YMBIY 19: Date

16 3 1
                                    

Airyne POV

Isang linggo nakalipas pagkatapos ng aminan namin ni Abril. Well ganun kabilis hanggang ngayon hindi parin nagbabago 'yung ka sweet-an niya at ka kornihan. Pero kahit ganon mahal na mahal ko 'yon.

"Bess! Sagutin mo na kasi! Sabi nga nila! Ang ligaw hindi pinapatagal dapat 'yung relasyon!" Parang? Baliktad bahala na 'yun na 'yon! Pero ano daw? Sagutin ko na agad wala pang perfect time or magandang chance na sagutin siya.

"Yah... I know..." Kasi napansin ni Syen na lalong nalulunod si Abril sa pagmamahal na bibibigay niya ganun din naman ako.

"So? Ano teh? Balak?" Nagkibit balikat naman ako. Kaya napakunot ang noo niya

"Basta" ngumiti nalang ako at ako nalang bahala dun.

Nandito kami sa park ng school kasalukuyan sinamahan ko lang 'to si Bess dahil kanina pa nangungulit na pag usapan namin ang tungkol sa issues nina Xyryl between Khi and Ivy.

"Hindi saamin ang pinag uusapan diba? Kina Khi at Ivy pati si Xyryl? Bakit mo nilipat samin?" Pang prangka lang totoo naman kasi eh! Ang bilis mang iba ng usapan itong si Syen.

"Hehe? Sensya na! Tao lang ako! May ibat ibang tanong sa utak ko at kailangan ng sagot!" Pang lalaban niya

"Hindi sa lahat ng tanong nasasagot, eh ako nga ang daming katanungan hindi masagot sagot! Sayo pa kaya?" Pang dadahilan ko naman sa kanya.

"Fine fine!" Suko niya nag vibrate naman ang phone ko kaya kinuha ko ito at napansin ko tumatawag si Abril. Kaya itong si Syen ang lawak ng ngiti napairap nalang ako at sinagot

"H-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng inunahan ako sa kabilang linya

"[Hello! My loves!]" W-what! My loves?!

"What the! Kuya! Bakit na sayo ang phone ni Abril!" Sita ko kaya naalarma naman itong si Syen at tutok na tutok sakin. At nakikirinig din

"[HAHAHAH! Akala ko tutugon ka sa My loves ko eh HAHAHA kadiri!]" Napasapo naman ako sa kalokohan nito mapangtrip argh!

"Hindi nakakatawa sagutin mo tanong ko" hindi niya parin matigilan ang tawa niya samantalang si Syen ayon nag se-selfie nalang wala ata siyang pake sa Boyprin niyang loko loko siguro nasawa narin.

"[Kasama ko siya pinakuha ko lang ng tubig dahil naglaro kami ng basket ball okay kana? Napansin ko kasi 'yung phone niya kaya di-nial kita]" lakas talaga ng trip neto!

You're mine because I'm yours! [COMPLETED]Where stories live. Discover now