윤십셋:sixty three

239 17 0
                                    

윤십셋:sixty three

cali's point of view

this is not a good idea. bakit ba pinagtripan namin yung inumin ni steph? medyo hilo na ako dahil akala ko ay juice lang yun na kulay pink, malay ko ba na kapag ininom mo yun ay gagapang ka papunta sa kwarto?

tulad ngayon, wala akong kontrol sa ginagawa ko. nagtatalon kami ni isha. sinali namin yung dalawa na maliit at baka sakaling may himala na mangyari.

"higher!!" cheer ko kay sica. gusto ko maabot niya yung kisame ng dorm namin hehe. binato naman niya ako ng unan. "yah! para sa kinabukasan niyo to!" ang sweet ko diba?

pero yari ako kay civ. hindi naman kasi ako marunong mag pick up line kaya sablay ang pick-up lines ko. palibhasa puro may malisya yung pick up line niya sa akin. kaasar.

"stop what you're doing cali." kanina pa ako binabawal ni steph. alam kong asar na yan pero gaya ng sabi ko ang lakas ng tama ng inumin niya. "gosh! gusto kong itali kayo!" sigaw niya. 

dapat itinago na niya yung inumin niya. ayan tuloy, bangag kaming lahat.

"isha, sit!" utos ko kay isha. umupo naman siya. natuwa ako. "roll over!" sumunod siya sa sinabi ko. pwede na siyang maging aso.

"shit ba kamo? yung mukha niya yung shit!" bigla namang sumigaw si thalia. napako yung tingin ko sa mga lalaki na dumating.

"magnanakaw sila? wag tayong kumilos ng masama." sabi ni sica sa amin.

i yawned. "pano ba kumilos ng mabuti?" tanong ko sa kanya. lumapit ako sa kanila. "pamilyar ka." sabi ko sa isang lalaki.

"i'm your boyfriend." sabi niya sa akin. ha?

kaagad akong umiling. "oy, single ako no! tsaka may gusto akong iba." sagot ko sa lalaki.

"sino naman?" tanong nung isa sa kanila.

"myself." mabilis kong sagot. narinig ko na nagtawanang yung iba. tapos yung isa ay masama ang tingin sa akin. "may kamukha ka. kamukha mo yung lalaki na bato."

he frowned. kamukha niya talaga si civ. "i am civ." sabi naman niya sa akin.

"ha? kilala mo si civ? nasaan si civ? sabi niya ay pupuntahan niya ako! sabi niya ay miss na niya ako! sabi ko ay miss ko na siya, ay hindi ko pala sinabi kasi naheheye se eke."

wala na akong kinabukasan dahil sa kahihiyan na ginagawa ko. hindi ko mapigilan na hindi magsalita. mukha akong tanga, tanga talaga.

"you're drunk."

"i am calista." sagot ko sa kanya.

"let's go to your room." aya niya sa akin. hinawakan naman niya yung kamay ko.

"yah! hindi mo ako pwedeng dalhin sa kwarto ko! si civ lang pwede sa kwarto ko! kahit kamukha ka niya ay hindi pa din aki magpapa--ahhh! ibaba mo ako!" sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"tuloy na ba sa kasalan?" sabi nung isa habang naglalakad yung kamukha ni civ. binuhat niya ako na para lamang akong sako na walang kalaban-laban. "ninong kami!"

"shut up, chase!"

chase? pamilyar ang pangalan niya. parang kilala ko sila. "gwapo mo kuyang mukhang girl!" sigaw ko naman habang nagwawave ng kamay.

"nako hyung, magpalit ka na ng mukha. lagot ka kay civ hyung. hahabol ka pa yata sa halloween." sabi nung katabi ni isha. masama yung tingin ni isha doon sa katabi niya.

"isha! bite!" i said then pointed out the guy. gaya ng inaasahan ay kinagat ni isha yung lalaki.

"waah! ilayo niyo sa akin yung babaeng baliw na yan." rinig kong sigaw niya. hindi ko na napanood dahil lumiko na kami papunta sa kwarto ko.

"aray!" daing ko naman nang ibaba niya ako sa kama ko. he just looked at me. ginawa ko din ang ginawa niya. "asan si civ?"

he sighed. "i am civ." pakilala niya.

lumapit naman ako. "oh, paran--yah! bakit mo ako hinalikan?"

"calista, stop playing games. let's sleep." hinila naman niya ako sa kama. gago pala siya, magnanakaw ng halik. "naalala mo na ako?"

"tss. malinaw na malinaw." sabi ko sa kanya. ginulo naman niya ang buhok ko. i smiled. "dahil dyan, labas na." i pointed out the door.

"what?" he asked.

hindi uubra sa akin ang pacute. "uwi na at gabi na. night civ. miss na kita." i said then hugged him. yinakap naman niya ako. "sorry dahil makulit ako. hindi na ako iinom promise. hindi ko naman alam na hindi pala dapat inumin iyon."

he chuckled. "it's fine. just take a rest. i will see you tomorrow." sagot niya sa akin. he kissed my forehead. "you are really something else calista." natatawa niyang sabi.

"i know kaya mahal mo ako."

"yeah, kaya mahal kita."

---

a/n: so i'm back kaya nag update na ko para makabawi ako sa tagal ng hindi ko pag updates hahahaha.

laters XX

Our Souls Intertwine | Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon