12

85 3 0
                                    

"Hon, tara na. We should sleep, before we go straight to the airport magpa check muna tayo sa OB-Gyne mo." Tumango na lang ako, wala ako sa mood makipag usap sakanya. Naiinis ako!

"Hon, bakit tahimik ka?" Di pa din ako umiimik, bahala ka sa buhay mo. Tiningnan ko lang ang cellphone ko at denilete ko ang thread ng mga text ni Xavier. Bwesit din ako sa isang yun, how dare him ruin what could have been a relaxing vacation with my husband?

"Hon, wag ka na magalit. Sorry na kung ano man ang nagawa ko." Tiningnan ko siya ng masama. Damn you! Sarap mo ingudngod sa sahig! Ewan ko ba sa sarili ko at nagiging OA na naman ako pero basta ganito lang ang gusto ko eh, yung magalit sakanya.

Tinalikuran ko siya at umakyat, narinig ko naman na napapa buntong hininga siya sa likod. Bahala ka diyan di kita papansinin. Naiisip ko pa lang ang pag imbita niya kay Xavier ay talagang nakakapag init ng dugo ko.

"Hon naman." Hinawakan niya ako sa siko bago pa man ako maka pasok sa kwarto, inis na hinarap ko siya.

"Bakit mo kasi inimbita yung taong yun? Anong pumasok sa utak mo?"

"Yun lang ba?" Lumambot ang kanina ay puno ng pagtatanong niyang mukha. "Sige, hindi na natin sila isasama kung yan ang ikinagagalit mo sakin."

"Wag na, ano naman ang irarason mo dun? Kainis!"

"Sige, kung ano man ang gusto mo." Inilalayan niya ako papasok. "Mauna ka na mag bihis hon."

"Bahala ka." Pumasok na ako sa comfort room at siyempre dinala ko ang cellphone ko mahirap na no.

"Ang hirap talaga! Ano naman ngayon ang gagawin ko bukas? Bahala na nga." Naligo ako at nagbihis sabay labas, hindi ko siya tiningnan.

Natulog ako habang siya ay naliligo, naiirita ako! Mahimbing lang ang tulog ko hanggang sa naramdaman ko ang pagka baliktad ng sikmura ko, dali daling bangon ang ginawa ko at tinakbo ang bathroom.

Nag suka lang ako ng nag suka hanggang sa maubos ang kinain ko kagabi! Ano ba yan ang pangit sa sikmura, tubig na lang ata ang naisuka ko sa panghuli. Naramdaman ko ang malalambot na kamay ni Zek na hinahaplos ang likod ko.

"Kasalanan mo to!" Tinanggal ko ang kamay niya, itinaas niya naman ang dalawang kamay niya animu'y sumusuko.

"Wala akong ginagawa hon, nagising lang ako dahil sa biglaan mong pag takbo." Hindi ko siya pinansin.

"Kung sana di mo ko binuntis! Kainis!" Naghilamos ako at nag mumog. "Pakainin mo nga ako."

"Alam ko na kung bakit nagkaka ganyan ka." Natatawang sabi niya. "Ako ba pinaglilihian mo hon? Naku baka naman pumayat ako niyan ha kasi sabi sakin ni mommy nuon na pag ikaw ang napaglilihian ay papayat ka daw ng husto at minsanan pay di makatulog ng maayos."

"Ewan ko sa'yo, gutom na nga ako. Pakainin mo 'ko." Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama uli.

"Sige hon, ano ba ang gusto mo?"

"Anything basta pagkain, masakit na ang sikmura ko." Lumapit siya sa kama at binigyan ako ng halik sa noo.

"Okay hon, I love you!" Lumabas siya sa kwarto at iniwan ako sa pagkakahiga, madilim pa din sa labas. Tiningnan ko ang orasan sa may coffee table at alas singko i'medya pa lang. Ang aga pa, pinilit ko na pumikit kaso wala pa din talaga. Ayaw na matulog ng mata ko. Kaya bumangon na lang ako at naligo tsaka nagbihis.

Nagtingin tingin ako sa closet ng maisusuot ni Zek mamaya, naka pili ako ng isang light blue polo shirt at maroon khaki short. He will look really good on this!

Naramdaman ko na pumasok si Zek sa kwarto at lumapit sakin, I turned around and smiled at him. He stopped stunned, I just shook my head.

"Hon, ngumiti ka." Sabi niya na parang minulto ako. "Ayos na ba uli tayo?"

"Come on, maligo ka tapos suotin mo to." Sabay pakita sa damit na napili ko kanina.

"Okay, luto na yung pagkain. Wag mo na akong antayin at kumain kana dun." Nagmamadaling pumasok siya sa shower at ako naman ay lumabas na para makakain, gutom na talaga ako.

Habang linanamnam ko ang pagkain ay siya din naman ang dating ni Zek na siyang nakaligo na at napakagwapo niya sa kanyang suot. Ngumiti ako at tumayo para yakapin siya, gusto ko yung shower gel niya ang bango. May halong mint at baby powder.

"Ngayon naman ang sweet mo, grabe ang mood swing mo hon." Hinaplos haplos niya ang buhok ko habang humahalakhak, hindi ko pinansin siya at patuloy na inamoy.

"Malelate na tayo hon, tara na?" Sabi ko pagkatapos siya amoy amoyin. Napakunot ang noo niya.

"Hon, di pa ako kumakain." Oo nga pala, tumango na lang ako at hinayaan siyang kumain. Pagkatapos ay nagbaybay na kami patungo sa hospital kung saan dati siyang nagtatrabaho.

Napahinto kami sa pintuan kung saan may nakalagay na 'Obstetrician-gynecologist Dr. Georgia Hernaez"

"Good morning Mr & Mrs. Cai. This way please."

"Thank you, Meg." Magandang babae, pero siyempre mas maganda ako no! Expected ko naman na madami ang nakaka kilala sakanya. Hindi ko nalang pinansin sila at pumasok.

"Good morning, Ezekeyl, Mrs. Cai." She smiled, well she looks harmless for me. Though she looked young I know she's way older than us. I smiled and sat.

"Just Alessa, Doc." Tumango siya at may ibinigay na papers kay Zek. "You have to sign those and Misis you have to come with me to check on your baby."

Pinahiga niya ako sa bed na maliit lang sa isang banda ng kwarto, nakikita ko naman si Zek sa unahan na may isinusulat sa papel. Kinabahan ako ng pinabukaka niya ako, kahit naman na babae lang siya eh may hiya din ako.

"Don't worry Misis, I've seen a lot of those and also I have one so you don't have to be nervous or shy about it." Naku! Napaka naman pala ng doctor na to! Hinayaan ko siya, sana pala hindi ako naghugas para mag suffer siya! Hmmp!

Natakot ako ng parang may aparto siyang ipapasok sakin, ano yun? Aatras pa sana ako pero hinawakan ako ni Zek sa magkabilang braso.

"Hon, its okay. Those are safe, calm down." Kumalma ako ng ngumiti siya sakin. Napatingin ako sa monitor na itinuro ni Doctora sa amin at may nakita kaming parang dugo na tinubuan ng maliit na kamay at buntot sa isang mala tubig na paligid.

"See that? That's your baby over there. The baby's on it's fourth week kaya bean pa lang ang napoform but asahan niyo as weeks go by unti unti itong bubuo. Kaya ikaw Misis wag ka masyadong mag stress o mag puyat nakaka apekto yun sa baby." Tumango lang ako at napatigil kami ng biglang may heartbeat kaming narinig napatingin kami sa monitor. "And that, is your baby's heartbeat."

"Hon, that's my baby." Proud na sabi ni Zek, nanliit naman ang mata ko.

"Anong sayo? Atin! Ano sayo lang lahat yan? Aba! May kontribusyon din ako diyan." Natatawa naman si Doktora sa sinabi ko.

"No silly, proud lang ako na anak ko yan. Anak natin. Ikaw talaga." Inilalayan niya ako patayo mula sa kama at tinulungan ma suot ng maayos yung dress ko at lumapit kami sa table ni doktora.

"So as you can see, the baby is healthy and well but to help the baby grow and healthy you need to take these vitamins that'd I give you, maintain those and be discreet on your food. Avoid any alcoholic beverages and smoking is very inappropriate on your pregnancy. Congratulations again, Mr & Mrs Cai."

Lumabas na kami at nag bayad ng bill bago tinungo ang airport, napatingin ako sa cellphone ko at nakitang eleven forty eight na pala. Mabuti na lang at malapit lang kami sa airport. Napabuntong hininga ako ng makitang maluwag ang kalsada at di masyadong traffic.

Mabuti naman at paliko na kami sa terminal one ng NAIA nasa bukana pa lang at kita ko na si Xavier at ang kanyang asawa. Wow lang! Ang saya ng bakasyon na to. Sobrang saya!

Bumuntong hininga ako at liningon ko si Zek na mataman lang na nakatitig sa harap. Para sayo pipilitin ko maging normal.

"Hon, be happy." I told him and kissed the back of his hand. I'll try to be happy as well.

-------
Disaster hahahaha good luck sa bakasyon.

I was the Mistress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon