Chapter 10

28 1 0
                                    

Maybe

Maaga akong nagising, nakatulog ako habang umiiyak, nang tingnan ko ang orasan 5:00 AM palang, kadalasan 6:00 AM kaming nag eehersisyo tuwing umaga pero ngayon dahil maaga akong natulog maaga rin akong nagising.
Kinuha ko ang jacket ko para magsimulang maglakad. Tulog pa sina Lander at Hani kaya lalabas akong walang kasama.

Binabaybay ko ang daan patungong dagat, ito ang madalas naming ruta habang nag eehersisyo kami. Habang naglalakad tinitingnan ko ang daan ang mga nararaanan ko. Maraming kahoy dito pero di naman siya masyadong tago at meron din ibang nakatira. Sa paglalakad ko nakaramdam ako ng lamig ng hangin pero diko ininda. Ayoko munang umuwi hinahayaan ko ang aking mga paa kung saan ako dadalhin nito.

Sa palakad-lakad ko nakarating din ako sa dagat. Nakita ko ang ibang mga mangingisda na kakauwi lang galing sa laot. Hindi pangingisda ang kinabubuhay namin sabi kase sakin ni Lander sa construction siya nagtatrababo.

Malapit nang sumikat ang araw, medyo makikita muna ang konti nitong liwanag. Kahit napakalamig ng hangin sa baybayin 'di parin ako nagpatinag, nanatili parin ako roon. Tinitingnan ko ang pag sikat ng araw. Kaya napaisip ako sa nangyari kagabi.
Bakit kaya ganun nalang galit ni Lander ng hawakan ko ang singsing, yun ba talaga ang ikinagalit niya. Maliit na bagay lamang para sigawan at saktan ako. Eversince Lander is smooth and calm, but last night parang hindi si Lander. His eyes was full of sadness and grief with a little anger on it. Maybe that thing was very important to him. Kaya ayaw niyang may ibang humawak. Maybe I should understand him. Maybe he valued that thing so much. That woman's name engraved on that ring, I think she is that important to him more than his life.

"Iha! Di ba ikaw yung nakatira sa bahay nung binata na Lander ang pangalan?" Naputol ang aking malalim na pag-iisip nang biglang lumapit sakin ang isang may edad na babae. May dala siyang mga isda sa kanyang basket. "Opo! Bakit po?"

"Ito oh! Dalhin mo sa inyo." Inabot niya sakin ang mga isda, kaya tinanggap ko naman. Ang bait naman ng ginang na ito.

"Salamat po!"

"Tawagin mo nalang akong nanay Cory!" Aniya. Nanay Cory? Okay!

"Salamat po ulit Nanay Cory!" At binigyan ko siya ng magandang ngiti. Meron pa palang mga taong ganito, mga mabubuting tao. Kasi nung dumating ako rito wala akong nakitang ibang tao maliban kay Lander at Hani at Doc. Logan lang. Ngayon may bago na naman akong kilala si Nanay Cory.

"Nay, matanong lang! Gaano na kayo katagal rito?" Wala lang gusto ko lang tanungin mukha kasing matagal na siya rito at matagal na niyang kilala sina Lander.

"Matagal narin, bata pa ako dito na kami Lumaki at nang naging asawa ko nak!" Anak? Ang Sarap naman sa pakiramdam. Parang nagkaroon ako ng bagong ina.

"Gaano niyo po katagal kilala sina Lander?" Tanong ko ulit.

"Ah yung binatang yun? Matagal na rin. Simula nung lumipat siya dito kasama ang kapatid at nobya niya.
Bigla nga nawala ang nobya niya rito at di na bumalik. Akala ko nga eh, ikaw yung nobya niya pero nang makita kita ngayon nagkamali pala ako." Nobya?

"Nobya po?" Tanong ko.

"Cory! Halika kana wala pa tayong agahan!" Sigaw ng isang matandang lalaki. Siguro asawa niya.

"Oh siya Iha. Aalis na kami ha." Pagpapaalam niya saka naglakad paalis.

"Sige po!" Gusto ko pa sanang magtanong pero nakakahiya naman huwag siyang pauwiin saka nalang pag nagkita kami ulit. Pagkatapos ng singsing, nobya naman? Ano ba talagang meron sa inyo na di ko pa alam?. Marami pabang bagay ang ikakagulat ko?

Hinayaan ko muna ang sarili kung mag-isip at piliing huwag munang umuwi. May mga bagay siguro na 'di ko na dapat malaman pa. Gusto kong magtanong ng magtanong pero baka hindi ako makakuha sa kanila ng sagot kaya pinili kung huwag nalang at huwag nang isipin ang nakaraan na pilit kung inaalala. Siguro nga paraan ito ng Diyos para ang lahat ng sakit ng nakaraan ay aking makalimutan na dapat di ko na inaalala at tumuloy nalang sa bago kung buhay. Simula ngayon lahat ng mga mga nawalang ala-ala ay hindi ko na iisipin. Tutuloy ang buhay ko kasama nila at maging masaya. Maybe happiness will give me a peace of mind and heart.

Pagka-uwi ko sa bahay gising na silang dalawa. Seryoso silang nag-uusap sa kahoy na upuan 'ni hindi man lang nila ako napansin.

"Kuya naman, Bakit ikaw ang hinabahol dahil sa mga utang ng babaeng 'yun?" Sabi ni Hani. Pero hindi naman sumagot si Lander.

"Tama nang pagpapaka baliw sa bwesit na babaeng 'yun na iniwan kalang, nagawa mo pang maging sunod-sunoran sa lahat ng gusto niya !" She continued. Ganun ba ito ka seryoso at di man lang nila ako napansin?

"Kuya! Please tama na. Tama nang pagmamahal sa kanya. Matagal ka na niyang iniwan at nagpakasarap sa buhay, dahil sa kanya muntik ka nang pufkfbdjdmdk. . " Hani is in rage. She is angry over something.

"Shut up!" Natahimik si Hani sa sigaw ni Lander kaya naputol ang huling sinabe niya. Bigla siyang tumayo at aalis sana ng bigla napatigil pagkakita sakin. They were in shock ng makita ako. Na para bang ayaw nilang may marinig ako.

"When did you get here?" Lander asked me. He seems so shocked that I'm here. May dapat ba akong malaman Lander?

"Just now, kararating ko lang." Pagsisinungaling ko.

"May problema ba kayo?" Tanong ko.

"Nothing!" Lander answered. Kaya tumango nalang ako. Dahil alam kong di naman nila sasabihin kaya mas mabuting wag magtanong.

"Ate did you gone to exercise?" Tanong sakin ni Hani. Tumango ako.

"Sorry for not accompanying you! Di ako nakagising ng maaga." She explained. Binigyan ko lamang siya ng isang ngiti. "Okay lang Hani! Kaya ko naman." Sagot ko.

"But Still! you need someone to accompany you, wherever you go!" It's lander. Ayaw kong masigawan ulit kaya tumango nalang ako. Hindi pa settled samin ang nangyari kagabi pag-uwi niya.

"And here Hani, may binigay 'yung si Aling Cory na isda sa dagat kanina." Sabay abot ko sa kanya ng mga dala kung isda.

"Nakita ka ng ibang tao?" He asked at biglang umigting ang kanyang mga panga. Galit ba siya?

"Ahmm. . . " sasagot na sana ako ng bigla niyang pinutol.

"Nakipag-usap ka sa taong di mo naman kilala?" He ask again. He is now frowning. He seems so upset about me meeting some other people. Bakit ba nagagalit siya. Bawal ba akong makipagkita sa iba? Bawal ba akong makita ng tao? Bakit?

"Why? Ano bang dahilan at ayaw mo akong makita ng ibang tao?" Mukha kasing ikukulong niya ako rito. Dahil ba wala akong maalala? Kaya ikukulong niya akong sa kubong ito?

"I don't want to lose you!"

"Di naman ako mawawala dahil wala akong maalala. Wala akong alam na ibang pupuntahan!" Nakakainis na siya ha. Ayaw kung makipag-away sa kanya but his words are so unreasonable. Gusto niya bang ikulong ako dito at hanggang dagat lang ang alam kong puntahan? I want to explore new things too. I want to know some things and criticize some other things.

"What if. . .!" Di niya tinuloy. Bigla siyang napatig at tinititigan lang ako at saka biglang lumabas ng bahay ng di man lang tumitingin o nagpalaalam samin. Tiningnan lang namin siya habang naglalakad paalis. I know his mad. But Why? Sa anong dahilan ba? I sighed at the thought of him being mad at me. Ano bang ginawa kung mali? All this things are confusing me. You are confusing me, the every little words you uttered keep on confusing me.

"Ate! Akin na po yan, lulutuin ko. Please rest po! I know pagod ka po. Hayaan mo muna si Kuya ayaw niya lang napapahamak ang mga taong mahalaga sa kanya" Is that really the reason? I will make myself believe to it. Dahil ba mahalaga ako sayo? Dapat ba akong maniwala? I trust you Lander so I will believe you. I will?

Umupo ako sa upuan at malalim na nag-isip. Saan ba lahat nanggagaling ang mga galit at pagkasuklam mo Lander? Bakit parang sa tuwing nagagalit at naiinis ka, may pinaghuhugutan lahat ng iyon. Pero bakit sa tuwing nagagalit ka nasasaktan din ako?

Ganito ba kita ka gusto? Maybe.

 Legendary Thieves 1: The Rebel HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon