chapter 12

2 3 0
                                    

Charm's POV

Habang naglalakad sa corridor ay walang tigil sa pagdadada si loren samatala Hindi naman siya pinapansin ni sherry.

"Charm dito na ko kita na lang tayo mamaya" paalam ni sherry tumango naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sayo lang nag paalam samantalang  di niya pinansin yung beauty ko" pagtataray ni Loren.

Pagkadating namin sa room ay puno ito ng ingay.
Agad naman kaming naupo ni Loren.

"Wala si Sir?" Tanong ni Loren sa katabi niya samantalang ako ay nakatingin Lang sa bintana.
Nasisilaw ako ng araw pero buti na lang maaga pa kaya Hindi ganun kainit ang sinag nito.
Itinaas ko ng konti ang kamay ko na parang aabutin ko ang araw. Namiss Kong mag ganito.

Napansin ko ang pag tahimik ng lahat. Isang lalaki kasi ang naupo sa harap at nag takip ng libro sa mukha niya  sumunod sa eksena ang mga nagtatakbuhang istudyante.

"May lalaki bang pumasok dito?" Medyo maangas pa nitong tanong . ang iba ay umiling ang iba naman ay nagwalang bahala. Maya-maya pa'y umalis nadin ang mga lalaki tumayo naman ang lalaking nakiupo saamin at kinindatan pa yung mga babaeng nasa bandang gilid niya.

"Wow ang cute niya naman"rinig Kong sabi ni Loren. Tinignan Kong mabuti ang lalaki . Nang masulyapan niya din ako ay kumunot ang noo niya at Parang may naisip at ngumiti na parang baliw na parang may narealize.

"Miss 208?"sabi niya at medyo lumapit pa napatingin naman sakin si Loren . f*ck siya pala yan?

"Do I know you?"mataray na tanong ko . Hindi mo ko kilala Hindi mo kilala sabihin mo!

"Seriously?! After saving your life ? Impossible namang di mo ko makilala o nagpapanggap ka lang na hindi mo ko kilala"sabi
Niya na parang tuwangy tuwa pa like hello his making a scene here....

"Would you please stop acting that we know each other cu'z I'm telling you were not"sabi ko sabay irap. Napatingin ako Kay Loren na parang walang maintindihan sa pinag-uusapan namin.

"Grabi naman miss 208 di mo na ko agad makilala ....ouch!"pagiinarte niya Sabay hawak pa sa puso niya na parang nasaktan di talaga siya marunong umarte.

"Parating na sila"sigaw nung babae na nasa pintuan.
"Sige miss 208 till our next meeting !"sigaw nito at nagmamadaling umalis.

Damn!!

Nakita ko namang lahat sila ay nakatingin sakin.

"What?"mataray Kong tanong agad naman silang umiwas ng tingin.

Bwisit na buwan na yun

****
Simula ng nangyare kanina at dahil wala naman kaming teacher buong araw na hindi ko Alam kung anong nangyari ito namang si Loren kanina pa inuusisa yung mga kaklase namin tungkol dun sa lalaki kanina.

Nagmamadali siyang umupo sa tabi ko Sabay kalabit sakin at nagsimula na siyang maglahad ng mga nalaman niya.

"Hoy! Bess Alam mo ba kung sino yung nakausap mo kanina?"excited niyang sabi tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Do I look interested?"tanong ko.

"Ay! Naku pag nalaman mo baka magsisi kang pinakitaan mo siya ng kagaspangan"sabi ni Loren kung makapagsalita akala mo sinaunang tao.

"Yun pala ay anak ni dean Lucia!Patay ka girl pag ikaw ginantihan nun"pananakot ni Loren akala mo naman nakakatakot.

"Matatakot na ba ko?"bored Kong mag tanong.

Teka.....

Nung araw na maganap ang battle of the week may lalaking nakamask na nasa tabi ni dean Lucia posible kayang siya yun. He's one of them . isang kalaban dapat mag-ingat .

"Oh! Di daw takot pero natulala ka din naman! Asus!"pangangasar ni Loren sinamaan ko siya ng tingin kaya napatigil siya.

"All students of fiendish university please proceed to the gymnasium now..I repeat all student of fiendish university please proceed to the gymnasium" agad naman kaming tumayo at pumunta sa nasabing lugar.

Ano naman kaya ngayon?

STUDENT DETAINEDWhere stories live. Discover now