Charm's POV
Ganun na lang ang pagkadismaya ko pagkakita ko sa pagkaing nilagay nila sa Plato ko.
"Ano pang tinitingin-tingin mo?? Yung susunod""sabi ng nagseserve dito sa cafeteria. Umiling na lang ako at naupo sa isang table na bakante .
Tinitigan ko ang pagkain basang basa pa yung kanin o sadyang lugaw talaga to.Nagbigay pa sila ng hotdog kung Kalahati din naman pala. Napasandal na lang ako at isang buntong hininga ang pinakawalan. So San pala napupunta ang Pera ng mga parents namin? Duh!
Halos mapatalon ako sa gulat nabg biglang may umupo sa tabi ko at naglagay ng tray niya sa lamesa niya. Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay siya yung iyakin Kong karoommate .
"Hello! Ako si Loren !"masaya nitong pagpapakilala na di ko na lang pinansin.kagabi umiiyak ,ngayon masaya? PSH!
"Hindi ako interesado"sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. Kahit di ko siya tignan Alam Kong nakangiti siya.
Tinignan ko siya at sa pangalawang pagkakataon ay tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" Baling ko sakanya.
"Ikaw si charm diba?? Alam mo mukha kang mabait"sabi niya . pfft! Baliw ba siya??
Inirapan ko na lang siya. Biglang may naglagay sakin ng saging ."Binibigay nila yan sa mga bago..kahapon binigyan ako ngayon wala na..."sabi niya at sumubo ng kanin.
Nilagay ko sa Plato niya young saging.
"Sakin nalang?? Sabi ko na nga ba mabait ka eh!! Thankish!!"masigla niyang sabi.
"Hindi dahil sa mabait ako sadyang di ko gusto ang saging tsk!" Sabi ko at inamoy yung pagkain pagkasubo ko . well ordinaryo lang ang lasa. Pwede na.
Natigilan kaming dalawa bang biglang may pabagsak na naglagay ng tray sa table namin. Pagkatingala ko tatlong babaeng nakatingin samin.
"Lamesa ko to"sabi nung nasa harap ko. So?
"Cha-charm Tara na " panghihila ni Loren sakin na feeling close.
"Hoy ikaw!! Hindi mo ba narinig lamesa namin to!"mataray na sabi nila
YOU ARE READING
STUDENT DETAINED
Mystery / Thrillerisang mundo na walang kasiguraduhan kung kelan ka bubuhayin o papatayin Isang mundong puno ng bangungot at kabaliwan ano kaya ang magiging mundo ng mga kick out students sa isang Unibersidad na puro pagpapanggap lang ang unang masasaksihan. Isang m...