses na dagdag factor pa. I saw the happiness on his face.

“Napilitang iwanan ni budz ang kanyang banda nang atakehin sa puso ang Mama niya dahil nagtalo sila tungkol sa pagsali niya sa banda. Tutol ang mga magulang niya sa pagsali sa banda  at ang gusto ng mga ito para sa anak ay pag-aralang patakbuhin ang negosyo ng pamilya nila,” sabi ni Luigi na bumalik na pala sa table namin.

Nikko winked at me at nagsimula itong bumaba ng stage at lumapit sa kinaroroonan ko. He’s serenading me habang nangi-ngiti lamang si Luigi sa aming dalawa. Naghalo ang pamumula ng mukha ko ngunit bago pa tuluyang tuamalon sa kilig ang puso ko ay may tila eksenang nag-flash sa utak ko…

Hanggang sa may luhang dumaloy sa aking mukha.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon