Chapter Four

1.3K 24 0
                                    

Parang siraulo si Rj. Kanina pa niya ako tinitignan nang ganoon. Ano bang problema ng babaeng ito? Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. After fifteen minutes, we arrived at the hospital. Ang akala ko ay ihihinto niya na ang pagtingin sa akin ng ganoon pero hindi.

"Oh, for goodness' sake, would you stop looking at me like that?! You're freaking me out!" Hindi ko na napigilan at napatingin ako sa kanya ngunit mukhang nababaliw na talaga ang best friend ko at lalong lumapad ang pagkakangiti. Marahil ay iyon ang epekto ng hangover sa kanya.

"Mali-late ka na. Baka gusto mo nang bumaba." Naiirita nang sabi ko.

"No. Hangga't hindi ka umaamin, hindi ako bababa sa sasakyan na 'to." Desidong sabi niya pa. Naguguluhan na ako. Ano bang sinasabi niya?

"Woman please! This is not the right time to play psycho. Please, get off the car now. You're about to be late." Nagtitimping sabi ko ngunit hindi niya iyon pinansin bagkos ay muli niyang ni-lock ang pintuan at pinagkatitigan pa ako sa mukha. Ano na naman ang trip niya?

"You're gay. Admit it. Promise, hindi ko sasabihin sa iba just tell me. Only you and I will know the secret." Ngiting-ngiting sabi niya pa. Ako naman ay hindi masasabing nawindang ngunit hindi maitatangging bahagyang ikinabigla ko ang sinabi niya.

Kaya ba ganoon na lamang kung tingnan niya ako? I shook my head. The lady was clearly a crazy woman. Sa tagal na naming magkakilala ay nagagawa niya pa akong pagdudahan nang ganoon.

"Bumaba ka na bago pa kita tadiyakan diyan." Once again, I opened the door for her. Kaunti nalang at mapipikon na talaga ako sa mga pinagsasasabi niya sa akin.

"Ang pikon mo naman, Ateng. Wait, should I call Ateng or you like Momshie better?"

"Rj, stop your nonsense for once! Hindi na ako natutuwa sa'yo."

"Ano bang masama sa pagiging gay? Aminin mo na kasi sakin. Promise, 'di ko talaga sasabihin sa iba." Panunumpa niya. Hindi ko alam kung bakit niya iginigiit ang paksang iyon. Saan niya ba nakuha ang ideyang iyon?

Napapikit ako nang mapagtanto ko kung bakit nagkakaganoon si Rj sa akin ngayon. Earlier this morning, I called my gay friend Bernie and his team to fix Rj up. Gusto kong maging maayos ang istura ng kaibigan ko at ngayon bilang ito ang unang araw niya ng pagiging isang opisyal na doktor.

That motherless entity they called Kevin, put my best friend in to hellhole yesterday when Rj and I caught him cheating. Naging miserable si Rj at nagiiinom nang walang humapay kinagabihan. Alam kong magmumukha itong bruha kinabukasan kaya't hiningi ko ang tulong nila Bernie. And now, Rj was looking fabulously. Ngunit hindi ko naman akalain na ito pa ang dahilan upang pagdudahan ni Rj ang kasarian ko. Goodness gracious, I'm straighter than a ruler!

"Mars nalang. Mas maganda iyon na lang ang tawagan natin bilang besties naman tayo." Muli ay suhestiyon ni Rj. Sa inis ko ay hinapit ko siya at hinagkan sa kanyang labi. That was the only way to shut her up.

Natigagal siya at hindi na nakapagsalita pa. Served her right. Ni hindi siya nakagalaw kung hindi ko pa siya inalalayang lumabas ng sasakyan. Mukha itong na trauma hanggang sa maihatid ko siya sa kanyang station. Ni hindi siya kumibo at mistulang tuod.

"If you don't move this instant, I'll french kiss you in front of your colleagues." Bulong ko sa kanya. Tila tumino siya nang dahil sa sinabi ko. She blinked a couple of times as if she just went back from the oblivion she went in moments ago.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na. Sinabi ko ring ako ang susundo sa kanya pagkatapos ang shift niya kinabukasan. Napakakulit kasi niya. I shouldn't have kissed her if she didn't irritated the hell out of me this morning. Well, I'll kiss her but not that way.

Rules of RJ: The fourth Generation BMW (R-16) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon