Chapter Ten (Final Chapter)

2.2K 39 6
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin ako mapakaniwala. Hawak-hawak ang aking tiyan habang naiisip parin kung ano ang nangyari kanina. I almost died. Literally.

No, Tito Bart didn't try to kill me but he gave me one hell of a punch in my guts. Hindi iyon ganoon kalakas ngunit sapat upang mapaluhod ako sa sahig. He said that that was for me stealing his daughter from him.

Hindi ko siya masisisi. Siguro lahat ng ama ay ganoon ang mararamdaman sakaling may magalok ng kasal sa anak nitong babae, kahit sino pa ang lalaking iyon.

Ang sakit parin ng suntok niya sa sikmura ko kanina ngunit hindi ko naiwasang matawa. Sakay ng taxi papauwi, parang baliw akong tawa nang tawa. I couldn't believe I just won the battle.

Tinitingnan ko palang ang singsing na ibinigay sa akin ni Tito Bart kanina pagkatapos niya akong suntukin ay daig pang nanalo ako sa lottery sa labis na kaligayahang nadama ko. Sa huli ay tinanggap rin ako ni Tito Bart at sinabing babalatan ako ng buhay sakaling saktan ko raw ang anak niya. Of course, I would never dream of doing that. Mahirap na.

Pagbalik ko bahay ay nadatnan ko si Rj, mahimbing paring natutulog. Kasalanan rin kasi niya kung bakit siya sobrang napagod siya kinagabahihan. Hindi kasi niya ako tinantanan.

I kissed her on the cheek. Dahil doon at nagising na siya at napamulat ng mata. She smiled at me. I still couldn't believe that this woman lying beside me will soon going to be my wife.

I WAS SWEATING like a pig. Pati ang mga palad ko ay nagpapawis din. Everyone was in here, si Rj na lamang ang inaantay.

"Pumirmi ka nga diyan. Mamaya-maya lang, darating na rin 'yon." Sabi sa akin Tito Bart na pinunasan pa ang noo kong nagpapawis nang malagkit. Hindi ko naman mapigilan. Kabadong-kabado ako.

"Tito, kinakabahan po ako. Ganito po ba talaga 'to?"

"Well to be honest, ibang-iba kasi ang sitwasyon mo sa sitwasyon ko noon. Nauna pa kasing mabuo 'yang si Rj bago ako nagdesisyong pakasalan 'yang si Rian. Ang arte pa nga niyang Mamang mong, 'kala mo ang tisay. Parang siya pa ang napilatang magpaksal sa akin noon." Kuwento pa ni Tito. Kahit sobrang kabado ay hindi ko napigilang matawa.

"Ma, gutom na 'ko." Biglang reklamo ni Tonton. Hawak-hawak pa ang tiyan nito.

"Wait lang anak, darating narin ang Ate Rj mo." Sabi naman ni Tita Rian dito. Tumango lang ang bata sa ina nito.

Mas lalo akong hindi mapakali habang tumatagal. It was eight forty-five in the evening. I already texted Rj. Ang sabi lang nito fifteen minutes ago na siyang nakaalis mula sa ospital. Medyo naipit lang siya sa traffic sa Edsa.

Ramdam ko ang pagbubutil ng pawis ko. Agad kong pinunasan iyon at sandaling tiningnan ang aking repleksyon sa salamin. Agad rin akong bumalik sa aking puwesto kung saan ako nagiintay kanina.

Nataranta ang lahat nang tumunog ang door knob ng pinto. I knew that Rj was already there. Agad pinatay ni Tito Bart ang ilaw at sinindihan naman ni Tita Rian ang mga kandila.

Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto. That was the intention why I gave her a spare key of the house that earlier that morning.

"Hello. Will you marry me?" Napanganga siga sa bungad ko sa kanya. Alam ko, that was the lamest proposal in history. Anong magagawa ko? Kung hindi ko pa iyon sinabi ay baka tuluyan ko nang malunok ang dila ko.

Tumakbo patungo sa akin si Rj, halos ihagis pa nito ang sarili. Mabuti na lamang at maagap ako at nasalo ko siya. She kissed me ferociously as if her parents wasn't there.

Narinig kong tumikhim si Tito Bart at agad kong ibinaba si Rj. Si Tita Rian naman ay tinakpan ang mga mata ng bunso niyang lalaki.

"Is that a yes?" Baling kong muli kay Rj. Nangingilid na ang luhang tumango siya sa akin.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon