하나: One
---
cali's point of view
the moment i open my eyes, i just sighed then frowned. "what the?" inis na sabi ko sa sarili ko. umagang-umaga pero naliligo na ako.
basang-basa yung damit ko dahil nahiga lang naman ako sa bathtub. yep, sa bathtub dito sa kwarto ng apartment naming magkakaibigan.
bumukas naman yung pinto ng CR namin. "what happened cali?" isha asked me. lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng towel na nakasabit sa balikat niya kanina. napailing na lang siya. "malala ka na." natatawang sabi niya.
i accepted the towel at nagpunas na ako. "mabuti nalang at hindi ako nalunod." yun na lamang ang sabi ko sa kanya. eh pano kung nalunod ako? edi deadsung agad ako? ang dami ko pang gustong gawin kaya di pa pwede!
si isha yung nakahanap sa akin. mabuti nalang at napansin ni steph na nawawala ako or else, i'm so deads na today.
pagkalabas ko ng banyo ay diresto ako sa kwarto ko. nagbihis lang ako saglit tapos bumaba na ako sa sala kung saan hindi natinag na naupo ng 'like a boss' si thalia kaya naman walang palag si steph na nakasimangot lang.
"taena, nandyan ka lang pala!" tsaka palang tumayo si thalia sa kinauupuan niya. inakbayan niya ako saglit pero mukhang nangawit siya kaya binitiwan niya ako.
hinimas ko naman yung bakat ng tali sa palapulsuhan ko. damn, ang lala na talaga nito.
kinuha naman ni steph yung towel at tinulungan akong magpatuyo ng buhok ko. mabuti nalang at hindi pa regular class dahil kung hindi ay absent or late na naman kami.
sa barkada naman ay ako lagi ang cause of delay, yung tipong okay na lahat tapos dahil sa akin ay nagkakaproblema. ewan ko ba at wala naman akong balat sa may puwet eh. kaya nga rin ayaw nila eomma (mom) na isama ako sa apartment ng mga kaibigan ko. perp sadyang makulit ang lahi ng mga kaibigan ko at hindi tinantanan sila eomma. kaya ang ending ay pumayag sila eomma.
"wala cali, akala ko nasa ref ka" sabi pa ni thalia. ganoon ba ako katakaw para doon sa ref matulog?
"eh kaya nga sumama ka nalang sa amin mamaya! night out natin. delikado kang iwanan cali." steph said with a grin.
umiling naman ako. "eh ayoko ng night out! magmomovie marathon nalang ako." mabilis kong sagot. nakakatamad kayang lumabas.
tumabi naman si isha sa akin. "ay nako kambs! wititit kang maiwan ditey!" sabi pa niya sa akin.
"aish. ilock niyo nalang mabuti ang pinto at itali ako ng maayos." i said. alam ko na nagtataka kayo at bakit may talian na nagaganap pero kapag hindi ginawa sa akin yun ay hindi maganda ang mangyayari.
napatsk nalang si sica. alam kasi nila na hindi nila ako masasama sa ganon. mas ayos talaga sa akin na mag-isa ako.
"sige na nga. maaga kayong magsigising bukas at may pasok na mga bes." paalala naman ni sica sa amin. we all agreed on what she said.
kinagabihan ay nagsigayak na yung mga kaibigan ko. bago umalis ay inayos na nila yung tali sa kamay. "sana naman ay hindi ka na makawala." isha said.
napatawa naman ako ng mahina. i tried kung makakawala ako pero mukhang hindi naman so rest assured sila isha na wala akong gagawin na kakaiba or else paktay na naman kami neto.
"bye cali!" sigaw naman nilang lahat. tumango lang ako sa sinabi nila. i'm still thankful to have friends slash sisters like them. hindi nila kasi ako pini peer pressure na maging extrovert. hindi naman sa super nahihiya ako pero mas gusto ko lang na nasa isang tabi para magbasa or manood ng movie.
nakakaasar at may pasok na bukas. i mean, kailangan na namang gumana ng utak ko. walking distance lang yung school namin dito kaya dito din kami nagdecide na kumuha ng apartment.
kinapa ko yung phone ko sa tabi ko. gamit ang right hand ko ay nag try akong manood nalang ng movie para malibang. sanay na naman na ako na gamitin ang isang kamay ko lang lang. sa tagal ba naman kasi na ginagawa sa akin ito ay hindi pa ako masasanay?
nasa kalagitnaan na ako ng movie ng maramdaman ko na yung antok. i turned off my phone at nilagay sa may side table na katabi lang ng kama ko. nag set na din ako ng alarm kung sakali na hindi sila magising ng maaga ay may back up kami na panggising.
i pray before i sleep. mas mahimbing taaga ang tulog ko kapag nakakausap ko si God. and i'm thankful na binabantayan niya ang family at mga kaibigan ko.
i smiled before going into deep slumber.
----
BINABASA MO ANG
Our Souls Intertwine | Byun Baekhyun
Krótkie Opowiadaniayoongindestructible series #1: completed yoona x baekhyun « in which an introvert girl gets to sleep with the wrong room. oh boy, that room is an all boys dormitory. » Language: Filipino and English ©2017