CHAPTER 14: His Wish

28 4 0
                                    

Kahit alam kong one hundred pesos na lang ang nalalabing laman ng aking wallet ay lakas loob pa rin akong namara ng taxi para lamang makauwi ng mabilis. May nangyari dawn a hindi maganda sa aking inay at kailangang makarating agad ako ng bahay. Alam mo ‘yung feeling na natataranta ka na sinasabayan pa ng matinding pag-aalala.

Naiwan pa si Nikko sa office dahil bigla ko na lamang siyang iniwan sa aking pagmamadaling makauwi. Kung kalian naman birthday ko saka pa yata ako aabutin ng kamalasan.

Rush hour kasi kung kaya nahihirapan akong makahanap ng aking masasakyang taxi. Kinagat ko ang gilid ng forefinger ko para kahit papaano maibsan ang nagpa-panic kong pakiramdam.

Isang red Nissan versa note na kotse ang tumigil sa tapat ko. Bumukas ang bintana n’on at sumungaw ang gwapong mukha ni Nikko.

“Sumabay ka na sa akin Miss Domingo, ihahatid na kita sa inyo. You look worried eh para kang hindi mapaanak  na pusa n’yan eh, hop in,” pabirong utos nito.

Walang pagdadalawang isip na sumakay na nga ako sa mamahaling niyang kotse, desperada na kasi akong makauwi. Sa front seat ako pinapwesto ni Nikko at nalanghap ko na naman ang mabangong car scent na ginamit niya maging ang kanyang katawan.

Amoy pa lang ng mokong na ito, ulam na. pilyang sabi pa ng isip ko.

“Calm down okay?” sabi niya sa akin habang pinaandar na ang sariling sasakyan. “Inhale and exhale.”

Ano kayang meron dito at nababasa niya ang aking nararamdaman. May lahi yatang fortune teller ang mokong na ito.

“Kung iniisip mong kalahi ako ni Madam Auring, it’s a big NO. sadyang matalas lng talaga ang pakiramdam ko,” at ayun sapol na naman ako sa kanyang sinabi. Nasukol niya ako kaya mahina pa itong napatawa.

Inhale and exhale iyon nga aking ginawa. Napahilig pa ang likod ko sa backrest ng upuan. “Sana walang masamang nangyari kay Inay, ayokong maging malungkot ang birthday ko ngayon.”

Walang komento si Nikko sa aking sinabi dahil naka-pokus ang atensyon nito sa pagmamaneho.

Namalayan ko na lamang na nasa bahay na kami pagkahinto ng sasakyan. Naunang bumaba si Nikko ng kotse. Parang prinsesa na ipinagbukas pa niya ako ng pinto at inalalayan pang makababa sa kanyang kotse. Mahigpit pero may pagsuyo na hawak niya ang isa kong kamay.

He whispered “Stop worrying so much. Everything will be alright. Okay?” at inakay na niya ako papasok sa aming bahay.

Parang magjowa lang ang peg namin ah.

Isang two storey  house an gaming tinitirhan na yari sa semento at table. Very common lamang ang itsura nito pero sa amin na talaga at hindi namin inuupahan.

Patuloy ang pagbundol ng kaba sa aking dibdib hanggang sa makapasok na kami sa loob bg bahay.

Madilim.

“Nasaan kaya sila?” nagtatakang tanoong ko. Kaagad akong humiwalay kay Nikko para puntahan ang switch ng ilaw. Nakapa ko naman agad iyon at nagliwanag ang kabahayan.

“Happy Birthhday  Krizia!!!!!!!!!!!!!!”

Kitang kita ko ang aking mahal na inang si Fina na may hawak na cake na napapagitnaan ng dalawa kong kaibigan na sina Leslie at Andrea kasama ang kapatid kong si Ian, syempre andun din ang aking tatay na si Mang Martin at ilan pa naming kapitbahay.

Linsyak… na-set up na naman ako. Nangingiti na napapailiing ang aking ulo na lumapit ako sa kanila.

“Sisterette, nagustuhan mo ba ang surprise naming sa’yo?” kaagad na tanong ni Leslie sa akin na tila aliw na aliw pa sa reaksyon ng aking mukha.

ON-THE-LOVE-TRAININGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon