Magkahalong pagkabighani at pagkakati ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. I was wearing a lingerie I just bought in the store yesterday. Sadyang makati sa pakiramdam suotin ang kapiranggot na saplot. It was my surprise fro my boyfriend.
Sa wakas, nakapagpasya na akong ibigay na sa bagay na matagal ko na dapat ibinigay. Kevin was a very understanding boyfriend. Kahit puro pagaalinlangan ang nararamdan ko ngayon, I know what I was about was a right thing.
Finally, natapos na ang parusa sa akin ni Bartholomew. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Paps para ihinto na ang pagpaparusa sa akin. All I knew was, it was partly because of the influence of Tim. Kung hindi siguro siya umuwi mula Australia ay malamang baka higit isang tatlong araw pa ang bubunuin ko matapos lang ang pangga-ground sa akin ng magaling kong tatay.
I was very grateful to that arsewhole of friend that I got from childhood. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko man lang mai-enjoy ang nalalabing araw ng bakasyon ko.
I turned my head when I heard some glass broken. It was Tim, standing outside my bedroom door. Mukhang nabitawan niya ang basong dala-dala. Mukha ring natatae ang itsura niya. Hindi na ako nagalangang magpalit pa ng suot at lumapit ako sa kanya. Sa di malamang kadahilanan, tila naistatwa si Tim at hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
Agad kong kinuha ang maliit na dustpan at walis at tumuwad upang linisin ang nabasag. Katarantaduhan ng lalaking ito, ako pa talaga ang maglilinis ng pinagkalatan niya.
"Tabi nga diyan! Ulol na 'to. Ano, natuod ka na diyan?" Nanggigigil na asik ko sa kanya. Para kasi siyang tanga. Bigla na lamang siyang huminto at hindi na gumalaw sa kinatatayuan niya.
"A-Ano kasi, ah gusto ba, alis tayo mamaya? Dinner tayo sa labas. Bonding tayo. Ano?" Nagaalangan tumingin lang ako sa kanya. Ang akala ba niya okay na kami? Ni hindi ko pa nga siya nasasampal muli mula nang bumalik siya ng bansa.
"May plano ako Tim, puwede ba? Kung wala ka nang sasabihin, bumaba ka at baka matadiyakan pa kita diyan. Pupuntahan ko si Kev mamaya." Nayayamot na pagtataboy ko sa kanya ngunit hindi naman siya umalis bagkos ay tila nangiinis at umupo pa sa kama kong puno ng damit na pinagpipilian ko kanina.
"Bunganga mo naman. Ang aga-aga ah, ang dami mong mura. Isumbong kaya kita kay tito Bart?" Pananakot pa ni Tim sa akin. Kung kanina ay parang natuod siya, ngayon naman ay tapang-tapangan na naman siya. Abnoy rin talaga.
"Magsumbong ka, gago! Kung gusto mo ikaw nalang ang anak niya!" Sa inis ko ay pabalibag kong ibinigay sa kanya ang dustpan na may bubog at sinaraduhan siya ng malakas sa pagmumukha niya. Who did he think he was? Dito ko pa talaga sa bahay ko niya ako pagtataasan ng boses nang ganoon.
~•~•~•~•~
Gusto kong batukan ang sarili ko. Ewan ko maintindihan kung bakit ako nagkaganoon. Bigla nalang akong nag-hang at hindi nakagalaw nang makita kong si Rj nang nakaganoon. She was wearing lingerie. A very sexy looking one. Tumuwad pa siya sa harapan ko. At dahil doon ay naistatwa nalang ako sa kinatatayuan ko.
Ibibigay ko sana sa kanya ang regalong matagal ko na sana naibigay kung hindi lamang niya ako pinangungunahan ng mga pambabara niya. Madalas ay inaangilan niya ako kahit wala naman akong ginagawa. Akala ko ay nagkaayos na kami ngunit galit parin pala siya sa akin. Ngunit mas mabuti narin ito kesa sa dati. At least nagpapansinan kaming dalawa.
For the second time, I tried giving her my graduation gift for her earlier this morning. Ngunit nauwi na naman iyon sa pagtataboy niya sa akin. Tinawag niya pa ako ng kung anu-ano ngunit ang nakakainis sa lahat ay iyong banggitin niya pa ang pangalan ni syota niyang walang Mama.
Inaya kong mag-dinner si Rj ngunit mariing tumanggi ito pagkat pupuntahan daw niya ang Kev na iyon. Doon ko naramdamang hindi na ako ganoong kaimportante sa best friend ko hindi tulad noon. In fact, I was in the least of her priorities now.