Masaya akong nakapag-usap kami ni Kevin. Bumalik siya ngayong araw para dalawing muli ako. I was really happy. Ganoon lang at masasabi kong wala na talaga akong nararamdamang sama ng loob sa kanya dahil sa nangyari noon. In fact, I felt kind of relieved in some way. Siguro dahil hindi naman ako sanay ng may kasamaan ng loob.
Kevin and I were friends again. Walang naman akong nakikitang masama dahil bago pa man kami naging kami ay talagang magkaibigan naman kami noon. Iyon lang ay parang gusto na naman nitong humirit at makipagbalikan sa akin. I didn't wanna sound arrogantly presumptuous but, I knew those kind of moves he was making when he was with me earlier.
Maaaring hindi na ako galit sa ginawa niya sa akin pero hindi ibig sabihin noon ay hahayaan kong muli siyang pumasok sa buhay ko sa paraang gusto niya. Ano ako, timang? Hindi pa ako nababaliw para gawin iyon.
Hindi ko rin naman siya masisisi. Iba talaga ang alindog na dala ng kulot sa dulo ng bawat hibla ng buhok ko. Marahil ay nabighani na naman siya sa kagandahan ko. I mean, can anyone blame the man for trying some of his atrocious cheesy pick up lines on me again?
Agad ko naman siyang sinupalpal at sinabing wala akong panahon sa mga ganoon niya. Tumawa lang ang loko na parang nagbibiro ako tungkol sa bagay na iyon. In the end, wala narin siyang nagawa at sumuko. Tumayo na siya nagpaalam na aalis.
My parents entered my room and Papang just eyed Kevin as if he was killing him in his mind in twenty different scenarios. Kitang-kita ang pagtitimpi nitong huwag saktan ang ex boyfriend ko. Nagpaalam sa mga ito si Kevin at tuluyan na ngang umalis. Ngitngit na ngitngit ang itsura ni Papang.
"Anak, bakit mo pa kinausap ang isang iyon? Baka lalo kang magkasakit niyan. I'm calling the doctor now. Baka mamaya kung anong sakit na ang dinala sayo noon." Sabi ni Papang. He was exaggerating again. Agad siyang pinigilan ni Mamang nang magtangka nga itong magtawag ng ibang doktor. Mang-aabala pa talaga siya dahil lang sa pago-overeact niya.
"Bartholomew, ako wala pang tulog, lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa ginagawa mo. Manahimik ka na diyan." Nanlalaki ang matang tiningnan lang ni Mamang si Papang. Wala itong nagawa kundi manahimik na nga.
Siguro ay napapagod na nga si Mamang. Hindi birong mag-bantay sa akin ng mahigit dalawampu't apat na oras. Mabuti na lamang ay dumating sina tito Sam at tita Lily kanina at sa kanila muna pinasama ng mga magulang ko ang mga kapatid ko pagkat walang kasama ang mga ito sa bahay.
"Anak, ayos ka lang ba? Huwag kang mag-alala, ako ang bahala. Hindi ako papayag na bigyan ka ng kahihiyan nitong ama mong walang magawa." Hinaplos ni Mamang ang buhok ko. She looked fresh even though I knew it myself that she didn't get a proper rest since yesterday. She seemed relieved seeing me though. Doon ko naramdamang mahal na mahal ako ng Mamang ko.
Napabuga ako, pinipigilang maluha. Bakit ngayon ko lang nakikita ang mga ganitong traits ni Mamang? Not that she was an inconsiderate mother. Lamang ay ibang-iba lang ang pagkakakilala ko sa kanya. Astigin kasi siya bilang ina. Hindi ko ito kailanman nakitaan ng kahinaan.
Miske noong bata ako at may bagay na hindi kami pinagkaintidihan at inakala kong pinagtaksilan niya si Papang ay hindi siya natinag sa mga kamalditahang ginawa ko. She disciplined me the way mothers should disciplined her children. Of course, madalas ay iniintindi niya ang tantrums ko noon pero hindi niya ako hinayaang sagut-sagutin siya sa paraang nakakabastos na. She has the best characteristics when it comes to being a mother. Tough on the outside but very kind hearted on the inside.
Sana balang araw ay maging katulad niya ako bilang isang magulang. I just realized, why did I ever hate being called her junior when honestly saying, I should be proud that people see me as a younger version of Rian Wallace. Rj wasn't really that bad at all. Kung siguro babaguhin ang pangalan ko sa birth certificate ngayon ay baka ako pa mismo ang pumirma para maging Rian Jr. na talaga ako.