chapter 9

2 3 0
                                    

Charm's POV

Pag kagising ko pa lang ay agad na Kong nagpunta sa banyo para maligo at pagbalik sa kwarto at agad akong nag ayos natigilan ako ng pumasok sa kwarto si Loren oo nga bakit ang aga niyang nagising?

"Wala daw pasok ...magbihis ka na lahat ay nasa gymnasium na.."sabi in Loren at agad na nagpalit siya ng ,        T-shirt.

Agad namang kumunot ang noo ko.

"Anong meron?"tanong ko umiling naman siya na halatang wala ring Alam. Agad akong nagpalit ng damit at sabay kaming lumabas tahimik na sa hallway ng makalabas kami halatang lahat ay nandun na.

Hindi pa man kami nakakapasok ay rinig na ang sigawan sa labas . pagpasok namin maraming nagsisigawan pero marami ring tahimik na halata naman ang pagtataka.

Sa mataas na bahagi kami naupo kung saan makikita ang kabuuhan ng lugar parang may nagbago sa gymnasium dahil may mga maliliit na  mga gate . kung tutuusin hindi ito pang eskwelahan ang gym at kamukha ng mga show sa beach kung saan ang tinatapakan ay buhagin.

Biglang nagbukas ang dalawang gate at may mga taong kumabas dito .

"Si sherry.."iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ni Loren ng makita si sherry na lumabas sa isa sa mga tarangkahan.

"Magandang araw sainyo mga minamahal na istudyante ng fiendish university ngayong araw na to ang pinaka importanteng araw sa lahat kung saan masasaksihan niyo ang madugong labanan ng ating mga manlalaro kung Saan ang tangging paraan lang para mabuhay ay ang pumatay ....."rinig naming sabi ng isang boses na nanggagaling sa speaker na nakapaligid sa gymnasium . Isang malaking screen na man ang naglabas ng mga litrato kung saan maa lalong lumakas ang sigawan ng mga old students litrato iyon ng mga manlalaro kasama ng ibang impormasyon.

Lumabaa naman sa screen ang number na 10 at pababa na ito ng pababa.

Sherry's POV

Napatingin ako sa screen ng maglabas ito ng numero.
Napatingin din ako sa babaeng kasama ko ngayon dito sa ibaba tingin ko lumang istudyante na siya.

Nagsigawan sila ng biglang nawala na ang numero at kasabay nito ang pagtulak sakin ng babaeng kasama ko ,kaagad akong napahiga at pilit siyang inaalis sa itaas ko.

"A-ano ba nasasaktan ako!!!"sigaw ko pero bigla na lang niya kong sinakal.

"Mamamatay ka!!"sabi niya at mas diniinan pa ang pagsakal sakin. Nakakuha naman ako ng tyempo para sipain siya napaatras ako ng masipa ko siya napahawak siya sa tiyan niya dahil sa sakit . agad siyang tumayo at dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin at dali-dali akong tumayo para tumakbo pero nahila na niya ang buhok ko . sinubukan ko ang lahat para kang matanggal ang pagkakasabunot niya sakin at agad Kong siyang hinarap.

"kailangan mong mamatay!!, ako ang mananalo!"sigaw niya at kaagad na inuntog ang ulo niya sa ulo ko dahilan ng pagbagsak ko. Ngayon nakaupo ako habang umaatras. Naramdaman kong may nahulog mula sa bulsa ko pero Hindi ko ito pinansin.

Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman ko ang pagdagan niya saakin at sinasakal nanaman niya ako.

Hindi na ko makahinga naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko . napatingin ako sa bagay na nasa gilid ko pilit ko itong kinuha at aksidenteng natanggal ang takip ito. Medyo nagulat ako dahil isa pala itong kutsilyo.

Napapikit ako ng madiin

Patawarin niyo po ako..

Matapos Kong maisip yun naramdaman ko ang pagtalsik ng mga likido sa mukha ko.
Napadilat ako at halos mapasigaw ako ng bumagsak siya sa tabi ko habang may kutsilyong na katurok sa leeg niya.
Napaatras ako may mga lalaking lumapit at kinuha ang bangkay niya . Nakita Kong nagtayuan ang ibang istudyante pero wala na akong naririnig na kahit ano sandali akong nabinggi at tila ba tumigil ang aking mundo.

Sa Sandaling ito nakapatay ako ng tao......

STUDENT DETAINEDWhere stories live. Discover now