Chapter Eight

1.2K 17 0
                                    

Baka nga tama si Timothy, na hinala ko lang ang lahat. That he was never gay at all. Siguro nga ay malaki ang pagdududa ko sa kanya at wala siyang kongkretong ebidensiya magpapatunay na hindi siya ganoon. So what? ganoon din naman ako. Wala akong kongkretong ebidensiya na magsasabing ganoon nga talaga siya.

Nagsimula lang naman ang lahat ng pagdududa ko nang minsang tulungan niya ako noon at ipa-make-over sa mga kaibigan niyang binabae dahil nga sa naturingang broken hearted ako at mukhang bruha noong araw na iyon. But it didn't mean na ganoon din siya.

Hindi ko akalaing masasayahan ako nang labis na kasama siya, and of all the places, sa Luneta pa! Well, it was a hush- hush moment. Hindi naman namin pinlanong dalawa na magpunta doon. And surprisingly, it went out pretty well. Magpahanggang ngayon ay may kung anong kilig ang hatid sa akin niyon.

The door bell rang and I immediately ran downstairs. Kamuntikan ko pa ngang mabangga si Mamang pababa. Ako na ang nagbukas ng pintuan. I was disappointed to see tita Steffi was the one outside the door. Hindi naman sa hindi ako natutuwang makita siyang naroon, may iba lang talaga akong inaasahang bisita.

"Ano na, baby girl? Aren't you gonna give me a hug?" Napilitan akong yakapin siya at inayang pumasok na sa loob. Hindi ko maiwasang tumungin sa labas bago ko tuluyang isara ang pinto. Umaasang pupunta siya ngayon.

Nag-akap at nagbeso si Mamang at si tita. Ang mga kapatid ko naman ay tila nakarinig ng pagkain at dumadagundong na bumaba ang mga ito nang marinig ang pangalan ni tita. Hindi ko naman sila masisisi, siya kasi ang paborito naming 'tiyahin' bukod kay Tita Lily.

"Nasaan si Diether?" Tanong ni tita Steffi maya-maya, hinahanap si Papang.

"Sinamahan si Tonton sa school. Tinawag na stupid ang teacher." Sabi ni Mamang dahilan para mapahalakhak si tita.

"Grabe talaga 'yang bunso mong lalaki. Napaka talaga ng bibig. Kung saan ba naman nagmana." Sabi ni Tita, umiling-iling oa.

"Gaga, sa'yo ko siya pinaglihi di'ba?" Nagkatawanan na naman si Mamang at si tita. Ako naman ay hindi magawang makisali sa kasayahan nila. I was about to go to my room when Tita Steffi called me.

"Anak, ayos ka lang? Parang wala ka yata sa mood?" Nagaalalang tanong nito sa akin.

"Ayos lang ako Tita. Hindi lang po maganda ang pakiramdam ko.

Tila biglang gumaan naman ang pakiramdam ko nang muling tumunog ang door bell. Agad kong pinuntahan iyon. Napangiti ako dahil hindi na iyon false hope. Naroroon na si Tim.

Ginawa ko ang lahat upang hindi ipakita ang pagkasabik kong naroroon na siya. Instead, I gave him a resting bitch face. Ayokong isipin niya na excited akong makita at makasama siya.

"And who's this guy over here?" Biglang tanong ni Tita Steffi na dinaig pa si Bing Loyzada sa pagtaas ng kilay.

"Hello po Tita, kamusta? Parang hindi po kayo tumanda ah!" Bati naman ni Tim, tila nabigla nang makita doon si Tita Steffi. Ilang taon narin kasing hindi sila nagkikita kaya marahil ay hindi ito makilala ni Tita.

"Ulol, hindi kita pamangkin!" Nanlilisik na tiningnan lang ni Tita si Tim na tila may ginawa itong masama dito.

"Steff, si Timothy 'yan. Hindi mo ba siya nakikilala?" Sabat naman ni Mamang na lumabas mula sa kusina. Siguro ay narinig nito ang walang pakundanangang bunganga ni Tita kaya ito biglang napasaklolo.

Sa isang banda ay tila umamo ang istura ni Tita dahil sa sinabi ni Mamang. Napangiti rin ito kay Tim na parang hindi niya ito minura kani-kanina lang. Hinawakan niya ito sa braso at inaya pumasok paloob ng bahay. Mag-best friend nga talaga sila ni Papang, ang lakas ng krung-krung nila sa utak.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon