Chapter 1

76 4 1
                                    

Gabriel POV

  “Ready?”

  “Ready”

  “I’ll count on three. 1… 2… 3! Yah!” Lumabas kami sa pinagtataguan namin at sinipa ang dalawang lalake na nakatayo malapit sa pintuan. Dumaing sila sa sakit at napaluhod habang kami ni Mich tumakbo palabas ng Apartment. Ang ibang mga kasama nila hinahabol na rin kami. Liko…baba sa hagdan..liko… Grabe! Ang dami nila plus ang taas nitong building kaya maraming hagdan ang dadaanan namin! Kung minsan nga napapatalon pa kami. Naka black suite silang lahat at naka shades and they are all over the place. Malapit na kaming matrap pero thank goodness dahil may smoke bomb si Mich. Pagkalabas sa building dali-dali kaming pumara ng taxi at pumasok. Binelatan namin sila mula sa taxi at saka kumaway. Yun o! Nakatakas kami!

“Airport” Sabi ni Mich sa driver pero hinihingal parin. Nagkatinginan kaming dalawa at nagtawanan.

“Oh my gosh! I can’t believe it! Natakasan na naman natin ang mga seekers kahit na dumami sila!” Masayang sabi ni mich na halos hinahabol na ang paghinga.

“Yah! It’s the 5th time already pero ang hihina parin nila. Aish! Pero paano nila tayo natuntun?”

“Don’t know. Baka may mga ‘Oh! So very high magic!’ Sila na ginagamit.”

“Siguro nga. Haha!”

“We’re here ladies. 4 dollars.” Ibinigay ko na sa driver ang pera at patakbo kaming lumabas ng taxi dala-dala ang backpacks lang namin. 30 minutes nalang flight  na namin. Pagkapasok namin sa New York International Airport nag check-in kami kaagad. Pasara na nga sana ang pintuan ng eroplano mabuti nalang naabutan pa namin ni Mich! Waaahhh thank you lord! Pagkaupong pagkaupo nakahinga kami ng maluwag. This is it.

“Goodbye New York” Tiningnan ko si Mich na nagsalita

“Hello Philippines” Sabi ko at ngumiti kami sa isa’t-isa

“Kyaaaahhhh!!!” Para kaming mga tanga na nagsisigawan sa sobrang saya. Napatigil kami nang mapagtantong nakatingin saming lahat ng pasahero ng masama. Nag giggle nalang kaming dalawa at mahinang nagtawanan.  

I’m Gabriel Smith, 17, and I’m a Variety Kee User. I’m Half Filipino and Half British. Kasama ko ngayon ang bestfriend kong si Michelle Finn na pure British pero nasanay kakatagalog dahil sakin and she’s also seventeen. Mich is an Elemental Kee User.

 Yung mga humahabol samin kanina ay mga Seekers. Gusto nila kaming kunin at dalhin sa mga facilities nila for trainings and to serve the secret government but we refuse and become Runaways. Well actually hindi ako magiging Kee user kung hindi ko nilunok ang Stone Kee ni Lolo nung nine years old ako. Ayaw ng mama ko na maging kee user kaya itinago niya ito sa kwarto ni lolo sa kasamaang palad nung nagbakasyon kami sa bahay ni lolo aksidente ko itong nakita at nalunok sa pag-aakalang candy! Simula nun hinahabol na kami ng seekers kaya nagpalipat lipat kami ng bahay at bansa not until when I’m 16. I used my savings at tumakas ako sa bahay namin sa London. I don’t want my parents to perish kaya naisipan ko na kung lalayo ako sa kanila ako nalang ang hahabulin ng mga Seekers and they can live life normally without me. Nagkaroon ako ng bagong identity from Katherine Fritz to Gabriel Smith with the help of my bestfriend Denrick who is also a Kee User. I went to Canada pero natuntun ako ng mga seekers doon at lumipad papuntang New York and their I met my new Bestfriend, Michelle. She is a runaway too pero galing siya sa facility ng Secret Government at naging trainee. Hindi niya nakayanan ang hirap kaya tumakas siya and luckily hindi siya napuruhan. Simula noon magkasama na kaming nanirahan at nagtrabaho sa New York at apat na beses na kaming nagpalipatlipat ng apartment dahil sa mga Seekers.

And last week we got a call from a friend na pumunta sa Pilipinas and he told us na may lugar full of runaways doon and we are safe there. Pero sa kasamaang palad the seekers found out our location bago kami makaalis papuntang airport kaya napalaban pa kami.

The MysticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon