Bed Scene

13.6K 285 2
                                    

PAKIRAMDAM ni Charity ay para siyang binubulate habang nakahiga sa kama. Hindi kasi siya mapakali. Thinking that Cash is on the other side of the bed makes her feels so uneasy. Paano ba naman kasi ay ito ang pinakaunang beses niyang magkaroon ng katabing lalaki sa kama. At kahit na ba asawa niya pa ito ay natatakot siyang baka mamaya ay gapangin siya nito. Mahilig pa naman si Cash sa babae at baka mamaya kahit na ba binalutan na niya ng pinakamalaki at mahabang damit ang buong katawan niya ay hindi pa rin ito makatiis at bigla na lamang siyang sungkaban. Paranoid na kung paranoid pero pumapasok talaga sa isip niya iyon lalo na at ramdam na ramdam niyang mukhang hindi rin mapakali kagaya niya dahil ilang beses na itong pabiling-biling sa kama.

Mag-iisang oras na silang nakahiga sa kama pero hindi pa rin siya makatulog. Dapat ay mabilis na nga siyang makatulog dahil pagod at puyat siya nang nagdaang araw pero ayon pa rin siya, nganga habang tila kinakain ng kaba na may kaunting excitement ang puso niya kahit halos isang dipa na ang layo ni Cash sa kanya.

Nang maramdaman niyang gumalaw na naman ito ay bumangon siya. Kailangan niyang paalisin ito doon dahil mukhang hindi yata talaga siya makakatulog hanggang nandoon ito.

"Doon ka na sa couch. Ang likot mo. Hindi ako makatulog,"

Humarap ito sa kanya. "'Di ba't sinabi ko na sa 'yo na baka mahuli tayo ni Tita? Pumapasok iyon basta-basta na lang sa may kuwarto nang may kuwarto. Kaya naman siguradong magtataka iyon kung sakaling hindi tayo magkatabi sa kama kapag binisita niya tayo,"

"Uggh!" nabibwisit na sabi niya. "Hindi ko ma-take na katabi ka,"

Tumaas ang isang kilay nito at bumangon. "At bakit naman, ha? Feeling mo naman, re-rape-in kita? Kasal tayo kaya naman I have every—"

"Right! Pero sa pangalan lang iyon. Naiilang ako na katabi ka dahil bukod sa ang likot-likot mo ay..." napabuntong-hininga siya dahil hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil wala na siyang maisip na sasabihin pa. "Basta sa couch ka na!"

Pero sa halip na umalis ito ay lumapit pa ito sa kanya. Muntik na siyang mahulog sa kama dahil napaurong siya. "The heck, Cash layuan mo nga ako!"

Ngumisi ito. And damn it! Pakiramdam niya ay uminit yata ang paligid kahit fully-air conditioned naman ang kuwarto nila dahil lamang sa ngising iyon. It was so sexy at mas masarap pa yatang pagnasaan iyon kaysa sa fully muscled na katawan nito.

God, dahil sa pagsama ko sa manyak na playboy na ito, nagiging manyak na rin yata ang utak ko!

"Siguro kaya hindi ka makatulog ay gusto mo lang kayakap ako!"

"Hah! Baka nga ikaw,"

"Well, you got it right, Babe. Kaya puwede bang payakap?"

"Gusto mong pumunta sa Mars?" sabi niya saka inumbang ang kamay palapit dito.

Natatawang itinaas nito ang kamay. "Amazona ka talaga 'no? Paano kaya tayo magkakaanak niyan kung yakap man lang ay hindi mo ako mapagbigyan?"

"Magkakaanak your face! Lumayo ka na sa akin---"

Pero pinutol naman nito ang sasabihin niya nang bigla-bigla na lamang nitong hapitin ang baywang niya palapit dito. Pakiramdam niya ay nahigit niya ang hininga lalo na at muntik ng bumangga ang mukha niya sa matitipunong dibdib nito. Kung kanina ay lumalanghap-langhap lang siya ng amoy nito sa kama, ngayon ay halos isuksok na hanggang sa dulo ng ilong niya ang amoy niyon. She could feel him more now than the way she feels him a while ago. And another damn! She still feels couldn't help but admit that the feeling is so outraging her heart almost ripped out of her chest.

At yakap lang ito, ha. Paano pa kaya kung...?

Inalis niya sa isip ang naiisip. Bakit ba ganoon na lamang ang nararamdaman niya ngayong magkalapit sila ni Cash? Bakit lumalakas ang tibok ng puso niya? Bakit may nararamdaman siyang kakaiba? Samantalang kapag ginagawa iyon ni Angelo sa kanya, parang ordinaryo at yakap lamang ang ng kaibigan ang nararamdaman niya. Pero ang yakap ni Cash...parang may kiliti at kuryenteng pumapasok sa katawan niya.

Hindi siya nakapagprotesta dahil sa ginawa nito kaya naman nagulat siya nang bigla-bigla na lamang itong kumalas ng yakap sa kanya at lumayo. Sa isang hindi maipaliwanag na kadahilanan, pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya dahil sa nangyari. Bakit ito umalis? Ayaw ba nitong kayakap siya? Mabaho ba siya kaya kumalas ito mula sa yakap nito sa kanya? Nag-shower naman siya bago matulog at ginamit pa nga niya ang pinakamabangong shower gel niya kaya bakit naman naging ganoon na lamang ito?

Tumikhim ito. "I'm sorry,"

Hindi niya mapigilang makapagtanong tuloy. "B-bakit?"

"I-I shouldn't have did that. I was shock and---"

"What?"

Umiling ito. "Basta, hindi na kita muling yayakapin,"

"Bakit nga?"

"Kasi nagiging bampira ako,"

Lalo siyang naguluhan sa sinabi nito. Nagiging bampira? Ano ba siya, isang agimat na kapag hinawakan ay nagpapa-iba ng anyo? "Hindi kita maintindihan,"

Tumayo ito ng kama. "I think I need a cold shower right now. Naging bampira ako ng niyakap kita. Nanigas na rin ako kagaya nila," tumingin ito sa maselang bahagi ng katawan nito at doon niya napagtanto kung ano ang tinutukoy nito.

Para siyang pinutakte ng mga bubuyog sa mukha dahil sa pula. Nanlaki rin ang mga mata niya dahil sa kamunduhang inilantad na lamang nito sa kanya. Her mind is too innocent to see that kind of...uggh! Napakabastos at manyak talaga ng babaero na iyon!

Itinaklob niya sa ulo niya ang kumot na ginagamit niya kanina at pilit na binalewala na lamang ang nangyari. Pero sa halip na balewalain, iyon at patuloy pa rin sa pagpe-play sa utak niya ang nangyari. Ang yakapan pati na rin ang....nevermind! Hanggang makabalik ito ay hindi na siya umalis sa puwesto at kinausap ito. Hindi na rin naman ito naglilikot pa sa kama pagkatapos. Naramdaman niyang mahimbing na natutulog na ito. Samantalang siya, iyon at pinahihirapan pa rin ng bangungot na pinaramdam at pinakita nito sa kanya.

The Playboy Millionaires 1: In Love With Cash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon