4. Destiny : Old Friend

540 41 5
                                    

Fb: Boys Love Memes PH

Kit's POV

Alam niyo yung moment  na magtutulakan pa kayo ng kaibigan mo kung sino unang papasok sa room pag unang araw ng pasukan? Ganyan scenario namin ni Beam ngayon.

Dagdag kaba pa yung fact na late kami.

Paano ba naman kasi bago kami lumipat ng bahay ngayon lang namin napagtanto na wala palang may alam sa amin na magluto.

Una pa lang wala na, pinapaandar namin ung stove ng hindi pa bukas yung LPG.

Tapos nung naglagay na kami ng itlog sa pan. Hindi pa pala nalagyan ni Yo ng mantika. Kaya ayaw ma flip kasi nakadikit na siya hanggat na mangitim na ang itlog sa pagkasunog.

Kung kailan okay na lahat nagkaduwagan na naman kami. Yung mantika tumatalsik tsaka pumuputok , bat ganon? In the end sumuko kami at pinili na lang na pumasok ng walang breakfast.

Nandito kami ngayon ni Beam sa tapat ng room namin ( Faculty of Engineering kami. Si Wayo nasa Faculty of Medicine).

Lumingon yung prof sa entrance and nakita kami. Fuck!

Lumapit siya sa amin at nagtanong.

"Are you the new transferee?" Malumanay niyang tanong.

"Khrap.." sabay na sagot at tango namin ni Beam.

"Come in and introduce yourself, hindi naman ako time sensitive , it's okay if you're a little late" sabi niya with a smile.

Nakahinga ako ng maluwag at ganoon din si Beam. Pumasok kami sa room and all eyes were on us.

"Class, they are your new classmates." He turned to us" I'm Professor Danai" at nag waii kami sa kanya.

Nagtulakan pa kami ni Beam kung sino mauuna magpapakilala.

Umani yon ng mga amused at tawang tawa na reaction mula sa mga kaklase namin.

"Ang cute nila"

"Hahahaha.. parang mga bata"

"They're so little and cute"

Ang mga naririnig ko habang patuloy ang pag aaway namin sa harap. Kahit si Professor Danai natatawa sa eksena namin.

Sanay na ako sa ganyang mga comments. Besides sa maliit nga height namin ni Beam at Yo (especially ako. Hays) alagang-alaga pa balat namin kaya bihira kaming i describe as gwapo more on cute.

Sumuko na si Beam at humakbang siya paharap.

Nag waii muna siya bago magsalita.

"Sawatdee khrap, My name is Baramee Yarathon Vongpiphan or just Beam" sabay yung signature na innocent smile.

Nagbulungan sila after nun. Halatang na cutetan sila kay Beam. Minsan malandi na tingin sa kanya dahil sa pagiging inosente niya masyado kaya marami naaakit diyan.

Ganon din naman kay Yo pero si Yo kasi alam ang nasaisip ng mga pumoporma sa kanya kaya puro rejection pinapauulan niya . Ganda niya noh?

As for me, RBF (resting bitch face) kaya wala din nagtatangka. And most of all, straight ako takot lang lahat sa resting face kahit di ko namn sinasadya na magmukhang agrabyado ako kaya NGSB.

Ako naman ang nag step forward.

"Sawatdee khrap, My name is Mongkol Intochar . You can call me Kit for short"

"For short? Parang height mo?" Sigaw ng isang lalaki sa likod.

Tarantado to ah.

Nagtawanan silang lahat pati si Prof.
Nice. Pota tong lalaking to ah.

After ng little comedy segment na yon at humupa na ang tawanan nila. Pinaupo na kami ni Prof.

Swerte lang na yung lalaki na yon ang katabi ko at sa kabila ko naman si Beam.

Lumabas ng sandali si Prof para ayusin ang final list namin sa classroom.

"Hi! Ako nga pala si Golf" bati ni tarantado sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Kapal ng mukha nito na kausapin ako matapos ako pahiyain.

"Uyyy, nagpapakilala ako dito oh. Gusto ko lang nanaman makipagkaibigan" sinusundot niya yung tagiliran ko na ikinabalikwas ko at ikinasigaw ko.

Napatingin lahat sa akin. Sabi ko ba sigaw? Hindi . Tili , tili ang lumabas sa bunganga ko.

Nagtawanan nanaman sila samntalang ako naman napayuko na lang sa hiya tinignan ko si Beam at tumatawa din siya. Kanino ka ba kampi ha?

I gave Mr. TARANTADO my death glare.

Napaatras siya bahagya nang makita niya yun. Tiklop ka ngayon

"Una sa lahat, bingi ka ba? Diba nagpakilala na ako . Inasar mo pa nga ako diba . Ang galing mo. And what makes you think gusto kita maging kaibigan. Pwe". Mahabang tugon ko sa pangungulit niya kanina.

Nakatulala lang siya at biglang ngumiti.

Kaya pala ganyan siya.MAY SALTIK!

"Grabe iba na itsura mo pero ganun pa rin ugali mo. Akala ko tuloy maaalala mo ako, Kitty" malungkot niyang sabi.

Teka, isa lang tumatawag sa akin nun ah..

Napatingin ako ng maigi sa kanya at bigla niya rin nilapit mukha niya sa akin. Alam niya sigurong kinikilala ko siya kaya ginawa niya yun.

Kamukha niya nga at kapangalan niya!

Shiya... siya na ba to? One way to know

Tinagilid ko ang ulo niya para tingnan tenga niya. FUCK. Andun pa rin yung bakas ng kagat ko dati!!!

"Golf Jirayut?" Dahan dahan kong tanong.

Lumiwanag ang mukha niya at tumango na parang aso.

Nanlaki mata ko at napatingin ako kay Beam . Ganun din reaction niya.

"Naaalala niyo pa pala ako . Hahahahaha" hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap at inabot niya si Beam. Sabay amoy sa akin.

Ba't may pag-amoy?

Binitawan niya kami. At nagkapaan kami ng katawan.

"Ai'Golf grabe pinagbago mo di ka namin nakilala"-Beam

"Oo nga, kamusta ka na?" - ako

"Okay naman. Hindi nga lang masaya kasi wala kayo. Nakakamiss kayo eh" sabi niya with pouting.

Kaklase namin si Golf from elementary. Since super close kaming tatlo nila Yo wala na lumalapit sa amin except siya. Kami kami 4 palagi magkakasama mula sa school hanggang sa pagppasyal at playdates noong bata pa kami. Yun nga lang kailangan nilang mag migrate sa America kasi na promote papa niya sa trabaho.

Ako trip palagi niyan noong bata pa kami. Nanghuhubad at wagas mangasar kaya nagkasugat yan sa tenga dahil sa akin. Isa sa pantritrip niya sa kain dati ay ang pagkakandong niya sa akin sabay akap tapos babayuhin ako kaya kinagat ko siya sa tenga . Dun ko rin nakuha ang nickname na kitty, masyado daw kasi akong cute para maging aso kaya kitty na lang daw.

"Namiss ka rin namin Golf, matutuwa rin yon si Yo pag nalaman niyang andito ka na ulit sa Pilipinas"-ako

"Ako naman tuwang tuwa kasi nakita na ulit kita .... ay .. kayo pala kayo. Hehe"

Ang weird niya grabe. Bumalik na si Prof pero may kasabay siya pumasok. He looks very familiar.

Naglakad siya papunta sa tabi ni Beam habang nginingitian niya ang mga tropa niya with his gummy smile.

---

Sino kaya siya?

Been Busy. Sorry. Hahahah

- TheBitxhAdmin

Clash of the MoonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon