Chapter Seven

1.2K 15 0
                                    

Kahit gusto kong dumilat ay hindi ko magawa. Dala ng halik na gawad sa akin ni Tim, parang bumubigat ang mga mata ko at tila mas gusto ko na lamang damhin ang bawat hagod ng labi niya kesa isipin kung ano ba talaga ang nangyayari. I felt ticklish but in a sensational way. I felt hot in an instant. I couldn't help myself but to moan his name out.

Damang-dama ko na sana ang lahat nang bigla siyang huminto. At pinakanakakainis pa ay hinabol ko pa ang labi niya na tila bitin na bitin ako sa namagitang halik sa amin. Impakto siya!

"I'm sorry. I shouldn't have kissed you... Again." Umiwas ako ng tingin at baka masapak ko na talaga siya. Sa totoo lang ay samu't-saring mga bagay ang pumapasok sa isip ko dahil sa nangyari.

I was confused. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kabila ng katotohanang alam ko naman kung ano talaga siya? I shook my head, ngunit tila walang silbi bagkos ay nahilo lamang ako. What was Tim doing to me? Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin.

"Umiiwas ka na naman. Kausapin mo na ako, please?" Malumanay ang tinig ni Tim. Parang gusto kong magalit sa kanya at singhalan siya. Ano bang talagang balak niya? Ang paniwalain ako nang tuluyan sa mga kasinungalingan niya?

"Please, Tim, paulit-paulit lang tayo. Kino-confuse mo ako sa mga ginagawa mo!" Sabi ko sa kanya. Mukhang ikinagulat niya ang sinabi ko. Ang akala niya siguro ay hindi ko alam ang tungkol sa 'secret' identity niya.

"Kino-confuse? Saan?"

"Sa mga ginagawa mo! You just kissed me, again!"

"Anong masama doon? Ang sabi ko naman sa'yo, di'ba, kung gusto mo, totohanin na lang natin ang lahat. Na mag-date tayo. And then, you reacted like that. Na-confine ka tuloy. Ang arte mo kasi! If you don't want my idea, then fine! You could've just said it hindi yung ganito. Ang gulo mong kausap!"

"Ikaw ang magulo! Ang akala mo ba hindi ko alam? You wanted me to be your cover girl. Ha! Para saan? Ang hindi ko pa maintindihan ay bakit ako pa? Sa dinami-dami ng iba diyan, ako pa na best friend mo ang gusto mong ipangtakip diyan sa kabaklaan mo!" He was taken aback with what I've said. Napaatras pa. OA din talaga. Hindi niya siguro inaasahan makakakuha siya sa akin ng ganoon.

Maya-maya ay tumawa siya nang malakas. Tila naka-droga at high ito sa tunog ng halakhak na pinakakawalan. May pahawak-hawak pa sa tiyan na pawang sumasakit na sa labis na pagtawa. Baliw na bakla.

"You're one ridiculous woman, Rj. Saan mo naman nakuha iyon?"

"'Wag ka nang mag-deny. Nililito mo lang ako lalo. Puwede mo namang sabihin sa akin eh. Huwag mo lang akong paglaruan nang ganito." Sagot ko. To be honest, I was too exhausted to play mind games with him anymore. Sumeryoso ang itsura niya at kunot na kunot ang noo.

"Wait, you're actually serious right now? Ang akala mo talaga bakla ako? Me, gay?" Hindi na lang ako umimik. Tumabi siya sa akin.

"All those ridiculous face you were giving me before, was because you thought I was gay?" Pagpapatuloy pa niya.

"Tim, please, huwag ka ng magmaang-maangan pa. Sukol ka na."

"Hindi nga ako bakla! Gusto mo, anakan pa kita diyan ngayon eh!" Sinapo ko siya sa mukha ngunit hindi parin ako naniniwala sa sinasabi niya.

"Kahit gusto kong maniwala sa'yo, hindi ko alam kung paano mo napapatunayang hindi ka kabilang sa aming mga Eba." Napabuntong hininga ako. Tama siya, paano nga ba?

"I could kiss you all day."

"You just did. A couple of times already. But that doesn't prove that you really are a man. Mahirap na, lalo na sa panahon ngayon. I must admit though, you almost have fooled me because of that." Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung anong dahilan pa ang susubukan niya mapaniwala lang ako.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon