08

51 2 0
                                    


I sighed as I continuously stared at the ceiling, feeling numb with every silent snore of my husband beside me. I turned my head to watch him as he sleep peacefully, hands wrapped around my body and his feet encircling just between my thighs. Kung normal na araw lang to sakin, baka naka ngiti pa ako at kinukulit ang taong to, but it isn't.

Ngayong araw magiging komplikado pa ito, as it was yesterday, I sighed and look at the watch at the center table. It's already five in the morning, I sat up at bumaba sa kama without waking Zek up. I need to prepare for his breakfast as usual and packed his lunch, but before that naligo muna ako at nagbihis.

I chose to cook his favorite pancake with hot chocolate for breakfast and beef caldereta for his packed lunch, I was busy preparing it until I sense someone just stormed off from the stairs. I look up and saw him in his normal jeans and white shirt, I smiled not minding what would happen later after he leave. Just thinking him, Zek, my husband, the man who deserves every love in the world.

"Good morning hon" He hugged me from behind and kissed the back of my head, I could feel his arms tightened and that's very unusual for me, 'o baka guni guni ko na naman yun. I just shrugged it off and look at him, smiling.

"Good morning" I let go of the plates that I just placed on the table and brushed his hair, its still wet from his morning shower and I love how he look in the morning.

"Come on we should eat,  don't want you to be late."

I gestured the plates in front of us to feed him up, I look at the wall clock and saw it's already seven o'clock. He should be off the road by seven thirty, ma traffic sa daan. Tuamayo ako at inasikaso yung naiwan ko. Linagay ko sa bag niya yung mga gamit niya pati phone at yung baon niya sa lunch, lahat para hindi na siya ma stress sa trabaho pag may naiwan siyang gamit.

"Hon, I love you." I stopped at what I was doing, bakit out of nowhere ata niya yung sinasabi? I closed my eyes and inhaled sharply, lahat na lang binibigyan ko ng katanongan. I turned to look at him and smiled.

"I-I love you too." An image of someone, crossed my mind, but instantly I shook it off, not now. Alam ko kung gaano ako kasamang tao pero alam ko rin kung paano ilugar ang kalandian ko, at alam ko na mali yun at ayoko na ulit mangyari pa yung nangyari kahapon.

I was once a mistress but I decided to never be one this time, I will stand firm at my decision. No more past to present, just present to future. I choose Zek over someone who clearly doesn't deserve to be love. No more selfishness, iisipin ko ngayon ang pamilyang masisira kung sakali. At kung makakaya pang iwasan ay iiwasan na.

"I have to go, call me when you need anything okay?" He smiled, a sad one. Pero nawala din yun kalaunan, magtatanong na sana ako sakanya kaso mabilisan niya akong hinalikan ng madiin at puno ng hinanakit? Naka tunganga lang ako sakanyang ginawa pero na realize ko na kailangan ko tugonan siya baka makahalata.

"Mahal na mahal kita, kahit anong mangyari..." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at pumikit, alam mo na ba? May alam ka na ba sa nangyari? Ano? May nahahalata ka na ba? Pero I doubt it.

"Sige na, baka ma late ka pa. Mag iingat ka sa daan okay?" Paalala ko at inantay ko na makalabas ang kanyang sasakyan sa garahe bago sinarado ang pintuan at pumasok sa loob ng bahay, paupo pa lang ako ng may nag doorbell.

Nanginig agad ako ng dahil don, alam ko kung sino yun. At kinakabahan ako, ito na yun. Dito na matatapos lahat, naaninag ko na nag ring ang telepono. Bumuntong hininga ako at tumayo ng tuwid at inisang hakbang ang pintuan palabas ng bahay, hindi ko na inabala ang sarili ko na sagutin ang tawag. Alam ko naman kung sino yun, at siya yun. Buntong hininga ang naigawa ko ng mabuksan ko ang gate at bumungad sakin ang naka ngiting si Xavier.

"Good morning." Puno ng saya ang kanyang mukha at sa ngayon hindi ako hihingi ng tawad na papalitan ko yun ng malungkot at puno ng luha, dahil alam naman niya kung ano yung mali sa amin.

"We'll talk." Napalitan ng buntong hininga ang kanyang tono, tumalikod ako at sinunod niya naman ako, sinarado niya muna ang gate at sabay kaming pumasok. Naramdaman ko yung yakap niya nung masarado na ang pintuan sa bahay, sobrang higpit na animo hindi na ako maka hinga.

"Alam ko ang gagawin mo, at hindi ako makakapayag. Ngayon pa na alam ko na may pag-asa ulit tayo." Lahat ng pinlano ko na sabihin sakanya unti unting nawala, pero kahit na nanghihina ako sa kanyang sinasabi alam ko na kailangan ako ang tumapos sa nakaraan. Ako ang babaon nun sa limot.

"Mali to, Xav. Alam mo yun." Hirap na hirap na bigkas ko. "Bakit di mo na lang tanggapin na wala na nga, tapos na. Ubos na ako, ubos na lahat ng pagmamahal na meron ako sa'yo," Nanlamig ako sa mga salitang binitiwan ko, alam ko na isa yung kasinungalingan pero paninindigan ko ang mga sinabi ko.

"Hindi." Binitawan niya ako at hinarap sakanya. "Mamili ka, hahayaan mo tayo? 'O sasabihin natin kay Zek yung nangyari? Lahat gagawin ko, handa ako sa lahat.  Hahayaan ko ngayon na sila ang masaktan kesa ako, tayo. Selfish as I may sound pero yun ako ngayon, ayoko maging miserable kagaya nuon."

Hinawakan niya ang mukha ko at ipinirmi yun, kanina pa ako lingo ng lingo. Ayoko kasi, masasaktan ako para sakanya, para kay Zek at para sa pamilya niya. Hindi ko kaya ang manakit sa ibang tao, kung siya kaya niya ako hindi. Nagulat ako ng halikan niya ako, Hindi ako makagalaw. Nanigas ako kahit na patuloy na hinahalik halikan niya, ng matauhan ako pinagsusuntok ko ang dibdib niya.

Pero parang wala lang sakanya, hanggang sa mapaupo ako sa malambot na sofa, ayoko! Hindi! Mali to, kaya kahit nanghihina ako. Tinulak ko siya ng malakas hanggang sa mapa upo na siya. Tumayo ako at hinarap siya, masakit na sakin to pero wala akong pakialam. Buntis ako! At ayoko ng bigyan ng isang pagkakamali ang buhay ko. Tama na yung isang pagkakamali, ayoko ng dagdagan pa.

"Tama na Xav, buntis ako. Kahit na anong klaseng pagmamahal ang meron tayo, mali pa rin ito. Maling mali, may pamilya ka, ako. Tama na Xav, parang awa muna." Lumuhod ako sa harap niya, I'm weak I know, too weak to even push him but I know what's the right thing to do.

"Bakit, akala mo ba hindi ko naisip yan? Na may anak ako, may asawa din ako. Pero ano ang magagawa ko? Ha? Mahal kita Alessa, kahit na ilang taon ang lumipas. Ganun pa din, iniwasan ko naman na guluhin kayo. Pero hindi ko kaya, hulog na ako. Hulog na hulog na hindi ko na kakayanin pang bumangon." He just sat there crying, hindi ko na halos makita yung mukha niya dahil nanlalabo na din ang paningin ko. Hindi ko kaya, gumapang ako papalapit sakanya at inakap siya ng napaka higpit.

"Patawarin mo 'ko Alessa pero hindi ko kaya ang hinihingi mo, hindi ko kayang lumayo sayo. Ayoko, pagbigyan mo ko ngayon. Kahit ngayon lang, hayaan mo na maging masaya tayo. Alam ko na sobra sobra ang hinihingi ko pero tao ako eh, may kasalanan ako pero nagsisi din ako at ngayon gusto ko bumawi sayo. Babawi ako."

Bakit ganun? Kung kailan, akala ko masaya na ako sa buhay ko, bigla na lang darating ang taong naging malaki ang parte sa nakaraan ko. At bigla ka na lang niyang guguluhin, kailan ba ako sasaya? Kailan darating sa point ng buhay ko na masasabi ko na ito, ganito ang gusto ko sa buhay ko. Ang maging masaya.

Nagulantang ako ng biglaang may nag busina sa labas ng gate, nangangatog ang paa kong tumayo. Fvck, bakit bumalik agad si Zek? 'O si Zek ba yan? Dali daling tinakbo ko ang labasan ng gate at sinilip muna kong sino ang dumating. Damn it! Nilingon ko ang pintuan ng bahay at itinakbo si Xav papasok.

"Pumasok ka sa guest room sa taas, at wag na wag kang lalabas ng hindi ko sinasabi naiintindihan mo?" Hindi siya dapat makita, hindi pwede. Damn!




----------------

Haay naku, ano'ng gulo yan Alessa? Tsk. Hi, everyone trying to keep it up to everyone. Sorry uli. Merry Christmas!


I was the Mistress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon