Dumating si Serg sa kanilang bahay na mainit ang kanyang ulo dahil sa mga hindi kaaya-ayang nakita nya kaninang tanghali sa mall.
"Ngayon pa talagang birthday ko?! Grabe ka Sarah!" reklamo nito sa kanyang isip habang ipinapark na nya ang kanyang itim na mini cooper na sasakyan sa garahe ng 2-storey house nila.
Pagpasok ni Serg ng pinto ng bahay nila ay sumalubog sakanya ang babaeng may dahilan kung bakit nasira ang espesyal nyang araw.
"Hi Sergie!" isang nakangiti at masayang Sarah ang sumalubong sakanya sa pagbukas nya ng pinto.
Hindi makangiti si Serg dahil sa nararamdaman nyang inis, galit, at asar sa babaeng nasa harap nya ngayon.
Tuluyan lang pumasok si Serge na Hindi man lang pinapansin si Sarah. Dirediretsong naglakad si Serg papunta sa hagdan, pero bago pa man sya makapanhik sa unang baitang ay napatigil sya dahil sa paghawak ni Sarah sa kanyang kamay na nakahawak sa railing ng hagdan.
"Sergie..."
"Ano?!"
"Ah... eh... Wala, sige magpahinga ka na..." agad na binawi ni Sarah ang nakapatong nyang kamay sa kamay ni Serg at nawala kaagad ang ngiti at sayang nararamdaman ni Sarah nang makita nya ang mukha nito na nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata, isama na rin ang taas ng tono ng pagsasalita nito.
Nang makaakyat na si Serg at nang masiguro na ni Sarah na nakapasok na ito sa kanilang kwarto ay bumalik sya sa kusina kung saan nandoon sa lamesa ang mga nakahaing pagkain na sya pa mismo ang nagluto, at pati na rin ang cake na sya na rin mismo ang nagbake para kay Serge.
"Sayang naman tong surprise ko... Di man lang nya nakita..." nagpakawala si Sarah ng isang malalim na buntong hininga. "Wala, talo ka Sarah. Ikaw ang unang bumigay kaya magtiis ka..." iniligpit na lamang ni Sarah ang mga pagkaing inihanda nya para sana sa surprise birthday dinner ni Serg
"Hindi man lang nya na-blow yung candle." napatitig na
lamang sya sa paboritong chocolate cake ni Serg habang ang kandila nito ay tuluyan nang nalusaw.
"Sana mahalin mo rin ako..." at tuluyan nang pinatay ni Sarah ang apoy sa natitirang lusaw na kandila sa ibabaw ng chocolate round cake na pinagpaguran nyang ibake dahil sa ito ang cake na palaging nirerequest sakanya ni Serg na ibake.
"Kasi ako, mahal na kita."
BINABASA MO ANG
Mr.Conservative meets Ms.Carefree
RomanceYung lalakeng mas dinaig pa ang babae sa pagiging Maria Clara dahil sa sobrang conservative... at Yung babaeng mas malala pa sa lalaking happy-go-lucky... Yung tipong GGSS.Go lang ng Go, Sabak lang ng sabak... Hanep lang di ba?