Chapter One

3.1K 29 4
                                    

Halos madapa ako kakapulupot ng stiletto laces sa binti ko. It was my mom's gift for me. Ang sabi niya ay ito raw ang gusto niyang suotin ko sa oath taking ko. I just passed my medical board exam pero pakiramdam ko ay napaka-shunga ko parin dahil hindi ko man lang maitamang suotin ang sapatos ko. Effort din talaga.

"Anak, you look like a slut." Hindi makapaniwalang sabi ni Papang sa akin na tila nasusuya pa itong makita ako nang sa wakas ay natapos na rin akong magsapatos at bumaba na. Wala na siyang ibang nasabi at napangangana lang ako. Nagkandapawis na ang kili-kili ko pero hindi iyon naisip ni Papang bagkos binatikos pa talaga niya ang itsura ko.

I was about to go upstairs to change my clothes again but my mother stopped me. She said I looked just fine and there's nothing wrong with what I'm wearing. Nanlilisik na tingin lang ang ibinigay niya kay Papang. Hindi pa siya nakuntento at siniko pa niya ito sa sikmura.

"Do I really look like a slut?" Alanganing tanong ko sa mga magulang ko. My brother, Bent just scoffed but didn't say a word. Twelve years old na siya pero lagi parin siyang nakadikit kay Mamang. Si Alfa naman, ang kakambal ni Bent ay walang pakialam na nasa loob lang ng sasakyan at ang mukha naman niya ang kanyang ginugutingting sa harap ng salamin na palagi niyang dala-dala . Ganoon naman talaga sila noon pa man.

"Hindi naman. It was more like an escort looking get up." Papang tried sugar coat what he said earlier but that makes everything even worse. Muli ay nakatikim siya ng siko mula kay Mamang.

"Anak, huwag kang makinig diyan kay Bartholomew. Inggit lang yan kasi may naaalala 'yan kapag nakakakita ng tali. Dala ng trauma 'yan." Sabi sa akin ni Mamang.

Kung bata-bata pa siguro ako ay baka hindi ako magka-idea sa kung ano man ang ibig sabihin niya. I mean, my parents sexcapades wasn't that much of a secret. Ang ingay kaya nila palagi.

Hanggang sa tumanda akong nasasanay na lang sa tuwing maririnig ko ang kanilang pagra-'rakenrol'. Natutunan ko ring ikalma ang sikmura ko sa tuwing naririnig ko sila.

Ilang headphones at speakers na ba ang nabili ko sa paglipas ng panahon? Ang akala nga ng mga kaibigan ko ay may balak akong magtinda ng mga iyon sa dami. Hindi ko lang masabi sa kanila ang mga nakakabahalang ingay na ginagawa nila Mamang sa tuwing nagkukulong sila nila Papang sa kwarto nila.

Hindi ko lang magawang punahin sila pagkat nakakahiya man, ang ginagawa nila sa tuwi na, dahil sa 'rakenrol' na 'yan ay nabuo ako at ang mga kapatid ko. Iyon nga lang ay hindi ko rin magawang maging proud sa bagay na iyon.

I ran towards tita Steffi when I saw her in the hospital auditorium. She was very supportive of me ever since I can remember. She was friends with Paps kahit na madalas niyang minumura ito. And she was my favorite aunt apart from tita Lilian of course.

Nilayakap ko siya nang mahigpit. Ewan ko pero nang makita ko siya ay parang bigla ko na kang naramdaman na totoo na pala talaga ang lahat. Na nandito na ako at manunumpa bilang bagong doktor.

She was the first person I told about entering med school. Si Papang kasi ay tinawanan lang ako at sinabing gusto ko lang daw na palaging makakita ng hubad na katawan ng lalaki kaya gusto kong mag medisina. I told tita Steffi about that at nakatikim siya ng mula rito ng malutong na mura.

"Hoy putangina ka talagang Diether ka ah! Ano nanamang sinabi mo dito kay baby girl at naiiyak nanaman?! Palagi mo talagang pinaiiyak 'tong pamangkin ko, ano?!" Galit na galit na dinuro-duro ni tita si Paps at si Mamang naman ay kampi sa ginawa ni Tita bagaman wala itong sinasabi.

"Tita, Papang told me I looked like a slut." Sumbong ko at nanlalaki ang mata niyang hinarap si Papa.

"Eh, tignan mo nga 'yang suot ng batang 'yan. Sapatos ba ng matinong doktor 'yang ganyan." Turo ni Papang sa sapatos kong nananahimik. Mukhang matindi talaga ang issue niya sa lace ng sapatos ko.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon