09

69 2 0
                                    

"Ma!" Puno ng kaba ang dibdib ko ng bumaba mula sa kotse niya si Mama, sa lahat ng araw na pwede siyang dumalaw, bakit ngayon pa? Lord, bakit naman ganto?

"Bakit di ka man lang nagsabi na uuwi ka pala ngayon? Edi sana napaghanda ko kayo ng makakain."

"I called Alessa and you didn't answer my calls, for god's sake pati telepono mo di mo sinagot. What made you busy?" From the way she talks I know I pissed her off, damn! So siya yung tumatawag kanina? Stupid Alessa bakit di mo man lang kasi sinagot, nataranta ka pa kay Xav.

"I'm sorry Ma, natulog kasi uli ako." Sinungaling ka talaga Alessa, napapikit ako. Sana hindi niya mahalata ang mata ko, tanga mo talaga!

"Okay then, let me rest." Sabay pasok niya sa bahay, damn! Hindi pwede nandun si Xav sa isa sa mga guest room! Lord wag naman ngayon, wag muna.

"Ma!" Pasigaw ko sakanya at nanlalaking mata na umikot siya paharap sakin, napabuntong hininga ako.

"What the hell, Alessa? You don't have to shout!" Napapikit ako, what now Alessa mag isip ka ng excuse! Wag kang maging boba for now!

"Hindi ko pa kasi nalilinis ang guest rooms, baka hindi ka muna ngayon makapag pahinga dito." Tumaas ang kanyang kilay at tinatantya ang sitwasyon.

"Kung ganun kailangan ko talagang umuwi sa malungkot na mansyon na yun? Bakit ba kasi ayaw niyo kumuha ng maid ng may mag maintain naman ng kalinisan sa bahay na ito." Sorry Ma, pero kailangan mo muna umalis sa ngayon.

"Sa susunod na buwan siguro ma, kukuha kami ng katulog tsaka security guard." Pagpapagaan ko sa loob niya, alam ko nagtatampo na naman si Mama sakin. Lahat na lang kasi ng tulong mula sakanya inaayawan ko.

"Mabuti pa at ng hindi ka na ma stress diyan, para magka anak na rin kayo. Ang tagal na panahon mo ng may asawa pero hindi ka parin nabubuntis, ano bang ginagawa niyo sa kwarto?"

"Ma!" Nakakahiya talaga, mabuti na lang at hindi nakikinig ngayon si Xav. Kung hindi, napatigil ako kakaisip. Bakit si Xav ang naiisip ko? Dapat si Zek! Nakakaloka yang mga nasa isip mo ha, Alessa! Tumigil ka!

"'O siya sige, aalis na lang ako at ng makapag pahinga ka. Bukas pupunta ako ulit dito, mag uusap tayo." Kinakabahang napa titig ako kay mama.

"Mag uusap ho saan?" Nagiging utal na ako sa kaba, ganito pala talaga pag may kasalanan kang nagawa, hindi mo mapipigilan ang maging kabado.

"Saan pa edi sa nangyayari diyan sa buhay mo at kung kamusta na ang kompanyang iniwan ko sayo, aba kahit ikaw na ang namamahala dun siyempre kailangan ko din mag check no." Napa lunok ako sa kaba, fvck paano kung malaman niyang si Xavier yun? Baka ipasalvage na kaming dalawa ni Xav.

"Sige ma, mag ingat ka pauwi." Aantayin ko na lang muna si Zek na magsabi sakanila na buntis na ako. Para akong mawawalan ng bait sa naisip pag nalaman nila ang sitwasyon namin, alam ng pamilya ni Zek kung sino ang ex ko. At pag nagkataon, aayawan na talaga nila ako.

Hinantay ko na mawala sa paningin ko yung sasakyan ni mama bago dali daling sinarado ang gate at pumasok sa bahay at kinandado ang pintuan, muntik na ako dun. Huminga ako ng malalim bago tinanaw ang itaas at tinahak yun patungo sa mgs guest rooms.

Natanaw ko ang pintuan sa kwarto namin ni Zek na naka awang, napakunot ang noo ko. Nakalimutan ata ni Zek isarado ang pinto? Isasarado ko na sana when I noticed a silhouette, it was Xavier. Looking intently at my portrait with Zek.

"You know you shouldn't barge in here." Napalingon siya sakin, and he flashed a very sad smile.

"I'm sorry, but I'm not really sorry." I got confused with what he just blurted out. Bigla na lang siyang lumapit at hinagkan ako sa labi ng matagal at puno ng pagmamahal.

I was the Mistress?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon