Fb: Boys Love Memes PH
Wayo's POV
"Ai'Kit! Ai'Beam!. Dalian niyo maglakad gusto ko makita cafeteria nila" sigaw ko sa dalawang kong makupad na bestfriend.
Nagtotour kami ngayon sa bago naming university. Kakatapos lang ng interview namin and well to say we pass is an understatement. After ng interview halos maglumpasay sila sa lupa para piliin namin tong school.
Hindi kami saksakan ng talino pero kung anak kayo ng businessman, sa ayaw mo at sa gusto mo matututo kang makipag-usap sa tao.
We transferred here for our second year of college. Pinilit lang namin parents namin na ilipat kami kasi we own our previous school. Wala tuloy kami friends, takot lahat sa amin.
Cute kaya namin. Hahahahaha
Lumipat rin kami para may independence training kami. May house na ipinatayo parents namin malapit sa university. Yes slightly dependent pa rin kami in terms of finance. Pero first time naming titira sa bahay na walang maids or guards, excited ako dahil hindi kami masasakal masyado.
"Tignan ka jan, ang sabihin mo gusto mo lang chumibog" saway sa akin ni Kit
Yan si Kit ang bestfriend kong palaban at ang lakas mang-alaska. Nahawaan lang ako pero more on words lang naman tapang ko. Siya handa na para sa mga Maute. Nakakatawa lang kasi siya pa yung pinakamaliit sa amin
"Hindi ah. Gusto ko lang talaga tignan facilities nila dito, diba nga nagtotour tayo?" palusot ko. Yes palusot, gutom nga ako pero hindi naman nila kailangan malaman yun.
"Oo, university tour . So bakit cafeteria inuuna mo? Inosenteng tanong ni Beam. Minsan di ko na alam kung seryoso ba siya o inaasar na din niya ako.
Siya naman si Beam, ang tinatagong diyamante ng pamilya nya, alagang-alaga eh. Ubod ng puti at halos hindi alam magmura, natuto lang siya 2 months ago at syempre kasalanan namin ni Kit yun.
Paano namin siya naging kaibigan?
Simple lang malakas rin siya mang-asar. Hindi siya mabait sadya lang na hindi siya mulat.
We became friends dahil sa mga magulang namin as in lahat ng parents namin magkakatropa since high school hanggat nagpakasal sila sa mga partners nila and decided to start a business together.
Talk about squad goals
Later on naglampungan sila and we came to the world.
"Oo na, gutom na ako. Ang hirap kaya ng interview. Gamit lahat ng natutunan ko kay papa"
Nanahimik lang sila at sinakyan ang trip ko.
~~~~~~
*cafeteria*
My tray:
Double deck burger, large fries, 2 slice of pizza, Mac and Cheese, 1 slice of cake and of course, pink milk duhhhh.
Kakatapos lang mag-order ng dalawa at nilapitan ako. Tiningnan nila ang tray ko in amusement and disbelief.
"Naglilihi ka ba? Dami nyan ah" pang asar sa akin ni Kit
"Sa liit mong yan, magkakasya ba lahat ng binili mo? Ang takaw mo naman" gatong ni Beam habang kumuha ng fries ko.
Siya namburaot, ako matakaw? Galing, hanga talaga ako sa mga kaibigan ko. Pero ganyan talaga kami, we show our love through insults, diba may ganun naman?
"Sa tagal na nating magakakilala hindi pa rin kayo aware sa appetite ko, Maghanap na lang tayo ng table kasi ang bigat nito and papatayin na ako ng gutom ko"
Habang naghahanap kami ng table napansin kong hindi lang pagkain ang mukhang masarap dito, pati mga students. Hahahahaha
Spell landi. W-A-Y-O.
Forgot to tell you all boys school to. Hindi ako malandi verbally hanggang tingin and imagination lang.
Never pa ako nagkaBf kasi hindi naman halata na gay ako. Hindi din naman kasi pang bottom pormahan ko (oo aminado ako).
Anyways...
Nakahanap kami ng table sa corner ng cafeteria. Ang ganda ng pwesto, malapit sa aircon and may window malapit dun tapos halatang mas malaki ang table na to kaysa sa ibang table.
Nakakapagtaka lang kasi walang kumuha or umuupo dun. Pinagtitinginan nila kami dahil sa aking cuteness
Joke lang hindi kayo mabiro.
They gave us questioning looks and as if may inanticipate sila. Hunger first kaya hindi ko na lang sila inintindi at kumain na ako.
Pero mukhang ngayon lang napansin nila Beam and Kit na pinagtitinginan kami.
"Ai'Yo, anong gayuma ba ginamit mo at halos lahat sila nakatingin sa atin?"-Beam
Nilingon ko ulit yung mga tao. Hindi halos as in LAHAT sumusulyap sulyap sa amin. Ano bang meron? Alam kong cute ako pero hindi sa ganitong level.
Dahil sa mga mata na nakatingin sa amin, nahiya tuloy kumain ulit at ganun din si Beam. Tinignan ko si Kit at sinasamaan niya ng tingin ang mga sumusulyap sa amin.
Timping-timpi na si Kit, isa sa mga ayaw nya is yung pinagtsitismisan kami. Ganyan kasi nangyari sa dati naming school, puro tsismis inabot namin na dahil amin school pumapasa kami kahit di mag-aral. Which is not true and unfair.
Padabog tumayo si Kit with matching hampas sa table. Ikinagulat yun ng mga tao kahit namin ni Beam.
Uh-oh...
"MAY PROBLEMA BA KAYO SA AMIN!?" inis niyang pagtaas ng boses na sinabi.
Iniwasan nila ng tingin si Kit at akala ko tapos na pero hindi pa pala.
May boses na sumagot mula sa likod namin...
"Oo , why are you seating on our table?"
~~~~~~~
Hey fujoshis and fundashisFirst time ko magsulat for fun lang naman so don't expect anything great.
-Admin Krist
I run a page on fb kaya ganyan pen name ko.
BINABASA MO ANG
Clash of the Moons
FanficI don't own the characters . All characters are based off of 2 moons novel by chiffon_cake. All rights goes to the author