Untitled Part 8

378 39 1
                                    


CHAPTER EIGHT

NATAPOS na ang enrollment at nagsimula na ang second semester ngunit ni anino ni Jethro ay hindi pa nakikita ni Aya. Tumigil na rin ang mga tawag at text na buong isang linggo nitong araw-araw na ginagawa. Napangiti siya nang mapait. Sinasabi na nga ba niya. Mababaw lang ang nararamdaman nito para sa kanya.

Pangatlong araw na ng klase. Alas-singko ng hapon ang pinakahuling klase niya ngunit bago iyon ay may dalawang oras siyang break. 'Di tulad noon na madalas siyang tumamabay sa paboritong bench nila ni Jethro, ngayon ay sa library na siya nagpapalipas ng oras at doon na siya nagbabasa.

Twenty minutes before five ay nasa second floor na siya ng College of Engineering para sa last subject niya. Natagpuan niyang sarado ang room 204 kung saan sila nagkaklase. Minabuti niyang maghintay na lang sa hallway.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng notes niya nang bumukas ang pinto ng room nila. May tao pala sa loob niyon. Nagulat pa siya nang sumungaw ang ulo ng kaklase niyang si Trina. "Pumasok ka," anito.

Napakunot-noo siya. "Nandiyan na ba ang prof natin?" nagtatakang tanong niya dito.

"Basta pumasok ka. May gustong kumausap sa'yo dito sa loob."

Na-curious siya sa sinabi nito. Sino ang kasama nito sa loob? Lumapit siya sa pintuan. Maluwag na binuksan iyon ni Trina. Pumasok siya sa loob.

Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makitang naka-upo sa teacher's table si Cynthia Nolasco. Ang sama ng tingin nito sa kanya!

"Cynthia..." sambit niya. Ano ang kailangan nito sa kanya?

"Lumabas ka muna, Trina. Isara mo ang pinto. Mag-uusap lang kami ni Ms. Gomez." Mababa ang tinig ni Cynthia ngunit makamandag iyon.

"Iyan ang napapala mo sa panghihimasok sa may relasyon nang may relasyon." Hirit ni Trina. "Mabuti nga sa'yo. Nabigyan ka lang ng kaunting pansin, feeling mo kung sino ka na." pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ito at iniwan sila ni Cynthia.

"Wala akong naiintindihan sa mga sinabi ni Trina," aniya sa dalaga.. "Kailanman hindi ako nanghimasok sa relasyon—"

"Bullshit!" putol ni Cynthia sa sinasabi niya. "You know what? You're a conniving bitch. What made you think that you can steal Jethro from me?" humalakhak pa ito.

"Hindi ko aagawin sa'yo si Jethro."

"Oh, yeah?" sarcastic na hirit nito. "Ano ka, bait-baitan? Hindi lang pala ang hitsura mo ang nakakasuka. Tama nga si Trina, nakakainis 'yang ugali mo na akala mo ikaw ang pinakamabuting tao sa mundo. Huwag kang magpaawa sa akin. Ako ang naagrabyado dito!"

"Tama na, Cynthia." Mahinahong wika niya dito. "Walang pupuntahan itong pinag-uusapan natin kasi walang namamagitan sa amin ni Jethro. Mali iyong balitang nakarating sa'yo. Ikaw ang mahal niya, alam mo naman 'yon, 'di ba?" tinignan niya ang oras sa suot na wristwatch. "Dadating na ang professor namin. May klase pa kami."

Ang Tawag Nga Ba Rito ay Pag-Ibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon