Chapter Two

2.1K 22 0
                                    

God! Kahit anong pagpapa-cute at pagpapaawa ako kay Rj ay hindi parin niya ako pinapansin. Alam kong nagtatampo siya sa akin pero ilang araw na ba simula nang huli niya na akong kinausap? At nung huli ay akala handa na niya akong pakinggan sa paliwanag ko ngunit pagbukas ko ng computer ko ay isang picture lang isinend niya sa akin. It was her fuck you-ing me.

Inis na inis siya sa akin. Hindi ko naman kasalanang nagaway sila ni tito Bart nang araw na iyon. Ang sinabi ko lang naman ay pakinggan niya ang ama niya pagkat alam ko namang hindi nito nanaising masaktan siya kahit anong mangyari ngunit matigas ang ulo ni Rj at inunang magwala. I know her. Alam kong nagwala rin siya tapos naming magusap na dalawa.

Batid kong hindi boto si tito Bart sa boyfriend ni RJ at ganoon din ako. Hindi ko maipaliwanag ngunit hindi ko gusto ang tabas ng pagmumukha ng lalaking iyon. Kumbaga sa laruan, may factory defect. Isang entity na tinatawag nilang 'Kev'. Basta, tinitingan ko pa lang ang itsura noon sa litrato, mukhang wala ng gagawing matino. Sumakit din ang mata ko.  Feeling ko nga magkaka-sore eyes pa ako dahil sa kanya.

Kung sana ay pinakinggan muna ako ni Rj bago minura... May sorpresa pa naman ako para sa kanya. Ngunit mukhang hindi ko na maibibigay iyon dahil nga ayaw niya akong kausapin. Ang arte niya.

For the nth I tried calling her that night but she didn't answer. That's when I stood up and finally decided to go back in the Philippines. Agad-agad ay nagpa-book ako ng ticket ng pinakamaagang flight. I promised myself that whatever happens, I will talk to Rj whether she likes it or not. Kung kinakailangan ko siyang puwersahin ay gagawin ko. Sobra na ang kaatehan niya kaya dapat ay matigil na ito.

I quickly packed my back and went to the airport. Hindi na ako nagabalang magpaalam pa sa magulang ko pagkat alam kong sa sarili kong walang sino man sa kanila ang may pakialam sa akin as long as humihinga pa ako.

When I was younger, me and my siblings together with the whole family migrated here in Australia. Masyadong naging hayok sa pagtatrabaho ang mga magulang ko dito kaya dito na nila napagpasyahang tumira na lang. Natatawa akong nabubwisit sa tuwing iniisip ko ang mga naisakripisyo namin tumira lang dito.

My parents separated five years after we migrated here. Ang saya lang. Ang sabi kasi nila noon kaya kami lumipat dito ay para mas maging maganda ang 'kinabukasan' ng buong pamilya. Napapailing na lang ako kapag naaalala ko iyon. May ganoong pa silang nalalaman, hindi din naman natagal, naghiwalay din sila.

Medyo napamahal pa ako ng pamasahe dahil sa karaartehan ni Rj. Kung sana lang ay sinasagot niya ang mga tawag ko ay hindi sana ako magagastusan ng ganito. Hindi rin ako magpapakapagod na magpunta pa ng Pilipinas. Baka kasi makita pa doon yung kaklaseng pinagkakautangan ko noon ng limang piso na ipinambili ko ng 'fetus' para birthday ni Rj noon.

Relax. Wala akong lahing aborsyonista. Hindi rin kumakain ng bata si Rj. Iyon lang talaga ang tawag sa laruan noon na nakalagay sa maliit na garapon na mistulang uhog na may iba't-ibang kulay. Masayang-masaya noon si Rj sa tuwing pinaglalaruan niya iyon.

I just missed my Bernadette. Dati kasi ay ako lang ang tumatawag sa kanyang ng ganoon. Now that Bernadette has that so called 'Kev' in her life, suddenly I felt kind of insecure and has no right to call her like that anymore. Parang mas tamang 'Rj' na lamang ang itawag ko sa kanya bilang iyon naman talaga ang tawag sa kanya ng marami. Sana lang ay huwag na siyang maginarte pa kapag nagkita na kaming dalawa.

LULAN NA AKO ng eroplano nang maalala kong dapat ay madadala pala ako ng mga pasalubong na tsokolate para sa mga kapatid ni Rj. Nasapo ko ang noo ko pagkat talagang nakalimutan ko ang bagay na iyon. Kung sabagay, brief nga ay wala rin akong dala. Hindi bale. Ibibili ko nalang sila ng choco-peanut bar yung 'XP' para malaki.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon