Charm's POV
Nagising kami dahil sa sunod sunod na malalakas na katok sa pinto namin na nagmumula sa labas.
Agad namang lumapit si sherry sa pinto at agad itong binuksan.Dalawang guwardiya ang pumasok at agad kaming pinalabas .
Pinapila kami sa labas pinapasok kaming tatlo sa isang silid.
"Charm ,sherry,at Loren ng room 208 tama?"tanong ng isang Babae na may hawak ng isang listahan. Tumango naman kami. Agad kaming kinapkapan todong pagkakapkap ang ginawa nila.
Pagkatapos ay may tatlong malinis na uniform ang ibinigay saamin. Medyo may class kung titignan.
"Mag-ayos kayo ng mga sarili niyo pagdating sa labas itong number na toh ang kwartong papasukan niyo... Sige labas na"sabi nito samin.
Kahit nagtataka ay sinunod na lang namin ito.Pinapila kami at isang malaking gate ang nagbukas teka..ito yung dati.
Hinanap namin ang kwartong ibinigay saamin.
"Woow...ang laki ah..."sabi ni Loren ng makita ang kwarto .
"Lahat ng damit natin nakaayos dito sa cabinet" sabi ni sherry habang tinitignan ang mga damit namin. Mukhang Alam ko na kung ano to.
"Nagsimula nanaman sila ng isang palabas..."sabi habang tinitignan ang buong kwarto.
Nahagip naman ng mata ko ang maliit na camera na hindi basta-Basta makikita kung sakaling di mo susuriin ang buong silid.
Sabi ko na nga ba...hindi nga ako nagkamali.....
Napangisi na lang ako.
May kumatok naman sa khoy kwarto namin. Isang babaeng nakaformal attire ,school coordinator pero ang totoo bantay din siya.
"Miss charm and miss sherry nasa waiting area ang mga magulang niyo"sabi nito.
"Teka sila lang?"pagsingit ni Loren.
"Ay sorry ikaw din po miss Loren"nakangiti nitong sabi.
Fake...
YOU ARE READING
STUDENT DETAINED
Mystery / Thrillerisang mundo na walang kasiguraduhan kung kelan ka bubuhayin o papatayin Isang mundong puno ng bangungot at kabaliwan ano kaya ang magiging mundo ng mga kick out students sa isang Unibersidad na puro pagpapanggap lang ang unang masasaksihan. Isang m...