07

53 4 0
                                    

Hindi ko mapigilan na mapangiti ng mapait, guilt flush through me as I remember what happens just a while ago. I kept on asking myself, why did I let those things happen. But then I didn't regret even a single bit of it. I was just guilty but I don't feel remorse to it.

Naluha ako sa katotohanang may bagay akong nagawa na alam ko na sa hinaharap ay pagsisisihan namin at kasusuklaman ako ng buong mundo. Kahit anong tanggap ko ng sitwasyon namin na hanggang kahapon na lang yun pero talagang pinagpipilit pa din ng puso ko na baka pwede pa, baka sakaling kahit isang pursyento lang eh may pag asa pa din mabuo yung pamilya na hanggang sa imahinasyon na lang namin ni Xavier.

"Hon? Tulala ka?" Zek appeared and took me out of my reverie. I sighed, this guy, how lucky I was for having him. But his not lucky for having me.

Ako ang living reminder kung paano ang isang mabait na taong to ay masasaktan ko sa hinaharap, na ang pagmamahal ko sa isang taong hindi deserve yun ang siyang wawasak sa masasayang araw ng lalaking nasa harapan ko.

"Hon, I'm worried. You're crying, why? What happen?" Concern dawned the face of my husband but I just shook my head and hug him tight, I never thought I'd be this selfish.

Nuon humihingi ako ng tao na tatanggap sa kung ano ako at mamahalin ako kahit na ano'ng mangyari at hindi ako gagawing lokohin. But it turns out ako pala ang manloloko sa huli, ang magtataksil sa taong walang ibang ginawa kundi umunawa sa lahat ng sitwasyon ko. Na kahit ipinagtulakan ko palayo ay nanatili sa tabi ko at tinulongan akong bumangon mula sa pagkadapa.

"Wala to hon, ganito lang siguro pag buntis. Nagiging emosyonal." Pagak na pagtawa ang naibigay ko sakanya at ipinagpasalamat ko na hindi ako pumiyok. He sighed and brushed the back of my head, I clenched my fist and hug him tight, so tight I could hear his bone clenching.

"Pinakaba mo 'ko dun hon, wag ka na mag iiyak diyan. Halika ano bang gusto mo ng mabili ko. 'O baka naman namiss mo lang ako sa higpit ng yakap mo eh." Tatawa tawang yakap niya sakin, tumango ako at dahan-dahan ko siyang pinakawalan.

Alam ko namumugto na yung mata ko pero hinarap ko parin siya at pinunasan ang mata ko mula sa luhang puro panghihinayang at pighati.

"Kanina ko pa kasi ikaw hinihintay. Antagal mo umuwi eh, alam mo naman ayaw ko mapag-isa sa bahay. Nabobore ako." Pagmamaktol ko sakanya kahit na ang totoo eh ayaw ko lang na makahalata siya na may ibang dahilan yung pag iyak ko.

"Alam mo hon." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinuli niya ang mga mata ko. "Magpafile na ako ng paternal leave sa kompanya ni dad para matutukan ko ang pagbubuntis mo, kaya ikaw wag kang masyadong mamiss ako kasi ilang buwan mo akong makakasama."

Sumikip ang dibdib ko, ang tao na to. Gagawin ang lahat para sakin kahit na pwede naman na siyang pumasok pa din sa trabaho. Hindi biro ang magpalakad ng malaking kompanya lalo na't ikaw ang inaasahan ng mga empleyado mo sa kahit anong bagay. Hindi naman din siguro kailangan na bantayan niya ako, di naman komplikado ang pagbubuntis ko.

"Hon, di naman kailangan. Paano na yung problema niyo sa materials nung isang linggo, diba na delay ang shipment nun?" Pigil ko sa plano niya, kahit na dati ay halos gusto ko na tumigil na siyang talaga, ngayon naman natatakot akong maging selfish.

"You're more important than anything, always remember that hon." Instantly, I closed my eyes. I'm afraid to watch him, and imagine how self destructive his love is for me. Natatakot din akong makita niya kung anong kasalanan ang nagawa ko kanikanina lang.

"Pakainin mo na ako hon, nagugutom ako." I changed the topic, kahit na ayoko eh wala akong magagawa sa desisyon niya na mag leave siya sa trabaho.

"Ano ba ang gusto mo?" Hinigit niya ako papunta sa kusina at pinaupo sa upoan sa kitchen counter.

"Kahit na ano hon, basta luto mo." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya habang siya ay ganado na tumangotango at naghanda sa kanyang lulutoin.

Tinitigan ko lang siya sa kanyang ginagawa at napapabuntong hininga, sana kung hindi man niya matanggap yung nagawa ko. Sana hindi siya mapagod magmahal, na kahit anong mangyari maniniwala parin siya na may taong mamahalin siya ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya sakin.

I jumped out of my sit when my phone rang, I turned my head and saw it just near us. On top of our dinning table, nilingon ko si Zek.

"Go on, pick it up. Baka importante." He smiled in a dismissive way. Tumayo ako at kinuha, nakita ko kung sino ang tumawag. I shivered as I put my phone just an inch away from my ear. I sighed.

"Hello?" Napalunok ako.

"Hi." A very familiar voice that soothed through my heart. It's him, my own pain and happiness.

"Why call?" Pinili ko na maging cold, I don't want him to get another hint on how crazy in love I am to him. How he could just lift his hand, and I'm gonna bow to him like an obedient slave I am.

"I miss you, sobra sobra. See you tomorrow?" Damn, bakit ba kahit na sa telepono eh napakalambing ng boses niya?

"Bakit? Dapat dun ka mag focus sa trabaho, alam mo na naman ang mga gagawin diba? I explained it to you already." My voice almost pleading. Sana tumigil na siya, alam ko naman kasalanan ko tumugon ako pero siya yung lalaki. Dapat alam niya na mali ito. It's just too much for me too, how this is too much and how I'm okay with it? I don't know anymore.

"I know, gusto lang kita makita at makasama kahit saglit, kahit panandalian lang." Pumiyok siya, damn! Pumiyok siya! Napapikit ako at napahawak sa malapit na upoan, bakit ganito naman po? Bakit? Masakit na sa puso.

Ayoko ng ganito eh, gusto ko maging mabuting asawa. Tama na yung isang pagkakamali.

"Xav, alam mo naman diba? Tama na yun. Hanggang dun na lang." Agad kong pinunasan ang luhang naglandas sa magkabilang pisngi ko. Takot na maabutan na nasa ganung disposisyon ako.

"Mag usap tayo, hindi ako papayag. Pag usapan natin to! Kung ayaw mo sabihin ko sakanya ang lahat. Makikipag usap ka sakin, bukas." Did he just threatened me? Why the fvck would he? I didn't do anything wrong to him, I just loved him hard enough, that it'd kill us both.

"See you tomorrow." I clenched my jaw and dropped the call. How dare he? Ngayon naglalakas loob na siya na ganun?

"Hon?" I heard my husband from the other corner of the house, I turned and saw him leaning against the door frame separating the dining and kitchen area. I hummed as an question.

"Who called?" Curiosity is written all over his face, which scared me. Did he heard what I just said? I opened my mouth and cleared my throat.

"It's Xavier hon, asking for some files reported to him earlier. We'll discuss about it tomorrow." I told him in a calmest way I can. He just nodded and showed me his million dollar smile and gestured me to come over.

"The foods ready, let's go. Let me feed my beautiful wife and my baby." Undeniably sweet as he is but doesn't move any feelings for him, can't I just fvcking love only him? My husband, and not to be torned with the one who inflected me too much pain from my past?

Inalalayan niya ako at sobra sobra ang panghihinayang na bumalot sa puso ko. Masasaktan ko ang taong to, ang nag alaga, nag mahal at tumanggap sakin ng buong buo. Kung sana lang bumaliktad ang ikot ng mundo at mahulog ako sakanya ng tuloyan, I would gladly embrace it with every joy.

------
Hopefully hindi kayo magsawa haha busy kasi masyado. Sorry po.

I was the Mistress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon