LAS VEGAS
NAKATINGIN sa lake ng Sunset Park si Charity habang inaabangan si Cash na makipagtagpo sa kanya para sabay na asikasuhin ang divorce nila. Sinabihan niya itong doon na lamang sila magkita. Isa sa mga prominent features ng Sunset Park ang lake at madali rin iyong makita kaysa sa ilang landmarks sa loob ng Park dahil iyon ang pinaka-main attraction doon. Maraming tao ang nagpupunta doon pero kung marami sa mga ito ang nakakaramdam ng saya dahil maganda ang lugar, siya naman ay taliwas sa saya ang isinisigaw ng puso.
Ilang araw na ang nakalilipas simula nang sabihin niya ang balak kay Cash. Bukod sa pagtawag niya dito upang sabihin ang ilang impormasyon kung ano ang gagawin nila para sa divorce ay wala na sila pang ibang naging means of communication. Hindi na ito muling nagpakita pa ng personal sa kanya pagkatapos ng pag-uusap nila sa kuwarto. Tanging sa text o tawag na lamang niya ito nakakausap.
Mahirap para sa kanya ang desisyon na iyon pero kailangan niyang gawin. Mahal niya si Cash pero hindi niya kakayanin na mabuhay ng kagaya ng nangyari sa kanyang ina. Kaya naman ginagawa na niya ang tamang paraan upang iwasan na masaktan pa siya lalo nito, at iyon nga ay ang putulin ang kaugnayan nilang dalawa. Mga ilang araw o linggo simula ngayon, babalik na muli sa Charity Aragon ang pangalan niya. Wala ng tatawag sa kanya ng Mrs. Cash Torres.
Huminga siya nang malalim at pilit na pinagaan ang loob niya. Ayaw na niyang mag-isip pa dahil lalo lamang siyang masasaktan. Siya rin naman ang may gusto nito 'di ba? Hindi siya nag-take ng risk kay Cash dahil natatakot siya sa nararamdaman na niyang isasagot nito. Pero takot rin naman siyang mawala ito sa buhay niya. Natatawa siya sa sarili niya ngayon. Hindi lang pala siya in denial, duwag rin siya. Napaka-lame ng personality niya. Ang hina-hina niya.
Pumikit siya habang pilit na inaalis ang mga memories nilang dalawa ni Cash sa isip niya. Minsan naiisip niyang sana ay nagka-retograde amnesia na lamang siya at mabura lahat ng parte ng mga memoryang kasama niya ito. Nang sa ganoon ay hindi na siya dumaan pa sa process ng moving on.
Nasa ganoon siyang katayuan nang maramdaman niya ang pamilyar na presensiya ng lalaking iniisip niya kanina pa. Nagmulat siya ng mga mata at nakitang nasa harapan na niya ito. Nais niyang mapasinghap dahil sa nakita niya lalo na at mukhang gumwapo ito sa suot nitong sweater. Magwi-winter na sa Vegas kaya naman malamig na ang panahon doon. Napansin niyang bukod sa nakasuot ito ng mittens, may hawak na naman itong chocolate na ibibigay sa kanya.
"Para sa 'yo,"
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit mo na naman ako binibigyan niyan?"
Ngumisi ito. Naging gelatine na naman ang tuhod niya nang dahil doon. Why the hell this man was became so devishly handsome everytime he grins or smiles? "Kasi gusto kitang maka-date,"
"Ano 'yan, date papunta sa law office?"
"Hindi, ah. Date sa isang romantic place. I want a romantic date. But you know naman na in Vegas, more "in lust" ang ibig sabihin ng romantic dito. Kaya ano'ng gusto mo? Lipat tayo ng Paris where many people consider as the most romantic place in the world?" sabi nito saka may inilabas na plane ticket mula sa bulsa nito.
Kumunot ang noo niya. "Cash, niloloko mo na naman ba ako?"
"I know I've been a naughty guy, Charity. But this time, I'm serious. I-postpone muna natin ang divorce na gusto mong i-file. I want to have you as my date. A romantic date."
"And leave me after you get me just like what you always did to your girls?"
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong you are the most important girl in my life. So anong pumasok sa isip mo na igagaya kita sa mga babaeng iyon?"
"Maloko kang tao kaya bakit naman ako maniniwala sa 'yo?"
Hinawakan nito ang pisngi niya. And automatically turned to red when he did that. Parang may apoy ang mga kamay nitong nagpakalat ng init sa mga iyon. "I love you, Charity. And I will never let you go,"
BINABASA MO ANG
The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED)
RomansKakikilala pa lang ni Charity kay Cash ay sinabi agad niya rito na pera ang problema niya. Tinulungan naman siya ni Cash. Ang kapalit niyon ay magpapakasal sila para makuha na ni Cash ang nais nito mula sa tiyahin nito. It was a marriage of convenie...