3. Moving In

602 42 4
                                    

Fb: Boys Love Memes PH

Wayo's POV

*family house of Wayo*

"BAKIT MO NAMAN NAISIP GAWIN YON!?" Sigaw sa akin ni Kit habang naglalakad all over my room. Habang ako nakahiga sa kama ko, hindi nakikinig sa kanya.

Pagkauwi namin dumiretso agad kami sa room ko habang takip na takip namin si Beam. Mahirap na mamaya maungkat pa ang nangyari, mapurnada pa pagbukod namin at sabihing hindi pa kami bumubukod may problema agad.

Lumabas si Beam from the shower while wearing my bathrobe.

"Hindi mo ba narinig sinabi niya na kanila yung school? What's gonna happen to us now?" -Kit

"Kalma lang kamahalan, kung makasalita ka ah. Ikaw tong una gustong manakit kanina and besides hindi naman ako makakapayag na gawin nila kay Beam yun noh"-Me

Hindi makapaniwala si Kit sa demeanor ko towards sa nangyari kanina at sumuko na siya sa pagsesermon sa akin.

"Beam. Pagsabihan mo nga tong kaibigan mo"- Kit

"Uhhhh... Yo thank you sa pagtatanggol sa akin kanina ha. Ang astig mo dun" sabi ni Beam with matching ngiti.

Ngumiti ako ng malawak sabay tumingin kay Kit na pang-asar.

"Seriously Beam!? Hindi niyo ba naiisip ang pwede maging buhay natin dun!? They can make our lives a living hell! Anong astig don!?" Kit snapped.

Yikes, triggered si kuya. Meron ata ngayon.

"Kit, sa laki ng school na yun tingin mo magkakatagpo pa tayo? Tayo pa nga lang na magkaiba faculty , ang layo na ng room natin at I bet sikat na tayo dun" -Wayo

Napaface-palm si Kit sa sinabi ko.

"Tama, at kung makita nila ulit tayo. Andyan naman tuhod ni Yo para iligtas tayo" gatong ni Beam at nag apir kami.

"Mahal ko kayo pero wag niyo ako kausapin sa school ha. Hindi ko kayo kilala ulul. Wag niyo ako idamay sa kagagahan niyo" -Kit

*knock* *knock*

"Yo?" Tawag sa akin ni mama at pumasok sa kwarto ko. Nakacocktail dress si mama na blue with gold heels and accessories. Hindi naman halata na may lakad to.

"Bakit Ma?" - Yo

"Good afternoon po, Ma" -Beam

"Hello po, Ma"-Kit

Ganyan kami Ma at Pa na tawagan namin sa parents ng isa't-isa. Hindi ako nagbibiro nang sinabi kong super close talga kaming tatlo.

"Oh, andito pala kayo. That's great, I'm just checking on you before kayo lumipat sa bahay niyo bukas. Handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanong sa akin ni mama habang tinitignan ang kwarto.

"Yes, Ma. Handa na po lahat tapos po yung gamit nila Beam at Kit dadalhin nila dito mamaya para sabay-sabay na kami bukas"

Tumango sila Kit at Beam kay Mama.

"Sigurado ba kayo na hindi niyo na kailangan ng maids or guards doon? Ibibigay na lang namin maids namin dito sa inyo, kung gusto niyo" pag-aalala ni Mama.

"Ma, okay lang po kami. Kaya nga po kami bubukod diba? Para matuto kami on our own." -Kit

Ay bipolar lang. Biglang bait?

"Alam ko naman yon. Kaso wala pa talaga kayo alam sa mga gawaing bahay eh. Titira na lang rin kaya ako doon para may magaalaga sa inyo?" Overbard na recommendation ni mama.

Natawa na lang ako sa pagaalala ni Mama. Mahal na mahal niya ako to the point na parang only daughter ang tingin niya sa akin kahit may andyan si ate, mas babae pa rin tingin niya sa akin.

Clash of the MoonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon