스물:Twenty

323 28 10
                                    

스물:Twenty

cali im's point of view

"taena! ay sorry!" hinging paumanhin ni thalia sa amin. "nabobother ako sa kunot na kilay ni cali." she said.

i sighed. mas lalo lang kasing gugulo kung sasabihin ko sa kanila yung mga chat namin nung mokong na yun. "are you okay?" tanong pa ni sica.

kasalukuyan kaming nasa isang table at katatapos lang kumain. hinawakan ko naman ang tiyan ko na mukhang masaya. "cali, aminin mo na na buntis ka at ako ang ama." sinapak ko naman si isha sa braso.

hinawakan ko yung tummy ko at tumingin sa kanilang lahat. "oo, nagdadalang-kanin ako. happy?" sarcastic na sagot ko kay isha.

nagtawanan lamang silang lahat habang ako naman ay nilantakan yung cake na nasa harapan ko. "hindi ka lang nagdadalang-kanin, pati cake na din." iling na sabi ni steph sa akin.

"welcome! thank you for coming into this unforgettable party. tawagin na po natin ang newly wed couple!" nagpalakpakan naman kaming lahat.

we cheered then raise our glasses when they entered. pinaupo nung host si ate siri sa isang chair. "magiging tradisyonal po tayo, kailangan kunin ni groom ang garter sa hita ni bride."

naghiyawan naman ang halos lahat ng nasa venue. tumayo na din kami para manood sa mga ganap. "higher!" sigaw ni steph habang chinicheer yung groom ni ate siri.

nakigaya na din kami. "higher!" we shouted at the top of our lungs.

nagpalakpakan naman kami ng magawa ni kuya shion yung task niya habang si ate siri ay namumula na. we take pictures para may remembrance kami.

"all single ladies, step forward please." anunsyo nung host. halos wala namang tumayo kaya natawa yung host. lumapit si ate siri sa host at may binulong ito. "okay, calling the attention of those pretty ladies at table 7, please join us."

gusto ko mang itago yung table number namin ay huli na. nakatingin na sa amin yung mga tao. tumayo naman sila pero naiwan ako. "tatayo ka ba o tatayo?" tanong ni sica.

napaismid naman ako. "ikaw ba, nakatayo ka na niyan?" tanong ko. hinila naman niya ako patayo kaya nagpunta na kami kung nasaan sila isha.

ngumiti naman yung host sa amin. "simple lamang ang gagawin niyo. kung sino ang makakasalo ng bulaklak ay siya ng winner, okay?" nagsitanguan naman kaming lahat.

nagpunta ako sa may pinakadulo at sa may gilid. maliit lamang kasi ang chance na mapupunta sa akin ang bouquet dahil kalimitan n-- "fudge." i mumbled.

narinig ko ang palakpakan ng mga tao. hinila naman ako nila steph sa may gitna. wala sa sariling hinawakan ko yung bouquet.

pano napunta sa kamay ko ito? pati yata magnet ng kamalasan ay napunta sa akin.

"congrats." sigaw nila sa akin. isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. eh sino ba namang matutuwa sa natanggap ko? hindi naman ako mahilig sa ganito.

"wag mong ikunot ang noo mo." paalala ni sica sa akin. wow,dapat pala ay matuwa ako sa lagay ko na ito.

"tawagin naman natin ang mga single gentlemen." paanyaya nung host. tumayo naman sila sed kasama ang mga barkada niya. naiwan naman yung nuno na nakaupo sa table nila. tsk. bakit siya ay pwedeng hindi sumali?

"uy, gusto mo bang sumali si civ?" tanong ni thalia sa akin. pakunwaring kinikiliti pa niya ako kaya tinapik ko ang kamay niya. "sadista ka talaga." she mumbled.

"tsk. sayo nalang ito." binibigay ko naman sa kanya yung bulaklak. mas bagay kasi sa kanila ito.

"kung sino ang makakasalo ng ibabato ng groom ay siya ang nagwagi." yung ang instruction ng host. pumwesto naman sila sa may gitna para saluhin yung garter.

hinihiling ko na sana ay sumabit yung garter sa chandelier para wala akong makapartner sa kanila!!

hindi naman imposible na mangyari iyon diba? o kaya ay ako nalang yung magbabato ng garter at sisiguraduhin ko na sa mars na ang punta nila.

pumikit naman ako at hiniling na kahit isa sana sa sinabi ko ay mangyari. i heard people gasped. "anyare?" bulong ko kay isha.

narinig ko ang tawanan ng mga tao. mukhang sumabit nga yung garter sa may chandelier. ang lakas ng panalangin ko! i sighed. nang imulat ko ang mata ko ay agad ko ulit na isinara ito.

"buksan mo ang mata mo,cali." pang-aasar ni thalia sa akin.

nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko na hindi sa chandelier sumabit ang garter! "what the?" i mumbled.

"bakit nasa ulo ni civ yung garter?" pagtatanong ni sica. parang nabasa na niya yung gusto kong itanong. "because he's the one who's meant for you cali." asar niya sa akin.

i mentally groaned. pinaupo naman ako sa isang silya. tatakbo na sana ako pero nakita ko si ate siri na mukhang natutuwa pa. ayoko namang sirain yung wedding day niya dahil sa gagawin kong kagagahahan.

napasimangot ako ng makita ko yung nuno na papalapit sa akin. "wow, we have a beautiful pair. what's your name gorgeous?" tanong niya sa akin.

"i'm cali." pakilala ko. i gave a forced smile. deep inside ay pinapatay ko na yung nuno sa punso sa isip ko.

"ikaw naman kuyang gwapo?" i almost choke when he said that dwarfie is good-looking. mas gwapo pa ang pusa ko dyan. hmp.

"civ byun." pakilala niya. gusto ko sanang umirap pero pinigilan ko. kung alam lang ng tao kung gaano siya kasama!

"the task for the two of you is simple. ilalagay mo civ yung garter sa hita ni cali. after that, sasamahan niyo ang groom at bride sa pagcut ng cake at pag-inom ng wine." tsk. yun lang pala eh. libreng kain ulit ng cake!

lumuhod na nga siya sa harap ko. mukha siyang mabait kapag hindi nagsasalita. tsk. i suddenly felt goosebumps when he touched my foot.

"higher!!"

noooooooo

yan ang maririnig mong sigawan ng mga tao. halos hindi na ako humihinga sa mga nangyayari. nasa tuhod ko na yung garter pero yung mga kaibigan ko ay panay pa din ang sigaw.

"higher papi civ!"

noooo!!!!

"kasalan na yan!"

"wohooo! dalaga na si cali!"

huminto yung kamay niya sa mid thigh ko. kanina pa ako hindi mapakali! i sighed. napaka talaga ng mga kaibigan ko. "kiss!" i almost cursed when ate siri said that.

hindi ko magawang tumingala. nagulat ako ng may humawak sa baba ko. "w-what are you doing?" naguguluhan na tanong ko sa kanya.

"don't slap me." he said before kissing my lips.

taena, ano nang nangyayari?

Our Souls Intertwine | Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon