Justin’s POV
Habang asa park kami eh bigla nalang tumigil sa kakaswing si Cris. Parang may nakita siya eh. Pero di ko mapinpoint saan siya nakatingin kasi gumagalaw pa ang swing. Nung medyo huminana na eh bigla siya tumalon!
“Uy! Cris! Wag tatalon! Ano ka ba!” –Justin
Eto talagang babaeng to ang hilig ako pakabahin. =_______=
“Han? Ok ka lang? Parang may nakita multo?” –Lee
Nag silapitan na kami sa kanya. Pati ata sila napansin na parang may something weird about kay Cris bigla. Para ngang may nakita siya multo. Napatingin ako sa dereksyon na tinitignan niya.
Teka… may tao dun. Lalaki? Naka cap eh. Hmm… parang familiar…
“Tulala siya ulit? Akala ko ba tapos na siya sa phase na yan?” –Len
Parang familiar talaga eh. At mukhang nakatingin siya kay Cris. Kakilala ni Cris? Classmate maybe?
Kaya ba familiar ang mukha dahil baka nakasalubong ko sa hallway sa school?
Pero… parang iba eh…
Tas biglang…. Biglang ngumiti siya?
What the! Nainis ako bigla. Theres something about that smile that’s so familiar that it makes me wonna punch his face!
Tinignan ko mabuti ang lalaking un.
Wait… I…. I know this guy…
Tas bigla siya nagsimula lumakad… natakpan siya sa mga puno. Di nagtagal sinundan siya ni Cris at pati na ako.
“Han! Saan ka pupunta?!” –Eli
Posible bang siya yun? Is it possible?
Please sana guni guni ko lang yun! Wag sana!
Nakikita ko siya naglalakad pero mahirap makita mabuti dahil natatakpan siya ng mga punong dinadaanan niya. Hanggang sa nareach namin ni Cris ang open area. Konti nalang ang tao nag malapit na mag gabi.
Napatigil si Cris sa may bandang gitna. Ako asa likod niya at sumunod naman ang iba.
Nakitang tumitingin tingin si Cris sa paligid. Hinahanap niya siya. I know she recognized him. I know those looks in her eyes. She saw him and he was looking at her. And that smile?
Cris. Please… please don’t look for him.
Please stop… stop looking for him…
“Han! Anong ba? Sabihin mo ano bang nangyayari?” –Arei
“Nakita ko siya…”
“Ha?” –Miguel
“Nakita ko siya. Sigurado ako siya yun…”
“Sino? Sinong tinutukoy mo Han?” –Eli
“But… where?”
Don’t… just stop. Hindi mo siya nakita. It was just your imagination. Please…
“Where… where are you…?”
“Sino bang tinutukoy mo?” -Len
“Maybe… maybe… it was just my imagination…”
Yes… you were just imagining things… just stop Cris...
Tumalikod na si Cris at nag umpisang maglakad at sumunod na lang ang iba. Pero ako…
Tinignan ko ang paligid and just my luck.
I saw him. Nag lalakad siya papalapit samin habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Another Chance [COMPLETE]
Teen FictionEhem! Ehem! Eto po ang book two ng "You're the Reason I Changed". Dito niyo po malalaman ang lahat ng mga katanungan niyo po. So enjoy. Don't forget to VOTE, COMMENT and Be MY FAN~!!! ^________^V