Charm's POV
Tahimik kaming nakaupo ni Loren gabi narin Pero hanggang ngayon di parin kami makrecover sa nangyari kanina
*flashback*
"Anong gagawin niyo sakin bitawan niyo ko"pagwawala ni sherry bigla na lang kasing pumasok ang tatlong lalaki dito sa kwarto namin at pilit na sinasama si sherry sakanila."Charm gumawa ka ng paraan"pangungulit naman ni Loren na halatang natatakot narin naman.
Paano? Ni Hindi ko nga Alam kung anong nangyayare tapos tutulong pa ko?
Hinila ko si sherry at niyakap. Bigla naman siyang hinila ng mga lalaki at kinaladkad.
Sana lang makatulong ...
End of flashback
"Ano na kayang nangyare Kay sherry?"nakatulalang tanong ni Loren.
"Wag mo na siyang alalahanin matulog na tayo"sabi ko at humiga.
"Kahit papano naman kasama parin natin siya sa kwaro...Hindi ka ba nag aalala?"tanong niya napatayo ako at tumingin sakanya .
"Bakit ba ang kulit mo? Walang magagawa ang pag-aalala mo ....matulog kana"sabi ko at naglakad palabas.
"Teka San ka pupunta??"tanong niya na Hindi ko na sinagot at lumabas na lang
Ang kulit kulit di tuloy ako makapagisip ng mabuti. San nga ba nila dinala si sherry.
Nasa kalagitnaan na ko ng daan ng marealize kong malayo na pala ang nalakad ko teka bakit ako lumabas ng ganitong oras?
Hindi ko Alam pero unti-unting tumaas ang balahibo ko ngayon lang din kasi ako nakalabas ng gabi.
Pabalik na sana ako ng may marinig akong mga gwardiyang papalapit kaya nagmadali akong maglakad pero ang masaklap meron ding mga gwardiya sa direksyong iyon.
Medyo napaatras ako dahilan para masagi ko ang isang vase."Sinong nandyan?!"pasigaw na sabi ng di kilalang mga gwardiya. Mas bumilis pa ang kalabog sa dibdib ko ng marinig kong may mga papalapit na sa kinaroroonan ko .
YOU ARE READING
STUDENT DETAINED
Mystery / Thrillerisang mundo na walang kasiguraduhan kung kelan ka bubuhayin o papatayin Isang mundong puno ng bangungot at kabaliwan ano kaya ang magiging mundo ng mga kick out students sa isang Unibersidad na puro pagpapanggap lang ang unang masasaksihan. Isang m...