CHAPTER TWO
HINDI naman balak ni Jethro na takutin o hiyain si Aya. Wala siyang intensiyong masama sa tanong niyang iyon. Gusto niya lang talagang malaman ang sagot nito sa tanong niya.
Habang nasa stage kasi siya kanina ay napansin niya ito. Napakalakas kasing sumigaw ng katabi nito kaya nabaling ang pansin niya sa gawi niyon. Doon niya nakita ang ginagawang pagbabasa ng libro ni Aya sa kalagitnaan ng performance nila.
Hindi siya nainis sa nakita bagkus ay na-amuse siya. Ito lang sa lahat ng babaeng nakita niya ang tila walang kainte-interes sa kanya o sa banda niya.
Aware naman siya sa ingay na ginagawa ng banda nila sa buong university. Hindi rin siya clueless sa paghangang natatanggap niya sa mga babae . Ngunit pagdating kay Aya, eh, nanibago siya. Kakaiba ito sa lahat ng babae sa paligid niya.
Hindi naman porke't 'kakaiba' ito ay dahil iyon sa hitsura nito. Totoong out of style ang mga damit nito at masiyadong malaki ang salamin nito sa mata ngunit walang siyang issues doon. Kakaiba si Aya dahil ito ay ito. Hindi ito nagpupumilit o nagpapanggap kung sino talaga ito.
Noon niya pa napansin ang dalaga. First year college palang siya ay kilala na niya ito. Napanood niya kasi ito nang sumali ito sa isang math quiz na ginanap din sa eskuwelahan nila. Napahanga siya sa talinong taglay nito. Doon niya rin na-realize na ito pala iyong napagtanungan niya noong enrollment.
Minsan niya lang makita ito dahil magkaiba sila ng kurso at building.
Bata pa lang siya ay kinakitaan na siya ng potensyal na maging alagad ng sining. Suportado naman siya ng kanyang mama na nasa Canada. Matagal nang patay ang kanyang papa. Kung buhay marahil ito ay hindi ito papayag sa kurso niyang fine arts. Doctor kasi ang namayapa niyang ama. Bata pa siya nang mamatay ito sa isang car accident. Kung hindi ay matutulad sila sa isang commercial tungkol sa isang anak na nagdodoktor ngunit nag-shift sa fine arts. So 90's!
Muli niyang ibinalik ang pansin sa namumutlang si Aya. Napakamot siya ng batok. Mali nga 'ata iyong nasabi niya dito. "Nakita kasi kita kanina habang nasa stage ako."
"S-sorry," mahinang usal nito ngunit umabot iyon sa pandinig niya.
"N-no!" maagap na sambit niya. "Wala ka namang ginawang masama. Ano ngayon kung hindi ka interesado sa banda namin. Okay lang 'yon. Na-amuse lang talaga ako sa nakita ko."
"Na-amuse?" kunot-noong sambit nito. Doon niya napansin ang mapupulang labi nito. He's one hundred percent sure na wala itong inilagay na lipstick o lipgloss doon. Natural iyon.
"But-"
"Jethro, pare!"
Napalingon siya sa pinaggalingan ng tinig. Si Lex iyon isa sa ka-banda at kaklase niya. "Pare..."
BINABASA MO ANG
Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?
RomanceYear Published: 2011 Tampulan ng tukso sa eskuwelahang pinapasukan si Aya dahil sa makalumang pananamit niya. Hindi na lang niya pinapansin iyon kahit pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Sanay na siya roon. Ngunit nang minsang pag-trip-an s...