Loren's POV
Kuskos dito ,kuskos doon nandito lang naman kami sa banyo at kinukoskos lahat ng dumi ,dahil kasi battle of the week na yan nakalimutan naming magpasa ng thesis
Kay ms.Vicky. Pero parang wala lang kina charm at sherry kahit papano naman may plano parin akong grumaduate yun ay kung makakalabas kami ng buhay.Napatigil kami sa pagkukuskos ng biglang may nagtapon ng maduming tubig sa sahig.
What the...
Pagtingin namin yung tatlong babaeng nang-agaw ng table samin noon.
Ano bang problems nila?
"Nananadya ba kayo? Kita niyong kalilinis lang namin"naiinis na sabi ni sherry . napatayo naman ako samantalang si charm ay pumunta sa gripo at naghugas ng kamay na parang iwinalang Bahala lang ang nangyayari.kung saan ikinainis ng halatang leader ng tatlong asungot na to.
"Boss mukhang di ka pinapansin ah"sabi ng isang babaeng nasa bandang likod.
Lumapit naman ang leader ng Grupo sa kinaroroonan ni charm at pinatay ang gripo kahit naghuhugas pa ng kamay si charm tinapunan naman siya ng masamang tingin ni charm.
Mula sa likod ay narinig ko ang pagbagsak ng pinto at paglock nito.
"Ano bang problema niyo?"naiinis na tanong ko.
Lalapitan na Sana ako ng isa nilang miyembro na mabilis na humarang si sherry saakin.
"Tigilan niyo nakami"matapang na sabi ni sherry.
Napangisi naman ang leader ng grupo."Ikaw yung nanalo sa battle diba?....*smirk* tumapang ka ata... Baka nakakalimutan mo chamba lang yun ..wala ka pa sa Kalahati ng nakalaban ko"sabi nito habang ngumunguya ng bubblegum. Dahan dahan Kong kinapa ang bulsa ko para sana kunin ang ballpen nang pigilan ni charm ang kamay ko. At umiling pa siya.
Lumapit si charm sa pinto at binuksan ito.
"Marami pa kaming gagawin lumabas na kayo" sabi ni charm at pinag patuloy ang paglilinis ng sahig . Pero imbis na lumabas ay sinipa pa nila ang balde ang pinaka nakakainis dinuraan niya si Charm.
"Charm"rinig kong sabi ni sherry .
Agad ko namang nilapitan yung nagdura kay charm at agad itong sinunggaban .Sherry's POV
Nagulat na lang kami ng biglang sinabunutan ni Loren yung isang babae tapos pinagtulungan si Loren.
Agad ibinagsak ni charm ang hawak niyang sponge at parang liong sumugod sa kuta ng mga mangangaso si charm.
Lumapit na ko para pumigil pero bigla na lang hinila ng leader nila ang buhok ko agad naman akong tinulungan ni Loren nang makawala ay nakita Kong dalawang tao na ang hawak ni charm ay sabay itong pinagsasabunot.
Bigla namang sumugod yung leader Kay charm nang mapatumba na niya si Loren tinulungan ko namang makatayo si Loren.
"Si charm" pag-aalala ni Loren susugod na sana ako ng may dumating na mga gwardiya bago man maipaglayo ay nasipa pa ni charm ang leader nito kaya napaluhod ito.
*****
Nasa harap kami ngayon ng dean habang pinanunuod niya yung footage ng nangyari kanina tama may mga CCTV sa cr. Nakangiti itong humarap samin at sa pangalawang pagkakataon nangilabot nanaman ako sa mga ngiti niyang iyon."Wala namang masama sa ginawa niyo ..dahil nag eensayo lang kayo,pero .....dahil sa mga nasira sa palikuran ay mapaparusahan parin kayo..ija anong pangalan mo ?"tanong nito Kay charm pero nakatungo lang si charm at di sumagot.
"O sige ang magiging punishment niyo ay kayo ang maglilinis ng buong cafeteria after dinner ....isang paalala wag lang kayong magpapagabi"sabi nito at ngumiti at tuluyan na kaming tinalikuran.
***
Pagkalabas namin ay di agad nakapagkontrol ang mga linta sa mga bibig nila."Ang lakas ng loob ni hindi man lang niya sinagot yung tanong ni dean.."sabi nung isa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Nagpapakitang gilas lang yan.."dagdag pa nung isa . Ang sarap talagang sapakin ng mga to.
Lumapit yung leader ng mga babaeng to Kay charm.
"Kahit magpakitang gilas ka...di ka parin makakalabas dito...dahil sa lugar Nato....tayo mamamatay.."sabi niya
Nginisihan siya ni charm at lumapit din ng konti."Tama ka...pero sisiguraduhin Kong mauuna ka"matapang na sabi ni Charm at nauna nang maglakad agad naman kaming sumunod sakanya . Benelatan pa sila ni Loren dahilan ng pag ngisi ko. Nakakatawa talaga tong si Loren.
Hanggang sa muli bitches...
Till our next fight..
YOU ARE READING
STUDENT DETAINED
Mystery / Thrillerisang mundo na walang kasiguraduhan kung kelan ka bubuhayin o papatayin Isang mundong puno ng bangungot at kabaliwan ano kaya ang magiging mundo ng mga kick out students sa isang Unibersidad na puro pagpapanggap lang ang unang masasaksihan. Isang m...