Fb: Boys Love Memes PH
I start next chapters kapag 10+ votes na yung previous chapter. Kaya vote vote para may update agad
*Thursday*
Wayo's POV
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang apelyido ni Pha, like what!?
Kongthanin?
Posible kayang siya talga yung nagbantay sa akin?
Imposible, kulang na nga lang patayin ako nun tuwing magkikita kami.
Which by the way ang low profile niya sa akin kahapon at ngayon ha. Since noong sagutan namin noong tuesday, parang nilulubayan na niya ako.
Hindi naman sa ayaw ko yun pero ang sama ng kutob ko sa pagkatahimik niya.
Tahimik akong maglalakad papunta sa locker ko nang matanaw ko may nag sisiksik ng note sa locker ko.
Naka hoodie and shades siya kaya hindi ko mamukhaan.
"Hoy!" Sigaw ko sa kanya at bigla siyang tumakbo paalis.
Dali dali akong pumunta sa locker ko at binuksan to para tignan kung may kinuha siya pero wala naman naka lock pa nga ito eh.
Yung note lang talga na iniwan ang ginawa niya dito.
Binuksan ko ang papel and binasa to.
" Go to the stock room if you want your diary back"
Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Agad kong binuksan ang bag ko para hanapin ang diary ko.
Wala na nga!
I keep a diary to log all my experiences in my new school.
Pota! Puro personal stuff at kabaklaan ko yun eh.
Nagdadalwang isip ako na puntahan yun kasi natatakot ako at may pre test kami mamaya sa pinaka strict naming teacher.
Tinakbo ko ang stock room kasi medyo malayo to. Kukunin ko ang diary ko kasi dignidad ko ang nakataya dito no. And feel ko kaya ko namn umabot sa pre test pag binilisan ko.
*stock room*
Nakarating ako sa stock room at sumilip ako sa loob at nakita ko ang diary ko sa gitna ng kwarto.
Dahan-dahang akong pumasok para kunin ito dahil takot pa rin ako sa pagpunta dito.
Pagkapulot ko nito ay ang ikinagulat ko.
Hindi ito yung diary ko! Notebook lang to na may nakalagay na "Goodluck" sa cover.
Sumara ng mabilis ang pinto.
Tumakbo ako papunta dito para buksan pero naka lock na.
Yung diary ko! Yung test namin!
Parang kilala ko may gawa nito.
"PHAAAAA!" sigaw ko na lang habng sinisipa ang pinto.
Ming's POV
Kamuntik na late sa pre test dahil sa diary na hawak hawak ko ngayon.
Tapos wala din pala si Pha dito natapos niya agd yung test, siya na matalino!
Grabe siguro ang galit ni Pha para magplano siya ng ganito
Kinausap niya kami ni Forth kahapon para sa gagawin namin para sa plano niya na mag drop out si Wayo dito sa school.
Inatas niya sa akin ang pag alam ng mga sikreto niya dahil P.a ko namn na daw si Kit mas madali daw kung ako gagawa nun.
Pero sikreto ni Kit ang nalaman ko . Hehehe.
Anyways, hbang nag lunchbreak ang lahat naiwan ako sa room para maisagawa ang plano ko. Nang umalis na si Yo doon ko na hinalungkat ang bag niya para makakuha ng kahit anong bagay na magbibigay sa akin ng impormasyon regarding kay Yo at doon ko nakita ang diary niya. Tinago ko ito at tinext si Pha kung ano ang nahanap ko.
Ang original kong plano ay itago lang to at ibigay kay Pha pero pinagawa niya sa akin ang pag lock kay Wayo. May susi kasi kami sa halos lahat ng room dito sa school
Actually nakonsensya ako sa ginawa ko . Ramdam ko ang takot ni Yo sa pagpunta niya pati na rin sa pagsigaw niya habang umaalis ako.
Tinititigan ko ang diary niya at napagdesisyunan na basahin to since pinaghirapan ko namng kunin to.
Dear diary,
Nakakaexcite papasok na kami sa new school namin bukas. Nakakaexcite kasi new environment at hindi na kami pag iisipan ng ibang tao. And we moved na din kaya I'm so happy, we're starting to be independent......
Nakakafascinate din tong si Yo iba ang tao na nagsuslat dito sa kinakausap at inaaway namin.
.... naaway din pala namin may ari ng schol hahahaha. Nasipa ko ung matangkad na isa sa pagkalalaki niya buti nga. Awayin na nila ako wag lang kaibigan ko noh. Prang mga kapatid ko na to kasi wala namn gustong makipagkaibigan sa amin , we only have each other kaya hindi ko pinalagpas yun...
Habang tumatagal kong binabasa tong diary ni Yo lumalambot ang puso ko sa kanya at tumitigas namn pagkalalaki ko .
Ang gentle niya talgang tao at parang gusto ko lang siyang alagaan.
Nabasa so ang part ng nahimatay siya dahil sa amin. I really felt guilty pagkatapos ko makilala tong si Wayo sa personal level.
At hanggang doon lang, hindi pa ata siya nagsusulat ulit. Sa back pages nakita kong may mga doodle.hahajaj
Hindi mo aakalain na lalaki ang may ari nito ang cute cute niya talga.
My Crushes
Ang nakalagay sa isang page at may nakalistang pangalan. I admit winish ko na sana andito ako, to which in my disappointment wala. Shaket.
Puro mga nagwapuhan lang siya ang nakalagay dito at hindi talga sa degree ng crush kasam dito ang seatmate niyang si Tiew.
Pero may isang pangalan siyang talgang tinadtad ng heart pero naka hangul kaya hindi ko maintindihan.
❤❤❤좄❤❤❤
Pero may isang pangalan na umagaw talga ng atensyon ko at yun ay ang KONGTHANIN
Apelyido to ni Pha. May gusto ba siya kay Pha!?
O hindi naman kaya sa kuya niya?
"Ming" monotone na tawag sa akin ni Pha.
Agad kong pinunit ang part ng page na may apelyido ni Pha pati narin ang nakahangul kasi nacucurios talga ako kung sino to
"Oh, eto na diary niya" abot ko sa kanya ng diary nang makalapit siya sa akin.
"Good job" sabay ngiti ni Pha.
Alam ko sa sarili kung bakit pinunit ko rin ang apelyido ni Pha.
I was jealous at sana ako ang nakasulat doon.
~~~
Please vote and Comment foe motivation ko
Long story short: writer's block and marami requirements sa school.
Putol putol ko tong ginawa kaya sorry kung may parang disconnect.
Not readproof as usual.
Thank you for reading and Love ya❤❤.
-TheBitxhAdmin
BINABASA MO ANG
Clash of the Moons
FanfictionI don't own the characters . All characters are based off of 2 moons novel by chiffon_cake. All rights goes to the author